CHAPTER 6

971 Words
Nagising ako sa pagkakatulog ng makaramdam ako ng sobrang pagkahilo at tindi ng sakit ng ulo.Agad akong bumangon at parang hindi pamilyar ang kwarto. "Hindi ganito ang ayos ng kwarto ni jacky ah,baka isa ito sa guest room nila." kausap ko ang sarili ko ng bigla akong napatayo at tinungo ko ang banyo na kitang kita naman dahil sa nakasabit sa pinto na TOILET.Dali Dali akong nagtungo dun upang magsuka ng magsuka. "s**t diko na uulitin ito!" kahit papano nahimasmasan ako sa pagsuka ko.Akma akong tatayo ng mapansin kong iba na ang suot ko.Nakapang sexy akong pantulog na sleeveless na kulay itim at sobrang ikling terno netong short na parang hindi na nga short kung titignan kasi nagmukha na itong panty sa sobrang ikli. "Siguro si jacky ang nagbihis saakin nakakahiya ka talaga Shane!" Paglabas ko ng banyo napatingin ako sa wall clock ,pati orasan halatang mamahalin.1:30am na pala ng umaga,kumusta kaya si jacky nalasing din kaya siya?akma akong lalabas ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa neto ang napakagwapong nilalang na si Jake na walang pang itaas na kasuotan at nakaboxer lang ito. "Ay kabayo kang walang damit!!!" nasabi ko nalang dahil sa gulat ko na nakapagpakunot ng noo niya. "Sorry sir Jake nagulat lang po ako.Bat po kayo nandito? " tanong ko sakanya na hindi umaalis sa pagkakatayo sa pinto.naestatwa na ata.Titig na titig siya saakin at sa kabuuan ko na para bang nakakita ng multo sa pagkagulat,nanindig naman agad ang balahibo ko sa isiping may multo. "Sir Jake okay ka lang ba??" tanong ko sakanya habang hinahawi hawi ko ang mga kamay ko sa harapan mismo ng mukha niya at epektibo naman dahil bumalik ito na tila natauhan. "This is my room and jacky is not here." lumaki ang mata ko sa sinabi niya at tila gusto kong tumili.sige landi pa haha. "Po?teka sa kalasingan ko po ba kaya nakarating ako dito sa kwarto mo?naku sorry po sir,sorry talaga hindi ko sinasadya.Lalabas nalang po ako pasensya na po talaga sir." Yuko yuko akong humihingi ng paumanhin at akmang lalabas ng hawakan niya ang braso ko. "No.dito ka talaga natulog.Binuhat kita kaninang nalasing ka.Si jacky ay lasing din kaya hindi kana niya naasikaso hindi rin napaayos ni jacky kina manang ung guest room kaya dito nalang kita dinala.Pinabihis nalang kita kanina kina manang kaya iba ang suot mo and don't worry sa sofa ako matutulog kung hindi ka kumportable." Mahaba niyang paliwanag saakin. "Ganun po ba sir ako nalang po sa sofa niyo baka kasi hindi kayo makatulog na andito ang presensya ko." kasi nakakahiya isa pa naiilang ako na topless siya at Tama nga ako noon na may mga pandesal nga siya at halatang masarap talagang himasin. "Bisita ka dito hindi pwedeng sa sofa ka and one more thing,don't call me sir kapag wala tayo sa office." Pagkasabi niyang iyon ay naglakad na siya papasok ng kwarto niya at kumuha ng isang unan sa higaan at blanket sa malaki niyang drawer saka lalabas papuntang living room.Tama kayo ng basa may living room ang kwarto niya may small kitchen din ito na kahit tamarin siyang lumabas ng kwarto ay hndi niya poproblemahin ang kakainin dahil pwede siyang magluto dito mismo.Kasing laki na ata neto iyong apartment na tinutuluyan ko.Ibang klase yung kwarto niyang ubod ng laki dinaig ang isang apartment.Lumagpas na siya saakin ng magsalita ako na ikinalingon niya. "Sir Jake,este Jake.Kung okay lang sayo tabi nalang tayo total malaki naman ang kama mo kasya ata ang lima sa laki." Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi ko. "Are you sure.?" tumango lang ako sa tanong niya na nagpaaliwalas ng kanyang mukha,kesa naman kasi sa sofa siya nakakahiya talaga. Nakahiga kaming pareho pero ako mulat na mulat dahil sa presensya niya sa tabi ko.Imagine topless siya tapos nakaboxer lang at KATABI ko pa! sinulyap ko siya ng mabilisan at itoy nakapikit habang nakalagay ang dalawang kamay sa may ulunan niya.Napaka luwang ng kama niya at pareho kaming nasa magkabilaang gilid para iwas dikit.Hilong hilo ako pero mas ramdam ko iyong parang biglang uminit dito sa kwarto kahit pa may aircon dahil sa nakikita kong mga pandesal na parang bagong luto at hinahain saakin mismo at malalaking dibdib na parang Kay sarap sandigan haha.Gusto ko pa siyang sulyapan kaso baka hindi ko na mapigil ang sarili ko at mapatili ako sa sobrang kilig dito ngayon alam ko na iyong feeling nila tere sa tuwing nakikita nila ito,dati kasi di naman ganito ang pagkakilig ko sakanya.HAY NAKU SHANE NAKAKITA KA LANG NG YUMMY NA KATAWAN LUMALABAS NA ANG KALANDIAN MO! sabi ko sa isip ko at feeling ko namumula pa nga ata ako kahit iniisip ko palang na hawakan iyong mga braso at abs niya haha.Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at tumagilid palikod sakanya hanggang sa makatulog ako. JAKE: Mahimbing ng natutulog si shane samantalang ako Hindi makatulog dahil parang umiinit ang buo kong katawan panu ba naman nasisilayan ko iyong dibdib niya bat naman kasi ito pa iyong pinasuot ni manang para tuloy akong nagbabaga neto.Ang sarap niyang pagmasdan gustong gusto ko siyang yapusin at kagatin dahil sa pang gigil na nararamdaman ko ngayon. Napatagilid akong bigla ng gumalaw siya nagising kaya siya?titig kasi ng titig eh,s**t something grows.easy junior behave ka lang off limit iyan mayayari tayo Kay jacky. Pinakiramdaman ko itong gumalaw pero hindi na gumalaw kaya malamang sa malamang ay tulog parin ito,gusto ko siyang tignan muli pero baka sa pangalawang beses ay mahuli na ako kaya pinigilan ko ang sarili ko na wag nalang siyang lingunin at magpadala nalang ako sa antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD