Chapter 2

1032 Words
Isabella's POV MALUWANG at malapad na daan ang sumalubong sa akin habang nagmamaneho papunta sa Hacienda Altagrasia. Nagsinungaling si Papa! Simula pagkabata ay hindi ako sumasama kapag nagbabakasyon ang mga kuya ko sa hacienda namin na kung tawagin ng mga tao ay paraiso. Paano, sa halip na ipagmalaki ay puro panlalait ang sinasabi nina Papa at ng mga kuya ko sa Hacienda Altagrasia. Ayaw talaga nilang umuwi ako sa amin sa hindi ko malamang dahilan, pero dahil sa sunod-sunod na kamalasang dumating sa buhay ko, walang paalam akong umuwi rito. Bahala na si Batman! "Parang nakikita ko na ang hitsura ni Papa," wala sa sariling nasabi ko. Nang maalala na naman ang katangahang nagawa ko sa Manila—ang pakikipagtalik sa lalaking hindi ko kilala, napangiwi agad ang mukha ko. Bumaba pa ang paningin ko sa sarili kong tiyan nang maisip na baka mabuntis ako. "No! Hindi puwede! That cannot be!" naibulalas ko na lang. Malakas kong niyugyog ang ulo ko upang mawala sa isipan ang bagay na iyon. Mas nanaisin ko pang makipagbalikan sa makati kong ex kaysa ang mabuntis ng kung sino! Mahigit isang oras pa ang biniyahe ko bago naabot ang malaking mansion sa gitna ng malawak na lupain. Hapon na nang makarating ako. Palubog na nga ang araw, e, at nagkukulay kahel na rin ang kalangitan. "Manang Olga, huwag n'yo nang sabihin kay papa ang pagdating ko. Siguradong nagpapahinga na iyon. Bukas na lang." "Naku! Siguradong malalagot kami kapag hindi namin sinabi sa papa mo ang pagdating mo, hija. Diyos ko kang bata ka! Bakit nagpunta ka rito nang walang paalam kay Don Enrico?" Tinawanan ko lang ang sinabi ni Manang at mabilis nang pumasok sa mansion. DAHIL ayaw kong malaman ni Papa ang pagdating ko, palihim akong bumaba sa kusina nang sumapit ang hatinggabi para kumuha ng pagkain. Kumukulo na ang tiyan ko! Bumiyahe ako kaninang umaga na tanging tubig lang ang laman ng tiyan. Ngayon ay dala ko pa ang binili kong binocular sa daan para malayang makita ang malalayong lugar mula sa aming mansion. Magsa-sightseeing ako! Bitbit ang tray ng isang baso ng pomelo juice, ilang piraso ng puto at tig-isang bukopie at cassava cake, tahimik kong tinungo ang malaking balcony sa second floor. Agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin nang makalapit sa bakal na harang. "Ang sarap ng hangin! Fresh air mula sa probinsya." Malapad ang ngiti ko habang nakapikit at dinadama ang simoy ng hangin na banayad na humahalik sa aking pisngi. Nakapikit pa rin ako nang bigla kong marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Agad ko itong sinagot sa takot na baka may makarinig. "Sissy! Kumusta ka naman? Nakarating ka na ba dyan sa probinsiya n'yo? Buhay ka pa ba?" Bumuntonghininga ako nang maalala uli ang tungkol sa lalaking naka-one-night-stand ko dahil sa pagtawag ni Brian. Mabilis kong winaglit iyon sa aking isipan. "Ikaw ang kailan pupunta dito? Usapan natin, sabay tayong aalis." "Pasensya ka na, sis. I need to finish this project before leaving the company. Para naman kahit umalis ako ay hindi ako maookray ng family ko dahil may maipagmamalaki ako sa kanila." Nailing ako sa narinig. Ang tinutukoy nitong pamilya ay ang family ng babaeng pinakasalan ng daddy nito. Modern Cinderella ang peg ng kaibigan ko. Inaapi-api siya ng madrasta at step-sisters niya nang hindi nalalaman ng daddy niya. "So, kailan nga ang dating mo?" "I don't know. Maybe a week or two? It depends." "Ano? Ang tagal no'n, ah? Mabuburyo ako nito dito dahil wala ka." Mabilis kong kinuha ang binocular sa tabi ng tray at sumilip mula roon. Sinundan ko ang lugar kung saan nanggagaling ang tahol ng mga aso. "Kung bakit kasi ang aga mong pumunta dyan? Nag-resign ka pa sa trabaho mo. Bakit ba?" Bumuntonghininga ako nang muling maalala ang kataksilan ni Rico. Kasama ko kasi sila ni Makating Apple sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko, kaya I can't work there anymore. Baka mapatay ko lang ang ex ko at ang hayop niyang babae. "I'll explain to you everything when you get here." "Ohhh! Pa-suspense! Okay, siye. Bibilisan ko na ito para makarating na agad dyan." Mula sa mga asong pinalilibutan ang isang kambing, natuon naman sa malayong villa ang binocular na hawak ko. Kumunot ang noo ko nang matitigan kung gaano ito kaganda. "I didn't know we have neighbors," sabi ko nang bumukas ang glass door ng isang kuwarto sa villa. Maya-maya ay lumabas ang isang lalaki. Napalunok ako nang makita ang hitsura nito. "Ha? Ano kamo? I didn't quite hear you, Bella." "Ah, wala, Brian. Sige na, magtawagan na lang tayo bukas. Bye!" Hindi ko na ito hinintay na makasagot at mabilis nang ibinaba ang tawag. Ngayon ay dalawang kamay ko na ang nakahawak sa binocular habang mataman na pinanonood ang bawat kilos at galaw ng lalaking naka-topless at nakatayo sa balkonahe. Umiinom ito ng malamig na tubig. "Wow. Look at those muscles and biceps." Akala ko, puro mga lalaking manggagawa na sunog ang balat ang makikita ko rito dahil sa uri ng mga trabaho sa hacienda, pero hindi ko inaasahan na makakahanap ako ng guwapong mestizo. Maputi ang binata, matangkad, matipuno ang pangangatawan at malapad ang balikat. Medyo magulo ang buhok nito na bumagay lalo sa kaniya at nakapagpalakas pa ng s*x-appeal niya. He was like Adam who has just finished having s*x with Eve. I bit my lower lip. "And who is this sexy handsome young man? Siguradong hindi ito anak ng kung sino lang." Muling tumunog ang cellphone ko kaya nawala sa lalaki ang paningin ko. Buong akala ko ay si Brianna ito, pero agad na uminit ang ulo ko nang makita ang pangalan ni Rico. "Cheater," I whispered as I off my phone to avoid his calls. Umalis ako nang walang paalam. Ni hindi niya alam na natuklasan ko ang tungkol sa pagtataksil niya sa akin. Bahala na siya sa buhay niya! I planned on staying here for good na. Muli akong bumalik sa tinitingnan kanina pero nadismaya ako nang makitang pumasok na sa loob ang lalaki. Bago nito isinara ang pinto ng balkonahe, mahinang pagsinghap ang kumawala sa mga labi ko nang lumingon ito sa gawi ko at natuon sa akin ang paningin. And then he smiled!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD