Chapter 3

889 Words
Isabella's POV "Good morning!" nakangiti kong bati kay papa nang makababa ng hagdan. Nakaupo na ito sa dulong bahagi ng mahabang dining table na nasa ground floor ng mansion. Napahinto ako sa arkong pintuan na naghahati sa malawak na sala at dining room. Napansin ko kasing nakatayo sa sulok si Manang Olga kasama ang pamangkin nitong si Tesa. "Papa?" Mula sa kinakain, nag-angat ito ng paningin sa akin. "Maupo ka!" Napapitlag ako nang magtaas ito ng boses. Hindi bale, kaysa naman manatili sa Maynila at harapin ang ex ko, mas mabuti nang ang galit ni Papa ang harapin ko. "What's for breakfast?" Nagpanggap akong nakatuon ang atensyon sa mga nakahain na pagkain sa mesa kahit ang totoo, nanginginig na ako sa takot nang makaupo. "Wow! Sinangag at sliced hard boiled eggs na may kasama pang kamatis at sawsawan! So yummy!" Akmang kukuha na ako ng pagkain nang biglang hinampas ni Papa ang kamao sa ibabaw ng mesa. Napapitlag uli ako kasabay nang pagpikit. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!" "K-kumukuha ng breakfast, papa." "Huwag mo akong pinipilosopo, Isabella!" Nakagat ko ang labi ko nang hindi ko matagalan ang naglalagablab na mga mata nito. "Tatawagan ko ang Kuya Draven mo. Ngayong umaga rin mismo, babalik ka sa Maynila!" Umawang ang mga labi ko. "What? No way!" "Isabella!" "Wala na akong babalikan, papa. I already resigned from my job." Natigilan siya. "A-anong pinagsasabi mo? Nag-resign ka? Bakit mo ginawa iyon!" Umiwas ako ng paningin dahil wala akong balak sagutin ang tanong nito. "It's a long story, papa! Just let me stay, okay? Ang laki-laki nitong hacienda. Sa dulong bahagi na lang ako para hindi mo ako makita." "Aba't! Ako ba talaga, ginagalit mo!" Ngumuso ako. "Papa naman kasi, simula nang ipanganak ako, hindi pa ako nakatuntong sa hacienda natin. Ngayon pa lang!" "Dahil hindi puwede!" matigas nitong saad. "Pero bakit nga?" "Hindi mo na kailangan malaman!" Bumaling ito kay Manang Olga. Sa isang pitik lang ng kamay, lumapit agad dito si Manang. "Kunin mo nga ang telepono ko! Nasa kwarto!" "Opo, Don Enrico!" "Papa, no! I don't want to go back! I want to stay!" "Isabella, huwag mo nang pinaiinit ang ulo ko! Kapag sinabi kong babalik ka, babalik ka!" "E, bakit nga! Sina kuya, malayang nakakapunta rito! Kahit si Tita Esmeralda, ganoon din! Ako lang ang hindi!" Nang marinig nito ang pangalan ni Tita na nakababata nitong kapatid, mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Simula nang umalis papuntang America si Tita Esmeralda, hindi na namin nababanggit ang pangalan nito nang hindi nagdaramdam si Papa. Why kaya? Patakbong lumapit si Manang Olga nang makababa ng hagdan, dala na nito ang telepono ni Papa sa kamay. Sinubukan ko pa itong pigilan pero talagang naging matigas si Papa. "Yes, hijo, your sister is here. Pumunta ka agad dito at sunduin siya! I want Isabella to return to Manila as soon as possible!" "Papa naman!" Nagpapadyak na ako sa sobrang inis. Kulang na lang ay umiyak ako. I don't want to go back! Maraming hindi masasayang alaala doon ang gusto kong kalimutan! Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nagbalik sa isip ko ang mga hawak at halik na ipinagkaloob sa akin ng estrangherong nakatalik ko. Isabella, are you out of your damn mind? Stop thinking about him! Muli kong tinuon ang pansin ko kay papa na abala pa rin sa pakikipag-usap kay Kuya Draven. Hindi ko alam kung bakit tutol na tutol ito sa pagpunta ko sa Hacienda Altagrasia. Pag-aari namin ito kaya bakit pinagkakaakit niya sa akin ang masilayan man lang ang ganda ng aming hacienda? Ampon ba ako? Baka naman napulot lang talaga ako sa basura nang hindi ko nalalaman? "Oh, sige! Basta bilisan mo ang trabaho mo riyan at umuwi agad rito!" Padabog nitong ibinaba ang tawag. "Bukas ka pa masusundo ng kuya mo. May problema sa negosyo kaya hindi siya agad makakapunta." "Kahit huwag na siyang tumuloy, hindi rin ako sasama!" Salubong ang kilay nang muli ako nitong balingan ng tingin. "Isabella, napupuno na ako sa iyo! Wala kang pahintulot nang umuwi rito sa kabila ng mga babala ko! At ngayon, ikaw pa itong nagmamatigas!" Bigla itong tumayo at naglakad paalis. Tumayo na rin ako at humabol sa kaniya. "Papa! Give me one reason! Just one good reason to leave! Kapag sa tingin ko, valid ang reason n'yo, ako mismo ang babalik sa Manila. I have my car with me. I can drive myself back!" Hindi ito sumagot. Tumingin ito sa malayo habang seryoso ang mukha. "Kung ayaw n'yo akong bigyan ng rason, pwes, hindi ako aalis!" Tinalikuran ko ito pero mabilis ding natigilan sa narinig. "Dahil sa mga Romano!" Muli kong hinarap si Papa. "Romano?" "Ang pamilyang Romano ang mortal na kaaway ng ating pamilya! Delikado silang mga tao, hija. Kaya ayaw kong magpunta ka rito dahil ayaw kong madamay ka sa gulong ito." Matagal akong natahimik sa mga narinig. May kaaway ang pamilya namin? At mga delikadong tao sila? "Papa, I don't understand." Huminga ito nang malalim. "Mas mabuti nang wala kang alam. Sa ngayon, manatili ka na lamang sa kuwarto mo." Bago umalis ay humarap ito kay Manang Olga. "Ipatawag mo si Martin, siguraduhing hindi malalaman ng mga Romano na nandito si Isabella!" Muli itong tumalikod at akmang aalis, pero lahat kami ay natigilan nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD