CHAPTER 4

1246 Words
Chapter 4 "Why don't you ask your Dad for help?" wika ng kanyang Mommy nang sabihin niya rito ang problema niya. Ilang linggo na kasi niyang pinaghahanap si Miss. Yummy. Ang babaeng naka-one night stand niya. Ngunit hanggang ngayon hindi niya pa rin ito nahahanap. He desperate to see her. Nais na niyang makitang muli ang babaing nagpagulo ng puso at isip niya. He can't eat and go with his friends dahil naging abala siya sa paghahanap hanggang sa napansin ng kanyang mommy ang pangangalumata niya at ang pamamayat niya. He sighed. "I can't." Nakatitig siya sa kanyang Mommy. "And why? Your Dad is really powerful when it comes to business and tactics. Isang araw lang mahahanap na niya ang babaeng hinahanap mo." "Then after that he wanted me to be a part of his company. Ayokong humawak ng kumpanya." Pailing-iling ang Mommy niya na tila hindi sang-ayon sa gusto niya. "Ikaw lang ang ayaw humawak ng kumpanya. Ano bang mapapala mo sa pagbabanda? barya lang ang kinikita mo diyan mas mahal pa nga ang expensses mo every day kaysa sa kinikita mo diyan. You have to think for that." "I beg you to disagree." "You're hard headed. I don't know what I should do to you." Bumuntong-hininga pa ito tila sumusuko na sa kanya dahil sa pagmamatigas niya. "Kaya mo naman akong tulungan why I need Dad to help me kung kaya mo naman." Tinitigan siya ng Mommy niya. "I will not help you." "Mom!" Tumayo ang mommy niya pagkuway pumasok na ito sa kanyang silid. Kuyom ang kamao niya sa inis. No one can understand to him. Even though his family is known. it's still not easy to ask them for help. Dahil pagpipilitan nilang humawak siya ng kumpanya which is ayaw niyang gawin. Lumabas siya ng mansiyon at nagtungo sa bar ng kanyang kaibigan habang nasa daan siya hindi niya mapigilang tumingin-tingin sa gilid-gilid ng kalsadang madadaanan niya dahil nagbabakasakali siyang makita niya ito sa daan. "Wala rito ang hinahanap mo." Nakangiting bungad ng kaibigan niyang may-ari ng bar. Alam na alam nitong iyon ang sadya niya. Malungkot siyang lumapit rito. Umupo siya sa malambot na sofa habang nakasandal naman ang mga paa niya sa kabilang umupuan. "Samahan mo akong uminom." "Are you crazy? Ang taas ng araw sa labas mag-iinom ka?" "I want to drink alcohol." "Sarado pa kami." "Then, open it for me, babayaran kita ng triple sa bawat oras na ilalagi ko rito." "Lason ang inumin mo para makapag-abuloy naman ako sa inyo." Seryosong sabi ng kaibigan niya. Matalim niya itong tinitigan. "I am serious." "Do you think it is a joke? I am serious too." Nakipagtitigan pa ito sa kanya. "Tss. No one can help me. Ano bang ginawa ko sa earth why I feel useless, why I feel that I'm alone. Tell me!" "Drama mo Dude, nababaliw ka na dahil sa babaeng iyon gaano ba kasarap ang pakwan niya para maging ma-drama ka? Sobrang namumula ba at matamis ang pakwan niya?" He glared. "Fvck you!" Mariin niyang sabi rito. "If I were you susundin ko na lang ang gusto ng Daddy mo. Kung talagang tinamaan ka na ng pana ni Kupido gagawin mo ang lahat para sa kanya. Papayag ka sa deal ng Daddy mo. but if you feel it is a lust? Stop thinking to her instead get a new s*x partner." Natigilan siya. May punto ang kanyang kaibigan. Ano nga ba ang puno at dulo ng lahat ng ito? Mahal na ba niya ang babae O gusto niya lang muli itong makasama sa kama? "See? Hindi mo alam kung ano talaga ang babae na iyon sa iyo." "I need liquor." Sabi niya. "Tss. I will give you one bottle and that's enough." Pumihit ito patalikod sa kanya upang kumuha ng alak sa istante. "Thank you, Dude." Pagkuway ipinikit niya pandalian ang kanyang mga mata. Ngunit ang kanyang isip ay abala sa sinabi ng kaibigan hindi naging malinaw ang sinabi niya ngunit nagkaroon siya ng idea kung ano ba ang nararamdaman niya para sa babae. "I'm gonna home." Dumukot siya ng pera at ipinatong sa table. "Keep the change." Tumayo siya at pagkatapos sumakay sa kotse niya patungo sa mansiyon nila. Ilang minuto rin ang nasayang na oras dahil sa traffic kung kaya't ala-sais na ng gabi nang makarating siya sa kanilang mansiyon. Tamang-tama paparating na ang kanyang Daddy. Gulat na gulat pa ang Mommy niya nang makita siyang muli. Akala kasi nito nasa condo na siya at hindi na muling babalik. Ugali kasi niyang kapag pumupunta ng mansiyon nila. Isang beses lang sa isang linggo minsan pa nga buwan ang lumipas bago siya muling bumalik. Ngunit ngayon dalawang beses siyang umuwi sa loob ng isang araw lang. "Anong nakakain mo bakit bumalik ka?" takang tanong ng Mommy niya. "Ayaw mo ba akong makita rito Mommy?" biro niya rito. "Of course not, masaya nga akong narito ka. Ikaw lang naman ang ayaw dito." "I'll wait to Dad." Ihahakbang pa lang niya ang paa niya patungo sa silid niya narinig na niya ang boses ng kanyang Daddy na tinatawag ang paborito nitong alagang aso. "He's here." Nakangiting sabi ng kanyang Mommy. Pagkatapos nagtungo na ang kanyang Mommy para salubungin ito. Sumunod naman siya rito nais kasi niyang makausap ang Daddy niya kung kaya't nasa living room pa lang ito nilapitan na niya ito. "How are you, Dad?" Lumapit siya rito at nag mano. Pagkatapos umupo siya sa katabi ng kanyang Daddy. May pagtataka sa mukha ng kanyang Daddy nang tingnan siya nito. Naka-de-kwatro pa siya habang nakaupo. "May sakit ka ba, Abraham?" Takang tanong ng kanyang Daddy. Payak siyang tumawa. Hindi iyon isang pag-aalala kung hindi pang-iinsulto sa kanya. Well, alam na alam naman niyang hindi siya sweet at loving son kung hindi isa siyang black sheep ng pamilya. Wala kasi siyang ginawa kung hindi ang gawin ang gusto niya at mag pasama ng loob ng mga ito. "Maybe." Kibit-balikat niya. "Seriously, what do you want?" Seryosong tanong ng Daddy niya. "Okay, I need your help. Pagkatapos mo akong tulungan gagawin ko naman ang gusto mo." Nakatingin pa siya rito. Nagkatingin ang Mommy at Daddy niya na magkatabi sa sofa. May ngiti sa mga labi nila nang tingnan ko sila. "What help? Name it." "May gusto akong ipahanap na babae." "That's easy ngayon din tatawagan ko ang pinaka magaling kong secret agent." Agad itong nag-dial ng number at may tinawagan ito. Pangiti-ngiti naman ang kanyang mommy habang nakikinig sa usapan. Hinintay niyang matapos ang pakikipag-usap ng Daddy niya sa kausap nito sa cellphone pagkuwa'y muling binaling sa kanya ang tingin. Ngumiti pa ito sa kanya. "The best secret agent will report to you tomorrow at your condo unit," sabi ng kanyang Daddy. "Thanks, Dad!" Tumayo siya para umalis. "Don't forget your promise. Ipapakilala na kita sa tuesday bilang vice president ng kumpanya be ready." Habol na sabi ng kanyang Daddy. Ang kanang kamay niya ay nakapamulsa sa pantalon niya ang kaliwang kamay niya ay tinaas niya upang ipaalam sa kanyang Daddy na naiintindihan niya at pumapayag siya sa gusto nito kahit labag sa kanyang kalooban. "Kapag nagtagpo ang landas natin Miss Yummy, sisiguraduhin kong magiging akin ka lang." Sabi niya nang makasakay siya ng kanyang kotse. Ibinaba na niya ang pride. Pikit mata siyang lumapit sa kanyang pamilya upang mahanap lang ang babaeng kinabaliwan niya sa loob ng isang gabi. Alam niya sa sarili niya na hindi lang ito tawag ng laman kung hindi tawag ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD