Chapter 3
NAPABALIKWAS ng bangon si Cassandra nang magising siya na may katabing lalaki.
"My gosh!" Nanlaki ang mata niya nang makita niya ang damit niyang nakakalat sa sahig. Nang silipin niya ang katawan niyang nakatakip ng kumot nakita niyang wala siyang kahit anong saplot. Gulong-gulo siya at hindi makapag-isip ng tama, kaagad siyang tumayo upang maligo ngunit nang babangon na siya nakaramdam siya ng pananakit ng binti niya at sa gitnang parte ng binti niya. Masakit rin ang buong katawan niya. Nilingon niya ang lalaking mahimbig na natutulog wala rin itong suot na damit. Napapikit siya ng mariin. Dahil sa sama ng loob sa ex-boyfriend niya nakipag-one night stand siya sa lalaking bokalista. Ang bagay na pinakikiingatan niya at ang ninanais na makuha ng boyfriend niya ay nawala lang ng ganoon kadali.
"Stupid! Stupid! Stupid!" Sabi niya sa sarili.
Dahan-dahan siyang kumilos upang 'wag itong magising pagkatapos nagtungo siya sa banyo upang maligo. Masakit ang ulo niya dahil sa dami ng alak na ininom niya kagabi. Habang sinasabon niya ang katawan niya napansin niya ang kissmark sa leeg at dibdib niya mas lalo siyang nagalit sa sarili kahit kasi lasing na lasing siya alam na alam niya pa rin kung anong nangyari kagabi at alam niyang kusa niyang ibinigay ang sarili sa lalaking hindi niya kilala.
Ano bang katangahan ang ginawa mo Cassandra!
Saglit lang siyang naligo dahil baka magising ang lalaking kasama niya sa kwartong ito. Habang sinuklay niya ang buhok niya pinagmamasdan niya ang lalaki. Gwapo at chinito ang lalaki ito siguro ang naging dahilan niya para ibigay ang sarili kagabi. Nang mapadako siya sa mapulang labi ng lalaki nakaramdam siya ng init ng katawan. Sumagi sa isip niya ang maliit na detalyeng nangyari sa kanila kagabi, nakaramdam tuloy siya ng pamumula ng pisngi nang bigla niyang maalala kung paano siya halikan nito.
Tiningnan niya ang wrist watch niya. "Eight hours and ten minutes na kitang kasama." Kausap niya sa tulog.
Tumayo siya at may kung anong nagtulak sa kanya na halikan ang lalaki sa pisngi bago siya umalis.
"Ito ang una at huli nating pagkikita Mr. Chinito." Pagkatapos dahan-dahan siyang lumabas ng kuwarto at nagmadali siyang lumabas ng hotel na iyon. Pagkalabas niya ng hotel suno-sunod na text ang natanggap niya mula kay Luz. Kung kaya't tinawagan niya ito at sinabing nakauwi na siya ng apartment kahit ang totoo pauwi pa lang siya.
NAKASIMANGOT siya nang makita niyang nakatayo sa may pintuan ng apartment niya ang ex-boyfriend niyang si Vincent. Nakatingin ito sa kanya habang papalapit siya. Suot pa rin ng ex-boyfriend niya ang damit nito kagabi ibig sabihin hindi pa ito umuuwi.
"Where have you been? Kagabi pa ako naghihintay sa iyo rito?" May inis sa tono ng boses nito nang tanungin siya.
Matalim ang naging tigtig ni Cassandra kay Vincent.
"Wala kang pakialam kung saan man ako pumunta." Kinuha niya ang susi ng apartment niya at pagkatapos pumasok siya sa loob ngunit sumunod naman si Vincent sa kanya at hinila siya palapit dito at hinalikan siya sa labi.
Nagpumiglas siya. "Bitawan mo ako!" Sigaw niya. Nakaramdam siya ng pandidiri sa mga halik nito. Tinulak niya ito at simpal.
"I miss you, Cassandra. Kung ganyan palagi ang suot baka hindi kita iniwan." May pagnanasa itong nakatigtig sa katawan niya.
Napayakap siya sa dibdib niya. Kagabi gustong-gusto niyang akitin ang ex-boyfriend niyang upang ipakitang hindi ito kawalan ngunit ngayon nangyari na ang gusto niya nakaramdam na siya ng takot.
"Pervert! Umalis ka na Vincent kung ayaw mong tumawag ako ng pulis."
"I want you napag-isip-isip kong bago kita tuluyang iwan kailangan napagsawaan na kita." Parang demonyong nakangiti sa kaniya.
Nakaramdam siya ng takot. Bubuksan niya sanang muli ang pintuan upang makalabas ngunit pinigilan siya nito.
"You're mine now." Nangisi pa ito.
"Walanghiya ka! Vincent!" Nagpupumiglas siya rito. Ngunit sadyang mas malakas ito sa kanya kaya nagawa nitong ikulong siya sa dibdib nito at sinibasib siya ng halik. Sinikap niyang kumawala. Wala na ang init na nararamdaman niya noon sa tuwing hinahalikan siya ni Vincent. Pandidiri ang nararamdaman niya rito. Nang magsawa ito sa labi niya hinalikan nito ang leeg niya ngunit bigla itong huminto.
"f**k! May nauna sa akin?" Nanggagalaiti nitong tanong kay Cassandra. Marahil napansin nito ang kissmark sa leeg niya.
"Oo! At paulit-ulit kong ibinigay ang sarili ko sa lalaking hindi ko kilala."
Isang malakas na sampal ang pinalasap nito sa kanya.
"Walanghiya ka! Hindi ko inakala na malandi kang babae. Pwe!" Tumalikod ito sa kanya at padabog na sinarado ang pintuan.
Humagulgol siya ng iyak. Masakit ang naging sampal ni Vincent sa kanya, ngunit mas masakit ang katotohanan s*x lang talaga ang habol ni Vincent at hindi siya nito kailanman minahal.
*****
Nang magising ang lalaki una niyang hinanap ang babaing kasama niya sa hotel ngunit wala na ang mga damit nito. Umupo siya sa gilid ng kama at tinawagan ang information ng gusali.
"Hello, nakita niyo bang umalis ang girlfriend ko?" Tanong niya sa information.
"Yes, Sir. Abraham Chen."
"Okay, thank you!" Sabay putol ko sa tawag.
Napasabunot siya sa gulo-gulo niyang buhok bigla niyang naramdaman ang hangover. Nang tingnan niya ang kama niya nakita niya ang pulang matsa na nakadikit sa puting kobre kama.
He sighed. "Sabi ko sa kanya 'wag siyang umalis."
Mabigat ang loob ni Abraham na bumangon at maligo. Dinala niya ang babae kagabi sa kanyang condo unit upang safe, dahil ang buong building na ito ay pagmamay-ari ng kanyang magulang kaya naman lahat ng tao sa loob ng building na ito ay kilala na siya. Habang rumaragasa ang tubig sa kanyang katawan bumalik sa alaala niya ang pagtatalik nila ng babae. He admit napakasarap ng babae and he claim it na naging agresibo siya sa unang pagkakataon. Nais niya itong makita at makasama uli.
"I will find you."
Agad niyang tinapos ang paliligo at agad na pumunta sa bar ng kaibigan niya. Anak siya ng billionaire business tycoon na si Marcos Chen. Kilala ang pamilya niya dahil sa mga iba't-ibang kumpanya na tinayo nila. Mga hotel's, BPO's ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay ng kanyang magulang wala siyang plano na sumunod sa mga yapak nito dahil ang tanging nais niya ay ang tumugtog, na mahigpit namang tinutulan ng kanyang magulang.
"Hindi ko kilala ang babaing kasama mo kagabi," sabi ng kaibigan niyang may-ari ng bar si Dekier.
Pinanood kasi nila ang cctv camera at ni-review nila ang nangyari kagabi. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita niya ang babae ngunit na dismaya siya ng wala man lang kahit isang nakakakilala rito.
"Pakita mo sa mga tauhan mo 'yan," wika niya.
Tinapik ni Dekier si Abraham. "Mukha yatang masyado kang interesado sa babaing 'yan." Pilyo itong ngumiti sa kanya. "Halimaw ba sa kama.""
"Tsss... She's naive."
"Ow! So what's new to her? Masyado ka naman interesado sa kanya?"
Natahimik siya sa pagkakataong ito hindi niya sasabihin ang totong nangyari sa kanilang dalawa ng babae. Madalas kasi kapag may nakakasiping siyang babae kinukwento niya sa kaibigan niya.
"I want to see her again."
"Iba na 'yan pre, hindi na 'yan libog tinamaan ka na yata ng pana ni kupido," wika ni Dekier.
"Gusto ko siya makita dahil may gusto akong tanungin sa kanya," alibi ko.
"Really?" Tumingin muli ang kaibigan niyang Dekier sa naka-play na cctv. "Ang ganda niya at sexy, malulunod ka sa laki ng dinadala niya.
Napalunok siya nang muli niyang maalala ang eksenang niroromansa niya ang babae.
Tumayo si Abraham. "I have to go!"
"Teka saan ka pupunta?" Tanong ng kaibigan niyang si Dekier.
"Hell." Sagot niya sa kaibigan.
Tumawa ng malakas ang kaibigan. "Happy trip." Pang-asar na sagot ng kaibigan niya.
Sumakay siya ng kotse niya patungo sa masyon nila sa loob ng isang linggo isa O dalawang beses lang siyang umuwi ng mansyon nila ayaw kasi niyang palaging kinukulit ng Daddy niya na humawak ng isa sa mga negosyo nila.
"Oh, Gosh! You forgot to use a condom."
Paulit-ulit na bumabalik ang mukha ng babae ng sabihin niya iyon. Sinadya kasi niyang 'wag gumamit ng condom nang magtalik silang dalawa nais kasi niyang maramdaman ng buo ang pagkakababae nito at ngayon para siyang baliw na hinahanap ang babaing kahit pangalan ay hindi niya alam.
"Sana mabuntis kita."
Hindi pa siya nakababa ng kotse niya napansin niya ang pamilyar na kotse. Ang may-ari ng kotse na iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang tumira rito ay ang ate Eladia niya. Tatlo silang magkakapatid at ang Ate Eladia niya ang panganay. Tulad ng kanyang ama sinubsob din nito ang sarili sa kumpanya bagay na hindi niya gusto. May asawa na ang kanyang kapatid na si Eladia at may isang anak na lalaki. Sa tuwing nasa bahay ang kapatid niya hindi na siya tinitigilan sa pangungulit lalo pag dating sa usapan sa negosyo at pag-aasawa siya ang pangalawa sa magkakapatid ang bunso niyang kapatid na lalaki ay disi-otso pa lang at nag-aaral sa amerika ng kursong medicine.
"Good morning, Sir," bati ng isa sa mga katiwala nila nang makasalubong niya.
"Nasaan si Ate?" Tanong niya sa katulong.
"Ay! Tulog po si Maam."
"Good." Nakahinga siya ng maluwag na ang ibig sabihin walang mang gugulo sa kanya ngayon.
Dumiretso siya sa kanyang silid ngunit bago pa siya makarating sa kanya silid nakita siya ng kanyang Mommy.
"Abraham!" Lumapit ang Mommy niya at niyakap siya ng mahigpit.
Nasa edad singkwenta na ang kanyang Mommy ngunit hindi pa rin maalis ang pagiging badinosa nito. Maputi ang kanyang mommy na may maikli at kulot-kulot na buhok. Kahit nasa loob ito ng bahay nakapustura pa rin ito.
"Mom."
"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin? Iniisip ko tuloy umalis ka ng bansa."
He sighed. "Mom, hindi na ako bata. Nasaan si Daddy?"
"Nasa business meeting pa siya sa mga investor niya."
"Uuwi ba siya ngayon?"
Kumunot-noo ang Mommy niya. "Bakit hinahanap mo ang Daddy mo? Ngayon lang nangyari na ikaw ang naghahanap sa kanya."
"May hihingiin ako sa kanyang tulong."
"Ano iyon?"
"Hihiramin ko lang sa kanya si Mr Berloda."
Mas lalong nagduda ang kanyang mommy dahil sa sinabi niya.
"May ipapagawa ka sa kanya?"
"Yes, Mom. Puwede 'wag mo na akong masyadong tanungin hihintayin ko na lang si Daddy. I'll go to sleep, tawagin niyo na lang ako kapag dumating na siya."
"Okay sige, magpapaluto ako ng paborito mong pagkain."
"Thanks, Mom." Sabay ngiti niya.
Tumuloy siya sa kanyang silid upang magpahinga. Ngunit kahit anong pikit niya at anong ayos ng pagkakahiga niya mukha ng babae ang sumasagi sa isip niya. Nagpapabalik sa alaala niya ang gabing iyon bagay na hindi naman niya nararanasan sa mga babaing nakasiping niya. Madalas kasi kapag may nakakasiping siya gumagamit siya ng condom at pagkatapos noon mawawala na siya ng komunikasyon sa mga nakaka-s*x niya ngunit ngayon nais niya itong muling makita at makilala ng lubos.
"Miss. Yummy, mahahanap din kita at kapag nagkita tayo hindi na kita pakakawalan.