CHAPTER 7 “Good morning!” Nakangiting bati ni Amor sa kanya si Amor ang isa sa mga clerk employee sa billing department. Tumaas ang kilay niya habang pinapanood niyang pinupunasan ng tissue ang table niya. “Anong ginagawa mo sa table ko?” Muli itong tumingin sa kanya. “Mag-celebrate tayong dalawa dahil pareho tayong na promote.” Ngumiti pa ito sa kanya. “What do you mean?” Naguguluhan niyang tanong dito. Inilapag niya ang bag niya sa table ngunit nang ilalagay niya sa maliit na cabinet ang ibang papeles niya na hindi na iyon mabuksan. “Hindi ba nasabi sa ’yo ni ma’am Eladia Chen na hindi ka na rito naka-assign. Ako na ang bago niyang personal assistant.” “What! P-Paanong nangyari iyon? Tinanggal ako sa trabaho ng ganon-ganon lang. Hindi ako makakapayag!” Nagngitngit niyang sabi.