CHAPTER 6 Habol ang hininga niya habang tumatakbo siya patungo sa malaking gusali na pag-aari ng mga Chen. Kung bakit naman kasi ngayon pa nasira ang alarm clock niya kung kailan may meeting saka pa siya nahuli. Hindi tuloy siya magkanda uga-uga sa bitbit niyang dukumento pagkatapos hindi pa siya gaanong makatakbo ng mabilis dahil mataas ang heels ng suot niyang sandals. “Good morning!” Iyon ang sinasabi niya sa mga kapwa niya empleyado na nakasalubong niya at binabati siya. “Wait!” Sigaw niya nang makita niyang magsasarado na ang elevator. Hinintay naman siya na makapasok ngunit nang papalapit na siya saka naman nahulog ang mga dala niyang mga dokumento. “s**t! Kung kailan ako nagmamadali saka pa nahulog ang mga dokumento.” Nagmamadali niyang pinulot ang mga gamit. May nag maganda