Sa kaiisip ko kay Jade bago ako matulog ay napanaginipan ko siya. At dahil hindi ko pa alam ang kanyang itsura, ako ang naging si Jade sa panaginip ko. Tila pumasok ako sa katauhan niya. Nagsimula ang panaginip ko na katatapos ko lang balutin ng roba ang aking hubad na katawan mula sa ginawa kong pagligo. Akmang hahakbang na sana ako nang maestatwa ako sa aking kinatatayuan. Pumasok kasi si Haring Rellior sa loob ng banyo at isa-isang tinignan ang mga kasambahay na tumulong kanina sa akin sa aking pagligo. Nakita kong takot na yumukod ang mga ito at pagkatapos ay nagmamadali silang nagsipulasan palabas ng banyo. Sino ba naman ang hindi matatakot sa mukha ng hari na tila handang mangain ng buhay na tao dahil sa sobrang tapang ng mga mata nito? "Tamang-tama pala ang aking pagdating," p