CHAPTER 10 KIANNA SOFIA "Can I have my sim card back?" Sabi ko habang hinihiwa ang steak sa aking plato. Gabi na at dinala ako ni Reid sa isang mamahaling restaurant para kumain ng dinner. "Oh. Yeah." May dinukot siya sa kanyang bulsa at inilabas ang battery at sim ko. Kinuha ko iyon sa kanyang kamay ngunit agad niyang hinawakan ang aking kamay. Tinangka ko iyong bawiin ngunit hindi niya iyon pinayagan. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Anymore question, sweetheart?" Binasa ko ang aking ibabang labi at nagbuntong hininga. Nagbaba ako ng tingin at binawi ang aking kamay. Tumikhim ako bago magsalita. "When did Thunder lose his virginity?" Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. "When he was in college. Third year college. I forgot the girl's name but I think it starts with the