CHAPTER 11 THUNDER VON "Bakit hindi ko pwedeng ipaalam sa mga magulang ko ang tungkol sa relasyon natin?" Naiirita kong sabi. Binagalan ko ang andar ng sasakyan at pinarada sa harap ng apartment niya. Nag-iwas ito ng tingin. "Hindi pa ako handang humarap sa mga magulang mo." "Bakit?" "I know everything about your past secretaries, alright? Your dad told me." Pinasadaha ng aking kamay ang buhok ko. "You're still afraid of me or something?" "Hindi ako takot sa'yo. Natatakot akong sa magiging tingin sa akin ng magulang mo. Nang tanggapin mo ako bilang secretary mo, kinausap na agad ako ni Sir Zander. Sinabi niya sa akin na huwag akong gumaya sa mga dating naging sekretarya mo." I held her soft hand. "Kianna, you'll not end up like them. Don't give a s**t about other's opinion." "That