"Good morning, ano ang naaamoy ko? Ambango ah? Nakakagutom!" Lumingon siya habang naggigisa siya ng gulay. Actually, ginisang ampalaya iyon kagaya ng sabi ni Uncle Jade na umano'y paborito iyon ni Hades. "Good morning po. Paborito n'yo po " tipid niyang sagot sa lalake na katulad ni Uncle ay nakaboxer shorts lamang at manipis na sando. Lumapit ito sa kan'ya at tumayo sqa likuran niya at tiningnan ang niluluto niya. "What? Favorite? Who told you that its my favorite?" "Ha? Sinabi kasi ni Uncle Jade na paborito n'yo raw po ito eh kaya naisipan kong lutuin nang makita ko na mayroon pa lang ampalaya sa ref." sagot niya. Gusto nga niyang lutuin ang paborito nito, naisip niyang baka mababawasan ang pagiging suplado nito kapag naghanda siya ng gusto nito. " Huh? You? As in, you cook th