"How are you bro?" tanong ng kakambal niyang si Hades mula sa kabilang linya. Nasa US ito ngayon at may sariling negosyo kaya bihira na lamang itong umuwi sa Pilipinas. "I'm okay, why? Bakit ka pala napatawag? Hindi ako sanay na kinukumusta mo ako Hades, ay problema ba?" Direkta niyang tanong sa kakambal. Bihira naman talaga ito kung tumawag sa kan'ya kaya napapaisip siya kapag kausap ito. Although malapit naman sila sa isa' t isa ngunit dahil may kan'ya kan'ya na silang mga buhay ay bihira na lamang silang nagkakasama. "I sent some photos on your email a month ago, haven't you check on it yet?" tanong nito. Napakunot ang noo niya. "H-Hindi pa. Why? Ano ba 'yung iponadala mo?" "Ahm, tingnan mo na lang bro. You know me, kapatid kita at hindi lang basta kapatid kundi kambal pa tayo. Gust