CHAPTER 18.OFFICE

2044 Words

Angel's POV "Ang bigat mo!" Akala ko pa naman mahihimasmasan sa kape ang lalaking 'to. Bakit parang mas lalo pa yatang nalasing. Pareho sila ni Kuya Allen nakatulog sa sala. Iniwan ko lang sandali pagbalik ko tulog na silang dalawa. Hindi ko naman kayang makita na nahihirapan ang asawa ko. Nakabaluktot na kasi ang katawan nito dahil nag-aagawan silang dalawa ni Allen sa space ng couch. Kahit ako nagtaka kung paano ko siya nadala dito. Sa bigat ni Alden nakayanan ko siyang dalhin dito mag-isa. Nakakapaglakad pa kasi ito pero nakapikit ang mga mata. Aalis na sana ako ngunit natigilan ako ng mapako ang paningin ko sa kaniyang mukha. "Ang tangos ng ilong, ang nipis ng labi, namumula ang pisngi at ang ganda pa ng mga mata." Hinaplos ko ang kaniyang mukha. "Hmm..." napaungol ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD