Angel's POV Ano kaya ang nangyari doon? Bigla na lamang aalis. Pinapatikman ko yung cookie ko ayaw naman niya. "Magbabaon ako nitong cookies mo, Angel. Masarap nagustuhan ko." nakangiting sabi sakin ni Allen. "Talaga ho, kuya Allen? Buti naman nagustuhan niyo. Own recipe ko kasi 'yan." Halos hindi makapaniwala si Allen sa sinabi ko. "May ganon?" "Oo, naman kuya Allen." nakangiting sabi ko. "Teka lang ho, kuya Allen susundan ko lang si Alden." "Suyuin mo muna baka nagtatampo." pabirong sabi nito. Hindi na ako nagtagal at kaagad na sinundan ang asawa ko. Lumabas ito ng bahay. Mabuti na lang naabutan ko pa siyang nakatayo sa wishing fountain. "Alden!" tawag ko. Hindi man lang ito lumingon. Hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kaniya. "Anong ginagawa mo? Nag-wish ka ba? Ku