Angel "Ang sabi ng doctor iwasan mo ang stress." ani sa akin ni ate Thea. Kararating lang namin sa bahay. "Salamat, ate Thea. Mabuti nga po at nandiyan kayo. Mabuti nagkabalikan na kayo ni kuya." binalingan ko si kuya Arjay. "Hindi kami nagkabalikan ng kuya mo, Angel. Kinausap ko lang siya." "Hindi pa ba nagkabalikan 'yong may nangayari na sa ating dalawa?" sabat naman ni kuya Arjay. Nakikinig lang pala ito sa usapan namin. "Tumahimik ka nga diyan! Kung hindi mo 'ko pinilit 'di sana walang nangyari. Kakasuhan kita ng rape." inis na sagot ni ate Thea. Natawa na lamang ako. "Kasuhan mo, kung kaya mong mawala ako sa 'yo." biro naman ni kuya. "Talagang kaya ko. Mga katulad mong babaero talagang dapat hindi na pinapatawad eh!" "Hindi mo rin naman ako matiis. Don't worry, babe ika