Angel Tinatahak ko ngayon ang kwarto ni Alden. Dala ang pregnancy test kit. Sa banyo mismo ng kaniyang kwarto ko gagawin ang test. Gusto kong makita niya ang result. Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwalang hindi ako buntis. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya. Ilang beses kong pinag-isipan 'to. Sana hindi na siya galit. Sana makinig siya sakin. Ilang beses akong napabuga ng hangin ng wala akong marinig na response mula sa loob ng kwarto niya. "Alden..." tawag ko sabay katok na rin sa pinto. "N-nandiyan ka ba? Buksan mo naman ang pinto oh! Mag-usap tayo. May dala akong pregnancy test para diyan ko mismo sa loob ng kwarto mo gagawin ang test." Walang sagot at mukhang galit pa din talaga siya sakin. Hindi pa rin ako sumuko. Halos sumakit na nga ang kamao ko sa pagkatok sa