Angel's POV "Alden, nasasaktan ako." Ibinaon niya ako sa upuan kaya naman napaigik ako. Hindi makagalaw ang mga kamay ko dahil sa pag-ipit niya. "Alden..." nanghihina na sambit ko. Ang kaninang nahihilo at umiikot na aking paningin ay bigla na lang nahimasmasan. Sino ba naman ang hindi mahimasmasan kung ganito na lang kagalit ang ipinakita ni Alden sakin. Bakit ba siya nagagalit ngayon? Kanina nga habang nakikipaglandian siya sa babae niya hinayaan ko siya. Hindi ko naman sinabing ihatid niya ako. Kusa siyang nag-alok at pinilit pa niya kay Zeke na siya ang maghahatid sakin. Nabigla na lamang ako ng punitin niya ang suot kong dress na pinasuot ni Zeke sakin kanina. Kaagad kong hinawakan ang kamay niya pagkatapos makawala ng kamay ko mula sa kaniyang pagkakaipit. "Alden..." sambit ko