Angel's POV "Sigurado ka ba hindi ka pa lasing?" tanong ko kay Zeke. Isang oras na yata kami rito sa bar. Ayos pa naman ako. Hindi naman ako gaanong umiinom. Pero itong si Zeke hindi ko lang alam kung kaya pa niyang tumayo. "Kayang-kaya ko pa Angel Dimakalipad. Isa pa, may hinihintay pa ako. Nag-text sakin si Allen, malapit na rin daw sila. Medyo na traffic lang kaya natagalan ang mga ito." sagot ni Zeke. "Si Allen? K-kapatid ni Alden?" Napatingin siya sakin. "Yeah, why? Ah—naalala ko, hindi ba't kaibigan mo si Alden?" "Huh? O-oo." napakasinungaling ko. Wala rin naman akong choice kundi ang magsinungaling. "Well, hindi ba siya nag-text sa 'yo? Magkikita pala kayo ngayon rito, kasama siya ni Allen papunta—" "Mukhang lasing ka na." naputol ang pagsasalita ni Zeke nang biglang may mag