Kaia NABIGLA rin ako ng halikan ko s'ya sa pisngi pagbangon ko. Sh*t! Pinagkakanulo na ako ng sarili ko. Mukha namang balewala sa kanya. Tinungo ko ang pinto at bumulaga sa akin ang isang dosenang rosas na pula. Nilingon ko si Reed at kumindat pa ang loko sa akin. "Flowers for Kaia Dalton." Kaia Dalton. It does have a nice ring to it. Ngayon ko lang narinig 'yon simula nang kinasal kami. Tinanggap ko ang bulaklak at nagpasalamat saka isinara ang pinto. Pag-ikot ko ay nasa likuran ko pala ang asawa ko. "Reed! Ginulat mo ako. Hindi ko narinig ang yabag mo." "Malamang, naka-paa ako," tatawa tawang sabi n'ya. Nang tingnan ko ang paa n'ya ay wala ngang sinelas na suot. Lumabi ako. "What is this bouquet for?" "Para sa 'yo." Honestly, he looked like a high school boy. "Bakit?" tanong ko s