Nang araw na 'yon naiwan s'yang mag-isa sa bahay. May kanya-kanyang lakad ang mga magulang at kapatid. May kanya-kanya kasing trabaho ang mga ito. Unlike her na wala naman trabaho. Kung lalabas ng bahay panigurado sasama lang sa mga kaibigan o di kaya mag sha-shoppin. Humugot s'ya ng malalim na paghinga. Habang nasa gazebo s'ya umiinom ng tsa-a. Nakatutok s'ya sa cellphone. Tinitignan ang masasayang mga post ng mga kakilala n'ya sa socia media. Napatigil s'ya at natutok ang mga mata ng mapansin ang isang video. Agad n'yang napansin ang lugar. Sa labas ng opisina 'yon ng kanyang ama. Pinanood n'ya ang video. Mga reporters na nagpupumilit na makapasok loob. "Mr. De Guzman may katotohanan po ba na sangkot sa isang aksidente ang unica hija n'yo?" "Mr. De Guzman may namatay raw po sa akside