Pakiramdam n'ya tumigil ang ikot ng oras sa pagitan nila ni Harry. Ramdam na ramdam n'ya ang mapangahas na mga labi nito na umaangkin sa mga labi n'ya. Iba ang uri ng paghalik nito ngayon, kumpara sa una nitong halik sa kanya. Kung noong una ay maingat at nanunukso. Ngayon ay nangaakin at mariin. May kakaibang init na hatid sa buong katawan n'ya. Sinubukan n'yang huwag gumanti, at huwag bigyang ng laya ang dila nitong nagpupumilit pumasok sa bibig n'ya. Sinubukan n'ya manlaban. Ngunit hindi s'ya makagalaw. Wala s'yang kalaban-laban sa lakas nito. Pakiramdam n'ya namamantal na ang mga labi n'ya. Pareho nilang habol ang kanilang paghinga ng pakawalan nito ang mga labi n'ya. Taas baba ang kanilang mga dibdib sa pleasure na lumukob sa kanila. Masamang tingin ang pinukol n'ya rito. Pakiramda