"Bakit kayo magkasama ng Harry na 'yon?" May galit na tanong ng kapatid sa kanya. Sumunod pala ito sa kanya ng lumabas s'ya ng library. Kinausap kasi s'ya ng mga magulang tungkol kay Harry. Tulad ng tanong ng kapatid kung bakit sila magkasama ni Harru at bakit s'ya umalis ng bahay na walang pasabi sa mga ito. Naipaliwanag naman n'ya ng maayos sa mga magulang. Napansin pa nga n'yang hindi galit ang Daddy n'ya ng malamang si Harry ang kasama n'ya. Tanging ang Mommy lang naman n'ya at Kuya ang galit. "Kuya, sinagot ko na yan kanina. Nagkita lang kami sa bar," inis na sagot n'ya sa kapatid. Nagtuloy s'ya sa paglalakad palapit sa hagdan nila. Pagod na s'ya. Masakit na rin ang ulo. Nawala na nga ng tuluyan ang kalasingan n'ya. Kaya sumakit naman ang ulo n'ya. "Payag kana ba talagang sumama s