THE FIRST KISS

2307 Words
Gumising ako ng maaga. 3:30 am para mag asikaso. Alam ko kase aalis si carlo kaya nag luto na ako ng kakainin niya almusal. 4:00 am na ako natapos sa kusina, aakyat na sana ako para gisingin si carlo ng bigla ko nakita si mam carla. "Misty? " nakangiting tawag sakin na may halong pagtataka. "Wala kayo pasok ngayon ah? Bakit ka gumising ng ganitong oras? " "Ahm may lakad po kase si carlo at cindy ngayon. Gumising na ko para ipag luto siya saka para gisingin narin sana siya kase baka makalimutan niya yung lakad nila ni cindy" Ngumiti ito sa akin. "Talaga Misty? Ikaw talaga. Ako dapat ang nag aasikaso sa mga ganyang bagay eh. " "Naku mam, alam ko wala na kayo oras sa ganitong kaliliit na bagay dahil pagod narin kayo sa trabaho nyo at naiintindihan ko po kayo. " "thank you for everything, misty. Kahit ganyan si carlo ang tyaga mo" Yumuko ako at namula. "sige na. Gisingin mo na si carlo sabay na kami mag aalmusal. May lakad din kase ako hindi ko nasabi sa inyo. " "ah ganun po ba? Osige mam carla akyat na po ako sa kwarto niya. " Sabi ko sabay akyat sa kwarto ni carlo. Nasa kwarto na ako ni carlo. Mahimbing ang tulog niya. Anghel ang mukha niya pag tulog. Pero pag gumising naka simangot na ito panigurado kase ako una nya makikita. "Carlo" tinitigan ko yung mukha niya ng mabuti. Sabay baba ng mga mata ko sa kanyang labi. Unti unti ko nilapit ang mukha ko sa pagitan ng mukha niya. Hanggang sa dinadampi ko na ang aking labi sa kanyang labi. Bigla ako nakaramdam ng pagtugon sa kanyang labi at Napapikit ako sa init ng labi na tumugon sa akin at lumalalim pa ang halik niya sa akin, bigla ko nalang naramdaman ang paghawak saking ulo ng kanyang isng kamay. Dumilat ako saka ako pumiglas. Siya ay nanatiling mahimbing ang tulog. Habang ako ay puno ng kaba ang dibdib. "Diyos ko. Bat ko nagawa yon? " "Cindy... " pabulong na sambit nito pero rinig ko parin kung sino ang tinawag niya. Umiling iling ito. At kusang gumising. Kumunot ang noo nito nang makita ako. "Misty?? Ano ginagawa mo sa kwarto ko? " Tanong nito. "Ahh a-ano kase.. Di-diba m-may a-ano kayo n-ni c-cindy ngayon" utal utal na sabi ko. Ramdam ko parin ang kaba sa dibdib ko. "Oo nga pala. " tumayo ito at diretso sa pinto upang lumabas ng kwarto. Naramdaman ko binuksan nya ang pinto habang ako ay nakatalikod sa kanya at naroon parin sa kinatatayuan ko. "oh?? Ano pa ginagawa mo dyan? " Napalingon ako agad sa kanya bigla nawala ang tila ba yelo na naka pagpahinto sa katawan ko. "alis nako!! " yun lang nasambit ko at nauna pa ako lumabas ng kwarto niya. Tila ba wala siya alam sa nanyari. {CARLO POV} Nasa dining table na kami ni misty at saka ko naalala yung lakad namin ni Cindy. "Hoy! Ano oras naba? " bulyaw ko sa knya. Lumingon ito sa akin na parang natatakot na naman ang itsura. (palagi nalang siya ganyan, ano ba tingin nya sakin monster) Pero kakaiba talaga ang itsura ni misty ngayon. Pero wala ko paki elam. Basta ako ang ganda ng panaginip ko bago ako nagising. Panira lang talaga yung misty na yan at lagi epal sa buhay ko lalo na pag dating samin ni cindy. Well kanina kase nanaginip ako ng maganda. Si cindy hinalikan ako sa labi. Lagi naman ako nananaginip na may nanyayare samin ni cindy pero yung kanina talaga yung the best. Para kasing totoo. Parang dumampi talaga yung labi ni cindy sa labi ko. At parang nahawakan ko yung ulo nya kanina. Ngumiti ako nang bigla nagsalita si mommy na kanina pa pala nasa dining table. "wag mo nga ma hoy hoy si misty, carlo! " sambit nito. "4:15 am na! Bilisan mo na at baka si Cindy pa ang mag sundo sayo dito" Umupo ako para magsimula kumain. "Ihahanda kona yung susuotin mo carlo. " Sabi ni misty. "Okay! " tipid na sagot ko. Umalis na ito. "Pwede bang maging magalang ka kay misty? She's very responsible and kind to you. And besides parehas kayo mga teenage she deserve to be respect like how you treat Cindy" "excuse me mom.! Dont be compare her to Cindy. Si cindy ay maganda, mayaman, at galing sa magandang pamilya. Walang sinabi si Misty kay Cindy. And iww lang she dont deserve respect for me dahil katulong lang yan dito! " Nag taas ng kilay si mommy, eto na naman mag aaway na naman kami dahil sa misty na yan. "stop it! Dont say that! Ikaw ang magmamana ng lahat ng ari arian ko. You need to be hamble like your dad., isa pa kung pagandahan lang usapan. Walang wala si cindy kay misty, look to your cindy, nakakapagsuot ng magandang damit, nakakapag make up. Dahil dun kaya maganda siya. But Misty! Walang arte sa katawan, walang make up. Pag mulat ng mata mo natural beauty ang makikita mo." sabi nito na pag mamalaki pa. "wala ako oras para sa pinopromote mong basahan mom. Kahit maganda ang basahan! Basahan parin! " pikon na sabi ko at umalis. "are you done eating? " "yes! " tigas na tugon ko. Pag punta ko sa kwarto nakahanda na lahat ng susuotin ko naka hanger ang mga ito. Lumabas si misty mula sa cr ng kwarto ko. "ready na yung pampaligo mo carlo. " "okay! Umalis kana" sabi ko at sinunod naman niya. {MISTY POV} Bigla may bumusina sa labas ng gate nag madali si tatay na pagbuksan yung sasakyan na pag aari pala ni Cindy. Pinagbuksan ko siya matapos mag dorbell sa pinto. "Hi good morning misty! " bati nito sakin sabay beso. "Ah maupo ka muna. " "sure" sabi nito sabay upo. Tumingin ito sa kwarto ni Carlo. Natatanaw lang kase ang kwarto ni carlo sa itaas mula sa sala. "siguro kakagising nya lang noh? " "ahm kanina pa naman. Siguro ngayon tapos na siya maligo baka nagbibihis na" Tumango ito. Napalingon kami dalawa ng mag salita si mam carla. "oh Cindy? Andito kana pala? Nag breakfast kana ba hija? " "Yes Tita. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. " "oh really? Saan ba ang punta nyo? " "Meron po kase ako shoot dun sa laguna. Isa ako sa kinuha model ni sir Anthon." "well that's good for you. Si Anthon pala kumuha sayo. Maganda apportunity ang naghihintay sayo kung gagalingan mo trabaho mo sa knya. " Ngumiti si cindy at nagblush. Mukhang mahal na mahal niya yung trabaho niya. "I hope tita. Balita ko nga po sikat si sir anthon, at ang model agency na inaalagaan niya sana po talaga lagi niya na ako kunin pagtapos ng first work ko sa laguna. " "Bakit hindi niyo isama si Misty sa pupuntahan niyo? Para mag karoon kayo ng assistant ni carlo. Mukhang matagal tagal din yun" Tumingin si Cindy sa akin. At ngumiti. "Ou nga noh tita? Pero ok lang ba talaga?" "oo naman" tugon nito. Hinila ako ni mam carla sa kwarto niya. Pag tapos niya isara ang pinto ng kwarto niya ay dali dali ito nangalkal sa kanyang damitan. "ito isuot mo Misty! " Pinakita niya sa akin ang isang napakagandang casual na damit. Simple lamang ang design pero halatang mamahalin at may dating. "a-ano ho? Bakit po niyo ako pinapasuot ng ganitong damit" "para matalbugan mo yung Cindy na yan" "Ano ho? " pag papaulit ko sa sinabi niya. Hindi ito sumagot at ngumiti. "Hindi naman ako nakikipag kompetensya kay Cindy, mam Clara saka napakabait po niya sa aki--" naputol ang sinabi ko ng ilahad niya ang isa niyang daliri sa bibig ko. "shhh... I know. Simple damit lang ito eh and I'm just kidding. Basta suotin mo lang ito at papayagan kita umalis. Ok? " Naligo ako agad at saka binilisan ko magbihis tapos ay kaunting pulbo at hairband na itim na may mga design na kumikinang na bato maliliit. Straight ang buhok ko na ordinary black at hanggang bewang ito. Kaya naman natatagalan ako magsuklay o magtali. Kaya naisip ko lugay nalang at lagyan nalang ng hairband para kunti design tutal assistant lang naman ako doon. Pag labas ko ng kwarto ko ay nakaupo ang tatlo. Una ko tinignan si carlo na nakasimangot na naman. (naku? Baka magalit na naman siya sa akin dahil epal na naman ako sa kanila dalawa ni Cindy) "wow Misty you look so gorgeous " bati ni Cindy sa akin. "nag ayos kapa eh hindi naman ikaw ang model" sabi naman ni Carlo. "hindi naman pang model ang suot ni Misty, carlo? Simple pang alis lang naman yan eh, diba tita? " sabi naman ni Cindy. "Yes, don't worry cindy. " sagot ni mam carla. Nakita ko napakunot noo si Cindy. "Don't worry about what, tita? " takang tanong nito. "ahm nothing, sige na umalis na kayo" sabi nito sabay ngiti. Nakaalis naman kami sa tamang oras. Nakita ko si carlo nakasimangot na naman. Nasa iisang kotse kami ngayon. Sa kotse ni carlo. "Misty, what do you think to my presentation? Do I look beautiful today? " tanong nito habang nakatingin sa salamin. Ngumiti ako. Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni carlo. "you look so blooming today." Napangiti si cindy rito. "Alam ko naman maganda ako eh hahaha bakit ko ba tinatanong pa. " Sabi nito sabay halakhak ng tawa. "oo nga ang ganda ganda mo talaga cindy" "uy thanks for support hahaha" tuwang tuwa ito. Nawala ang pagka mahinhin nito pero maganda parin naman siya sa ganung pag uugali. Pagdating sa laguna. 7:00 am na kami nakarating since 8:00am panaman daw ang start. Maaga lang talaga siya naghanda para sa una trabaho niya dun sa sir anthon. Dumating narin yung sir Anthon, bading pala ito. "Hi sir Anthon? " bati ni cindy. Tumigil ito. Sa paglalakad. Sakto ay sa akin siya nakatapat. Tumingin ito sakin mula ulo hanggang paa. "Gorgeous " mahina pagkakasabi nito ngunit narinig namin ito. (sino sinabihan niya? Ako ba? Sakin kase siya nakatingin) "Siya ba yung bagong model? " sabi nito sa kasama niya nasalikod nya pero sakin parin nakatingin. Agad agad naman tumingin sa papel na hawak ang assistant niyang babae. "Ahmm.. Wala po siya picture dito sa mga naka file sa akin" Bigla ako napatingin kay cindy. "ah siya po yung bagong model sir. " sabi ko sabay turo kay cindy. Pilit na ngumiti si cindy halatang nadismaya siya sa nanyari. "Yes, siya si Cindy Sebastian " pagpapakilala ni Carlo. "And I'm Carlo Villagracia" Nag taas ng kilay si sir Anthon kay Carlo. "Oh? Ikaw pala yung anak ni Mrs. Carla Villagracia, right? " "Yes, and this girl is my bestfriend " sabay turo kay cindy. Nagtaas ulit ng kilay si sir Anthon kay cindy. "Ahh yes. Siya pala yung isasalang natin mamaya, tama ba ako Verna? " tanong nito sa assistant niya. Tumingin ulit sa akin si sir Anthon. "And sino ka naman? " tanong nito sa akin. Ngunit si Carlo ang sumagot. "Alalay lang namin yan. " sabi nito. Yumuko ako. (nakakainis talaga, nakaka offend naman) "Talaga?" Tumitig ito kay cindy. Sabay alis. {SIR ANTHON POV} Lumakad na ako papunta office. Nakabuntot parin ang assistant ko pag pasok ko sa office. "sino kumuha doon sa Cindy? " "Ahm.. Alam ko recommend po siya ni Sir Jerico na nagmamanage kay Ms. Cindy and look-" pinakita ang file ni Cindy. "Galing siya sa Sebastian family, and marami narin siya natanggap na project sa ibat ibang model agency " "Very common naman ng kinukuha niyo model, diba sabi ko sayo wag basta basta kukuha. Saka alam mo naman mga taste ko diba? Something unique face! " "Sorry for disappointing you sir, akala ko magugustuhan niyo siya kase marami na siya achievements in model industry even if she's in young age" Paliwanag nito. "Kaya lang yan nakukuha kase mayaman! Gaga ka talaga! Akala ko ba marunong kana? Bobita ka parin!! " "Sorry sir" "Alam mo mga trip ko ha? Yung kaninang alalay nila girl. She's very gorgeous, beautiful woman, and very unique. " "Mga ganun ang tipo ko.! Alamin mo ang background ng babae na yun at babaguhin ko ang kinabukasan niya.! " "Yes sir. " "Okay, paki sabi narin sa cindy na yun mag ready na ha! " "opo sir" "Hay naku kaloka" sabi ko sabay buntong hininga. {MISTY POV} Nag start na si Cindy sa first shoot. Medyo natagalan din dahil maarte talaga si sir Anthon. Pinapagalitan niya si Cindy sa mga posing nito. Nakikita ko narin si Carlo na masama na ang timpla ng mukha. Siguro dahil nakikita niya nahihirapan si Cindy. "Okey! Let's break for a while.! " sabi ni sir Anthon. Lumapit sa amin si Cindy. Kinuha ko agad ang tubig niya at binigay sa kanya. "Thank you, Misty. " Pilit itong ngumiti. "Are you okay? " concern na tanong ni Carlo rito. "Yes. " "Mukhang nahihirapan ka ha? " "Hindi noh. Very challenging nga eh? " pilit parin itong ngumiti. "Umuwi nalang kaya tayo, pagod kana eh" "NO! " pasigaw na sabi nito. "Ang tagal ko hinintay ito! Maging isa sa mga model ni sir Anthon " "Pero parang pinapahirapan ka niya. " "No he is professional. Kaya siguro ganun? " "Fine, I support you " wala na nagawa si carlo. Bumalik na ulit si Cindy sa last shoot niya. Hanggang sa natapos. "Hay salamat, were done.! " Buntong hininga ni sir Anthon. "Next time hija, practice the basic posing okay? Mag aral pa mabuti. Hindi pwede ganda lang sa camera dapat may sense na makikita sa bawat pose mo. " "Yes, I understand sir. Thank you. " "Okay, dahil matyaga ka. I will call you again for another project. Thanks to you hija, you can go now. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD