{CINDY POV} Naglalakad ako papunta sa locker room namin nang makita ko si Waren Lee na palabas na galing na roon sa locker room papasalubong ito sa akin. Nakayuko ito habang naglalakad dahil may binabasa ito sa hawak nyang libro. Isang metro pa ang aming pagitan nang bigla nya iangat ang kanyang ulo at sabay ngiti. Ngiti na... Nakakapagpakaba ng aking dibdib. Bigla nag slow ang pag galaw ko at ang pag galaw niya sa aking paningin. Feeling ko napakabagal ng pagtakbo ng oras habang unti unti kaming nagkakasalubungan. Unti unti ko rin nakikita ang pag angat ng kanyang isang kamay.
At unti unti ko nakikita ng malawak nyang ngiti na unti unti bumubuka wariy may sasambitin. "Hi! " napatigil ako sa pag lalakad.
(Hi daw? ) paguulit ng utak ko sa sinabi nya.
Mag sisimula na sana ako mag response sa sinabi nya nang bigla nya ako nilagpasan.
"Hi, Misty! " Napatingin ako sa likod ko. Doon ko lang naisip. Si misty pala yung ningingitian nya at babatiin nya. Bigla ako napalunok ng malalim. (wtf! Nakakahiya!)
Agad agad ako nag patay malisya at nagmadali lumakad papunta locker room. Sinilip ko pa muli si Waren na kausap si Misty.
Naisin ko mang malaman kung ano pinag uusapan nila pero mga nasa dalawa't kalahati metro pa layo. Nagulat ako ng may kumalabit sa likod ko. Habang sinisilayan ko sa pinto ng locker room sila misty at waren. "Ano ba? " sabi ko na nanlalaki pa ang mga mata ko.
Si "Janice lang pala ito ang pinsan ko na ka batch mate ko rin. Sumilip sya sa labas. At nakita ko mga mukha nya na mukhang mang aalaska na naman. Kaya iniwasan ko siya at pumunta sa locker ko.
"Tignan mo nga naman? " pagsisimula nito. "kinakausap ni Misty ang crush mo. Mukhang inaagawan ka talaga ng babae na yan. " Inirapan ko siya matapos ako tignan na nakakainsulto.
"Well, hindi sya nang aagaw. Hindi maharot si Misty kagaya mo. "
"Eh ano tawag mo dun? " sabay turo ng nguso sa labas.
"pwede ba? Wag mo ako umpisahan" sabi ko sabay pasok ng mga libro sa bag ko mula sa locker. "Why?? Bakit ako? Hindi naman ako kaaway mo rito si Misty, biruin mo napagkamalan siya model dun sa laguna at ikaw napagkamalan na wala lang? " Napabuntong hininga ako.
Naikwento ko pala kay janice ang nanyare. Oo, totoo yun.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko nung mga oras na naramdaman ko na ayaw sakin ni sir anthon at si misty ang mas napukaw sa paningin nya. Pero hindi naman kasalanan ni Misty ang nanyare.
Totoo naman na maganda si Misty, maputi siya, maalindog, matangkad, at mas nakakaganda sa knya yung buhok nya itim na itim na hanggang bewang ang haba. Para siyang si snow white, napakaganda ng kanyang mga mata bilugan na mapungay na akala mo ay manika. At bukod dun napakabait pa niya at napaka hinhin. Kumbaga dalagang pilipina ang dating.
"wag ka nga magsalita ng ganyan. Diba nag usap na tayo regarding dito.? Ang sabi ko hindi ko masisisi kung mukhng model ang peg ni Misty. Maganda naman talaga siya and she deserve to be a model like me. "
"Ok. Pero paano kung agawin ni Misty sayo si Waren? Kase tignan mo ang saya nila nag uusap. " "Sila kase ang partner sa science project. " sagot ko.
"Ow. Eh baka mamaya landiin yan ni Misty. Ikaw na nag sabi, maganda si misty, she deserves to be a model like you! Hahaaha " sabi nito sabay alis.
Umiling iling nalang ako. Sabay alis din. Pag labas ko sa locker room. Wala na sila misty at waren. Hindi ko na hinanap kung san sila nagpunta dumiretso na ako sa class room.
{MISTY POV}
kasama ko si Waren Lee sa library. Nasalubong ko kase sya palabas sya mula sa locker room inaya nya ako pumunta sa library, para mag plan kung kelan namin gagawin yung science project namin dalawa.
"Hmm. Misty? " sabi nito. Napatingin ako sa knya habang nagbabasa ng libro.
"Bakit? " tanong ko.
"Ang ganda mo pala" napanganga ako sa sinabi nya.
(hanudaw?)
"ah??"
"Well, kanina ko pa pinag aaralan yung mga nandito sa libro pero ang napansin ko lang is ikaw. " sabi nito sabay ngiti.
Ngiting lalo nakakapag pataas ng ka gwapuhan nya. Oo gwapo din itong si Waren. Model ito ng bench. At madalas ma cover sa isang magazines, madalas nga na sya nakikita ko sa binibili ko magazines.
"Ahmm waren, will you please focus on our project " sabi ko. Kasi napaka charming nitong si Waren. At loko loko rin ito sa mga babae. Andami nya nga babae dito sa school dahil nga sikat siya at kilala rin na babaero.
"oh sorry, hehe akala ko ikaw yung pag eexperimentuhan ko. " Pinilit ko ngumiti.
"Hehe sorry mistisa, but, can you tell me about yourself? " Napataas ulit ang kilay ko.
"Waren, ano pa ba sasabihin ko sayo. Diba kilala na nga ako dito na isang maid na naglilingkod lang kila Carlo. "
"yes, hindi naman yun ang gusto ko malaman eh.. "
"eh ano ba gusto mo malaman? "
"kung may boyfriend kana? " Tanong nito.
"Wala pa. Pero wala pa sa isip ko yan, aral muna noh. "
"Hahaha! Ok. Ako di mo tatanungin? " Muli ako napatingin sa kanya.
"Ano paba dapat ko itanong? Kung ilan ba ang girlfriend mo ngayong buwan? " Sabi ko sabay tawa ng malakas. Napangiti rin ako sa sinabi ko.
"hahaha alam mo misty. Nakakatuwa ka. Pero kung seryoso ka sa tanong mo. Ahmmmm" nagisip pa ito.
"mga tatlo lang naman hehe" sabi nito sabay kindat. Tumawa pa ito.
Pagtapos namin sa science project ay dumiretso na kmi sa class room kung saan ay magsisimula na ang klase. Nakaupo na ako. Si waren naman ay tumabi sa akin, sakto ay nag a-attendance na ang aming guro.
"So kelan natin sisimulan ang paggawa sa project natin? " tanong ni Waren.
"Siguro sa linggo nalang. " sagot ko.
"Naku, diba pwede, after school? "
"Ah kase waren, linggo lang ako pwede, alam mo naman after school nag lilingkod ako kila Carlo. " Nag smile siya sa akin at kinurot pisngi ko.
"Okay, mistisa" sabi nito, sabay tanngal ng nagungurot na kamay nya sa pisngi ko.
"Aray ko Waren! Ano kaba? " reklamo ko saknya.
Nagawi ang tingin ko sa pwesto nila carlo at cindy. Nakita ko si cindy na nakatingin sa amin. Agad naman niya binawi ang tingin nya sa amin at yumuko. Si carlo naman ay nagbabasa lamang ng libro.
"okay, class" panimula ng teacher matapos mag attendance.
"Malapit na ang JS prom naten. " sabi nito. Umingay sa loob ng klase ng ipaalam ng aming guro ang nalalapit na JS prom. Halos lahat ay na excite. Ako rin ay naeexcite sa magaganap dahil nung junior high ay hindi ako nakasama. Naalaa ko pa sinabi ni Mam Carla.
"Misty, sa JS prom nyo. Gusto ko makasama ka. Para mabago ka man makagraduate ay makasali ka sa prom"
"Talaga po mam? Papayagan nyo ho ako?"
"of course! Ako mismo bibili ng gown na susuotin mo"
"Thank you po Mam carla." Ayun ang sabi ni mam carla sa akin.
"Sana misty, ikaw ang maging queen of the prom" bulong sa akin ni waren. Napatingin ako sa kanya. Muli ko inulit sa isip ko ang binulong ni waren. (Queen of the prom?)
"Queen of the prom? " pag uulit ko na nasambit kona.
"oo, kase last year. Yung mga senior high lang ang na aaward ng queen and king. So ngayon tayo naman kase senior na tayo. " sabay ngiti nito.
"ah.. Bakit naman ako magiging queen.?"
Syempre, maganda ka. " sabi nito. "at sana ako yung maging king mo kung magiging queen ka" Bigla ako napalunok. Wala ako idea sa sinasabi ni waren.
"ha? "
"Aakyat tayo sa stage. Tapos bibigyan tayo ng corona. At mag kikiss tayo sa harap nilang lahat? " nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
Napatingin ako kay carlo. Na nakikipag usap kay Cindy. Naimagine ko si carlo at ako na aakyat sa stage at kokoronahan sa gabing magaganap. At hahalikan sa maraming tao. Lumulundag ang puso ko sa tuwa.
Ngunit naputol ang imahinasyon ko ng magsalita muli si waren. "mukhang basted ako ah, si Carlo ata gusto mo maging King" napalingon agad ako kay waren.
"pst!! Wag ka maingay dyan baka may makarinig sayo. " saway ko rito.
"Uy. Nag bablush. " pang aasar pa nito.
"Waren wag mo ipagkakalat yang sinasabi mo sa iba ahh! " Tumawa ito. "sige, mukhang ako palang nakakaalam ng secret mo. Hindi ko ipagkakalat yan basta mamaya ililibre mo ako lunch."
"Ano? Bakit ko naman yun gagawin? "
"Syempre para sa ikaliligtas ng sekreto mo malupet. " Napakagat labi ako, muka mapapasubo ako.
"binablock mail mo ako! " sabi ko na nakasimangot.
Tumawa pa ito ng malakas hanggang sa marinig ng lahat at mapansin kami. "Ang cute cute mo pag nagagalit hahahaha" malakas na sabi nito. Napansin ko nakatingin na ang iba sa amin at kasama na roon ang guro namin.
"What is it, Mr. Lee? " tanong ng guro namin. Nanahimik naman agad si waren. "Ahmm Ma'am, kase were both excited ni misty to attend the prom." palusot nito.
"Really Waren, well I'm sorry to tell you na hindi ako papayag na sumama si Misty." Sabi naman ni carlo. Napatingin ako kay carlo. Na nakangisi na nakatitig sa akin.
"Why not Carlo, this is the last time for the senior high" sabi naman ng aming guro.
"Yes, hindi porket kasambahay lang si Misty, you can hold her at his neck all the time." sambit ni waren.
"Pwede naman, mag volunteer nalang siya as waitress sa party" Sagot naman ni carlo. Nakita ko inaawat sya ni cindy.
"stop it carlo." saway ni cindy.
Tumayo si Waren at akmang lalapitan si Carlo.
"Ang yabang mo ahh!! Akala mo kung sino mayaman eh sipsip lang daddy mo sa kumpanya namin noon! "sabi nito.
Nakita ko nag init ang ulo ni Carlo sa sinabi ni Waren. Kaya tumayo ito at kinwelyohan si Waren. "What did you say!! "
"Tatay mo sipsip!! "sabi nito.
Sabay bitaw ni carlo s kwelyo nya at suntok. Tumilapon si Waren sa sahig.
Lumapit ako kay Waren na nagdudugo na ang labi.
"Carlo tama na!! " saway ni Cindy.
"Stop! Mr. Villagracia?! Both of you go to guidance room now! " sabi ng aming guro at umalis.
Pagkalipas ng isang oras.
Matapos ang gulo sa pagitan ni Waren at Carlo ay agad din na nakabalik sila sa klase.
Umupo sa tabi ko si Waren. "Bwiset talaga yang carlo na yan."
"Bakit? Ano nanyare? "
"Ayun, syempre sya pinaboran ng guro. Sipsip din mana sa tatay. " sabi nito na galit na galit.
"Ano kaba. Hindi totoo yan. Mabait ang tatay ni Carlo. At masipag. " pagtatanggol ko.
"Alam mo? Ikaw? Napakasama naman ng ugali ng Carlo na yan, bakit sya pa nagustuhan mo? Eh ang baba naman ng tingin sayo." sabi nito.
Napayuko nalang ako bigla sa sinabi nya na katotohanan na mababa nga ang tingin sa akin ni Carlo.
"Naniniwala parin ako, nakaya ako nagkagusto sa kanya dahil... May puwang na kabaitan sa puso nya. "
"Puwang -puwang ka dyan! Eh obuse naman yung ugali nyan halatang mapag mataas. Palibhasa pinalaki sa layaw. "
"Hindi totoo yan---" naputol na ang sasabihin ko ng tinakpan nya ang labi ko.
"Ayoko na marinig. Pagtatanggol mo lang sya sakin Mistisa. " sabi nito sabay ngiti.
Pag uwi ko sa bahay. Agad ako hinila ni Carlo at itinulak sa sofa sa sala.
"alam mo salot ka talaga eh noh?! " panimula nito.
"bakit ano nanaman ba ginawa ko? "
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako na guidance. "
"B-bakit ako? " "Kase kasalan mo! Ambisyosa ka kase! Akala mo naman kase makakasama ka sa prom. Tingin mo makakabili ka ng susuotin mo ha? Hindi! Saka hindi babagay sayo ang makihalobilo sa mga kagaya namin!!! " sabi nito.
Nakatingin lang ako sa kanya na galit na galit.
"Dahil sayo lagi ako bad shot kay Cindy! Mas kinampihan nya yung Waren na yon kesa sa akin!!!" Sabi nito sabay alis.
Naiwan ako nakaupo sa sofa. Hindi ko alam, pero nalungkot ako bigla. Dahil na naman pala kay Cindy kaya sya nagagalit sa akin.
Tumayo ako at naglinis na ng bahay. Pagkatapos ay inihanda ko na ang hapunan.
Habang inihahanda ko ang pagkain sa lamesa lumapit sa akin si Carlo. Hawak nito ang telepono niya.
"Misty, kausapin ka raw ni Cindy! " sabi nito na iniaabot na sa akin ang telepono nya. Kinuha ko ito agad. At inilapad sa aking taenga.
"Hello? " "Hi! Misty this is me, cindy! "pagpapakilala nito.
"ahmm cindy, Bkit mo ako gusto makausap? "tanong ko rito.
"Ah kase tatanong ko lang kung nagawa nyo na ba ni Waren yung project nyo? Dba kayo yung partner dun? " Nagtaka ako s tanong nito. Bakit naman nya kaya ito na itanong.
"ahm. Hindi pa, sa ngayon may plan na kame pero pag uusapan namin kung kelan ako free schedule."
"Ah ganun ba? If you want, baka lang busy ka. Tutulungan ko na kayo ni waren. "
"Ha? Bakit mo naman yun gagawin Cindy? " pagtataka tanong ko rito.
"ah kase, baka busy ka at wala ka time sa paggawa ng project well I'm willing to help you, and my plano na pala kayo so ako nalang sana at si Waren magtutuloy. But don't worry hindi naman malalaman ng teacher natin yun eh. Is that okay to you? " Natulala ako bigla sa sinabi nito.
"Ahm Cindy, salamat ha. Pero kase project namin ito ni waren. Saka meron naman ako time sa paggawa. Actually sa linggo sana magpapaalam ako kay mam carla. "
"Ah ganun ba? Saan kayo gagawa? " Naguguluhan na ako bakit naman kaya interesado si Cindy sa project namin ni Waren.
"Siguro dito nalang. " sagot ko. "Ah okay, bye! " sabi nito sabay putol sa linya.
Iniangat ko na sa taenga ko ang telepono at ibinigay ko kay carlo na nasa harapan ko at nakatingin lang sa akin at nakikiramdam kung ano pinag uusapan namin.
"Oh ano sabi? " Abang na tanong nito.
"ahh.. Nagtatanong sya kung kelan ba namin sisimulan project namin ni Waren" Kinuha nito ang telepono nya at inilagay sa bulsa.
"bakit naman nya yun tinatanong? " nagtataka rin na tanong nito.
"Ewan ko, nabanggit nya rin na willing sya na sila ni waren ang gagawa ng project namin kung wala ako time. "Patalikod na ito habang nagsasalita ako ng bigla ulit ito humarap ng marinig ang buong sinabi ko.
"ANO??! " malakas na pagkakasambit nito.
Hindi ako nakasagot dahil miski ako nagulat sa tono ng salita nya.
"Wag mo sasabhin sa knya kung saan kayo gagawa ng project nyo ni Waren! At lalo wag kayo dito gagawa! Naiintindihan mo ba ako?!" Sabi nito na may panduduro pa.
"Sige " mahinang sagot ko.
"What's going on? " bigla sulpot ni mam carla.
Umiwas ng tingin si carlo dito at umalis. Lumapit sa akin si mam carla.
"What happen, misty? "
"Ahm wala po." tipid na sagot ko.
"Misty, inaaway ka na naman ba ni Carlo?"
"ahmm hindi po mam, may tinatanong lang siya. Alam nyo naman po yung anak nyo kahit nagtatanong pasigaw. Hehe" pilit na ngiti ko.
"Well, sabagay." sabi nito sabay hinga ng malalim.
"oh btw hija, malapit na JS prom nyo right? Nakakwentuhan ko kase yung mommy ni Cindy kanina. And gusto nga daw yung anak nya ang maging pinakamaganda sa lahat ng babae dun sa prom. " sabi nito.
"Opo mam, si cindy naman po talaga ang pinaka maganda sa school eh, ang dami humahanga sa kanya. "
"Alam mo hija. Hindi totoo yan, syempre hindi ko hahayaan na si Cindy ang maging maganda sa paningin ng anak ko"
"Ano ho? "
"Bibili kita ng pinaka magandang gown at papaayusan kita ng bongga hija. " sabi nito sabay pisil sa aking baba.
"pero ayaw po ni carlo sumama ako doon." Sumimangot ito.
"What? Alam mo Misty, wala sya magagawa." sabi nito sabay ngiti.