[Christen Park] Bibihira ako na dumalo sa mga ganitong klase ng pagtitipon. Madalas, nakadadalo lang ako sa pagtitipon tuwing kasal ng magulang ko na hindi naman din ganito kabongga. The night was super elegant. Makikita na lang mula sa pananamit ng mga bisita, sa wine na iniinom nila at sa milyon-milyon na donasyon na ido-donate sa charity. Isang bagay ang pumukaw sa akin sa lugar na iyon; ang oil painting ni Tita Shey, ang Bayanihan. Ang pintor sa likod ng makulay na obra ay kaibigan ng mommy ko. It represents Filipino culture. Halos sinakop nito ang kalahati ng pader kaya naman nilapitan ko iyon at pinagmasdan nang mabuti. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat guhit, kulay at mga galaw ng mga tao sa painting. Habang naglalakad para suriin nang mabuti ang painting, hindi ko napansin ang