Chapter 7

1613 Words
LALONG kumunot ang noo ni Choi. “So what? Hindi ibig sabihin niyon ay may karapatan ka nang bitbitin ang batang iyan sa unit ko. Hindi ito bahay-ampunan,” aroganteng sagot niya. Napangiwi si Lorie at ang batang babaeng nakasubsob sa leeg nito ay dahan-dahang luminga sa kanya. Nabaling sa bata ang tingin ni Choi. For a moment, something weird happened to him when he met the little girl’s eyes. Parang may kung anong hinalukay sa sikmura ni Choi na hindi niya maintindihan. Saglit tuloy na nawala sa isip ni Choi na pinapagalitan niya si Lorie. “Alam ko naman ho iyon. Ang kaso nga may iniabot na envelope `yong taxi driver na nagdala sa kanya sa baba. Nakasulat ang unit number mo sa likod. Ito, o,” sabi ni Lorie na inilapit pa sa kanya ang envelope na hawak nito sa isang kamay. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Choi nang tingnan niya ang envelope. Hindi siya kumilos. “Kunin mo na at basahin mo para malaman na natin kung bakit sa `yo gustong iwan itong bata. At papasok na kami, ha? Kawawa naman kasi siya,” patuloy ng babae. Muling bumalik ang tingin ni Choi sa mukha ni Lorie. Napansin niya na mas naging kalmado na ang ekspresyon ng babae. Na kabaligtaran niya. Dahil lalo siyang nalito. Pabalang na hinaklit ni Choi mula rito ang envelope at nagpatiuna nang tumalikod at pumasok sa bahay niya. Iniwasan ni Choi na tapunan ng tingin ang batang buhat ni Lorie dahil nalilito siya sa epekto ng paslit sa kanya. Weird. When did he have that unsettling feeling while looking at a child? Marahas na napailing si Choi at pabagsak na umupo sa one seater couch. Lumuwag ang pagkakatali ng robe niya dahil doon. Nang makitang bahagyang naalis ang tabing niyon sa katawan niya ay noon lang uli niya naalala ang intensiyon niyang gawin sa araw na iyon. Lalo na nang naramdaman ni Choi ang paglapit ni Lorie at narinig niya ang marahas na pagsinghap nito. Naningkit ang mga mata ni Choi at hindi napigilang mapangiti. See, Mama, she’s just like anyone else. Narinig ni Choi ang pagtikhim ng babae. “Sir, puwede ba kayong magbihis?” mahinang tanong ni Lorie. Pilit na pinalis ni Choi ang ngiti at tumingala. Bakas ang pagkailang sa mukha ni Lorie. “Why?” aniya sa mababang tinig. Iyong tinig na tuwing ginagamit ni Choi ay nakakapagpamilipit sa mga babaeng binubulungan niya niyon. Ngunit sa halip na ganoon ang maging reaksiyon ni Lorie ay kumunot pa ang noo nito na para bang isang taong mahinang umintindi ang kausap nito. “Hindi ba kayo nahihiyang nakikita kayo ng bata na halos hubad na?” pabulong pa ring sagot ni Lorie at tila may inabot sa bandang ibabang bahagi nito. Sa sinabi ng babae ay napababa ang tingin ni Choi kung saan nakatayo na ang batang babae at mahigpit na nakayakap sa mga binti ni Lorie. Nakasubsob ang mukha ng bata sa binti ni Lorie at marahang sumilip kay Choi. Again, her round black eyes did something weird to him. Wala sa loob na napahawak si Choi sa dibdib niya dahil kung hindi siya nagkakamali ay doon niya naramdaman ang tila kalabit ng kung anong emosyong hindi niya maintindihan kung ano. “What’s your name little girl?” hindi nakatiis na tanong ni Choi sa bata. Sa halip na sumagot ay tuluyang itinago ng paslit ang mukha mula sa kanya. May naramdamang kudlit ng disappointment si Choi na agad din niyang inalis sa sistema niya dahil hindi niya alam kung para saan iyon. “Baka nasa loob ng envelope ang sagot,” ani Lorie na ikinatingala ni Choi rito. Nakanguso ang babae sa envelope na hawak niya. Bumaba ang tingin ni Choi sa mga labi ng babae na walang bahid ng kahit anong pangkulay. Ngunit mapula pa rin iyon. “Sir?” untag ni Lorie kay Choi. Napaderetso ng upo si Choi at mabilis na inalis ang tingin sa babae. Napakunot-noo siya habang nakatitig sa envelope. Why the hell did it take him a little longer than necessary staring at her lips? Napailing si Choi at pinagdiskitahan na lamang buksan ang hawak na envelope. Kinuha niya ang nakatuping papel na nasa loob at binuksan iyon. Natigilan si Choi nang makitang isa iyong sulat. May sumipa sa dibdib niya. May naramdaman siyang kakaibang kutob, bago iyon sinimulang basahin. I’ll leave her to you. She’s Maja. And whether you believe it or not she’s your daughter. She’s three years old. Remember that night of wild s*x in the hotel room? About me being on pills? Sorry, I lied. I just want to do it with you that night at alam kong hindi mo ako pagbibigyan kapag sinabi kong wala akong protection. And you know how much I hate those freaking condoms. Don’t worry, wala akong balak habulin ka kaya `wag mo na rin akong balakin pang hanapin. It’s my fault for not remembering my own cycle. Pero iiwan ko na si Maja sa `yo. I have my own life to live, too, you know. At masyado na akong maraming pasakit na pinagdaanan for deciding to bring her up. Panahon na para ikaw naman ang magdala ng responsibilidad ng pag-aalaga sa kanya. Forever. Just remember, don’t ever look for me anymore. That’s all. Good-bye for real, Choi. Damang-dama ni Choi ang panlalamig ng buong katawan niya. Parang lumobo ang ulo niya. Nablangko ang isip ni Choi at sandaling hindi niya alam kung ano ang iisipin o gagawin. Walang nagawa si Choi kundi ang tumitig lang sa sulat na nasa mga kamay niya. Walang nakasulat na pangalan kung kanino iyon galing. Ngunit base sa tono ng mga salita at sa mga impormasyong naroon ay alam ni Choi na sulat iyon ni Sheila, ang babaeng dahilan kung bakit naging maingat na siya sa mga babae. Pagkatapos niyang akalaing tahimik na ang buhay niya ay bigla na lamang babalik si Sheila at magbabagsak sa kanya ng ganoon kalaking bomba? “Ano? Anong pangalan niya?” tanong ni Lorie. Napakurap si Choi at nag-angat ng tingin sa mukha ng babae na puno ng kuryosidad. Nawala ang panlalamig at pamamanhid niya. Napuno si Choi ng kakaibang inis at pagrerebelde, higit sa lahat, nakaramdam siya ng galit para kay Sheila at sa sitwasyong ibinato nito sa kanya. Marahas na tumayo si Choi. Nilamukos niya ang papel sa kamay niya. “This is ridiculous!” sigaw ng binata. Napaigtad si Lorie at narinig ni Choi ang paghikbi ng batang nakakapit sa binti nito. He gritted his teeth and avoided looking down. “Damn it!” naiinis na angil ni Choi kasabay ng marahas na pagsabunot sa kanyang buhok. Gusto niyang puntahan si Sheila para alugin. Ano ang akala ng babaeng iyon, dahil lang sa isang sulat ay maniniwala na siya rito na anak niya ang bata? Na basta-basta na lang niya itong tatanggapin na tila ulirang ama? Bullshit! Hindi siya ganoon! His mind was still in chaos when the phone rang. Napalingon si Choi roon at mabilis na kumilos upang sagutin ang tawag. Kailangan niya ng distraction sa kabaliwang iyon. “Hello.” Napahinga nang malalim si Choi nang manginig ang boses niya sa labis na tensiyon. “Choi, what’s with your voice?” Napaderetso siya ng tayo nang makilala ang tinig ni Raiven. “It’s nothing, bro. Bakit ka napatawag?” aniya sa pilit pinakalmang tinig. Bihira siyang tawagan ng kapatid niya unless may kailangan itong sabihin sa kanya na pinapasabi ng kanyang ama. Masyadong busy ang papa ni Choi para magsayang ng oras na tawagan siya. “Ipinapatawag tayong tatlo nina Papa at Mama sa mansiyon. They suddenly want to have a family dinner. Be sure to go. Base sa tono niya kanina ay may gusto silang sabihin sa atin,” imporma ni Raiven. Huminga nang malalim si Choi at wala sa loob na nilingon ang dalawang babaeng ngayon ay nakaupo na sa sofa. Si Lorie ay mukhang kinakausap at inaalo ang bata na hindi naman ibinubuka ang bibig. He winced when he felt a slight sting in his gut while looking at them. Lalo na sa batang babae. She’s your daughter. “Choi,” untag sa kanya ni Raiven. Inalis niya ang tingin sa dalawang babae at tumikhim. “Okay. Pupunta ako.” “Are you sure you’re okay? You don’t sound fine to me,” tanong ni Raiven na kahit hindi nakikita ni Choi ay alam niyang salubong na ang mga kilay. Lihim siyang napaungol. Expect Raiven to be sensitive when it came to him. At kahit kay Riki. Mula pa noong mga bata sila ay si Raiven na ang tumayong pangalawang ama nina Choi at Riki. Si Raiven rin ang madalas na tagalinis ng gulong napapasok nila ni Riki noon at kahit ngayon. Malapit silang magkakapatid sa isa’t isa at sa totoo lang, bihira siyang maglihim kay Raiven. Ngunit hindi alam ni Choi kung kaya pa niyang sabihin sa kapatid ang bago niyang problema. “I swear I’m fine, brother. I’ll hang up now. Alam kong busy ka. Maghahanda na rin ako para magpunta sa mansiyon. Bye.” Pinutol na ni Choi ang tawag bago pa makapagtanong si Raiven. Napabuga siya ng hangin at binalingan si Lorie at ang batang babae. Natigilan si Choi nang makitang parehong nakatingin ang dalawa sa kanya. “Ano na?” ani Lorie sa kanya. Mariing napapikit si Choi at frustrated na hinawi ang buhok. Ano na nga ba ang gagawin niya?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD