HE wants to be alone and burst into screaming out loud. Ang sakit pala nang basta ka na lamang paratangan ng taong mahal mo. What?! Mahal? Yes! He loves her already and he’s waiting for a chance to talk to her in private, or in other words, he’s ready to put down his pride for the reason that he loves her. Pero kahit sabihin pa niyang kilala na niya ito’y hindi pa pala sapat para dito ang nakakasama niya sa araw-araw para makilala niya ito nang lubusan. “Lintik kasi ang puso kong ito! Sabi ko naman kasing huwag pero nagpadala ka sa maling akala mo kaya ’ayan, ano ngayon? ’Di nasasaktan ka.” Parang siraulong nagsasalitang mag-isa si Phillip habang palabas sa malaking tahanan ng mga Harden. May mga panahon talagang nais niyang mapag-isa, hindi iyon lingid sa mga taong nakaaalam kung an