Nadagdagan ang pagkahabag ni Vivian kay Jessica nang malaman niya na nakulong pala ito ng ilang linggo dahil napagbintangan itong kabit ng pinagtatrabahuan daw nito noon. Iyon daw ang mga panahon na inakala niyang nakauwi na ito ng Pilipinas. "Ikaw na lang talaga ang kilala ko rito sa Washington na puwedeng tumulong sa'kin, Vivz. Sobrang nakakahiya man pero hihingi na talaga ako ng tulong sa'yo para makauwi ako ng Pilipinas. Maawa ka sa'kin. Kahit para na lang sa anak ko," luhaan pa rin na wika ni Jessica. "Hindi ko na iniisip ang sarili ko pero ayokong madamay ang anak ko sa mga kagagahan na nagawa ko. At sa kagaguhan ng tatay niyang walang bay*g! Mabuti na lang din at hindi siya ang nakatuluyan mo." Napakuyom si Vivian. "Bakit naman ako maaawa sa'yo? At sa anak mo na bunga ng pagtataks