"Sino ang gumawa nito sa inyo?" kuyom ang mga kamay na tanong ni Ice kay Hendrix nang makapasok na rin sa wakas sa kuwarto nito si Vivian. "Sa ngayon ay hindi iyon ang pinakamahalaga, Ice," pormal na tugon ni Hendrix. "Mas importante ang sasabihin ko sa'yo." Gumuhit ang linya sa noo ng binata. "Mas mahalaga pa sa buhay n'yo ni Vivian?" Sa halip na sagutin siya ay humugot lang ng malalim na hininga si Hendrix at kapagkuwan ay tumalikod sa kaniya. "Nagdududa na ang buong organisasyon sa sunod-sunod na pagkahuli sa mga miyembro. Pinaniwalaan nila na may traidor sa loob at iyon ang nagsasabi sa INTERPOL. Sa ngayon, may mangilan-ngilan ang naniniwala na ang gumagawa nito ay ang nagnakaw ng blue book kay Barzin na nasa Malaysia. May iba naman ang nagsasabi na nakapasok na raw sa organisasyon