Pagkatapos ng mainit na tagpo nina Vivian at Ice at humiga ito sa tabi niya ay komportableng yumakap siya sa binata. Wala na siyang naramdaman na pagkailang kahit pa tanging puting kumot lang ang nakatakip sa hubad niyang katawan ng mga sandaling iyon. Pero inaamin ni Vivian na ngayon siya nakaramdam ng hiya kay Ice at sa sarili niya dahil sa klase ng pantasya na mayroon siya kanina habang nagniniig silang dalawa. Paano nga kaya kung sina Ice at Stephen ay magkaibang tao? Siguradong magagalit ang binata kapag nalaman na ibang lalaki ang laman ng isip niya habang nagniniig silang dalawa. O kaya ay baka mandiri ito sa kaniya kapag nalaman na bukod dito ay may iniisip pa siyang ibang lalaki na kasabay nito sa pagpapaligaya sa kaniya. Napakagat-labi si Vivian nang mag-sink in sa kaniya ang