"Thank you," nakangiting wika niya kay Nicolo nang tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng gate ng condominium na tinitirhan ni Ice. "Mag-ingat ka sa pag-uwi." Kahit noong nakaraang araw lang sila nagkita nito ay malapit at magaan agad ang loob niya rito. Tama nga ang sabi ng kaniyang superior na isa raw si Nicolo sa pinakamabait na taong nakilala nito. Bukod sa nakakaakit nitong kaguwapuhan ay totoo rin na napaka-humble nitong tao. Parang hindi ito bilyonaryo kung magsalita at magturing sa ibang tao. Nakakagulat nga ang pagiging single nito. Dahil kung tutuusin ay taglay na nito ang katangian ng isang lalaki na pangarap ng kahit sinong babae. Rich, handsome, and kind. Bulag na ba ngayon ang mga babae rito sa Pilipinas? Kung wala nga lang isang Ice sa puso niya y baka higit pa sa paghang