Mag-iisang oras na sa hotel room sina Vivian kung saan aayusan ang bride. Margarita as a bridal stylist will style bridal looks with jewelry, veils, gloves, and headpieces. Sisiguraduhin din nila na tama at maayos ang pagkakasuot ng lahat ng gowns and tuxedos, lalo na ang sa bride. They were also there to participate in bridal expos to promote their wedding shop and dresses to potential customers. Ngunit nagtataka sila ni Vivian kung bakit bukod sa kanila ni Margarita at mga hairstylist ay wala pang ibang tao sa hotel room. Ni isang bridesmaid o groomsmen ay wala pa. O sino mang kasama sa entourage. Pati na rin ang bride na sana ay siyang naunang dumating dahil matagal aayusan ay wala pa rin. Sa lahat ng kasal na napuntahan nila ay iyon lang ang parang hindi excited ang mga dadalo, lal