Drizella Genet’s POV Tahimik at tanging ang mga kutsara at tinidor lang ang naglilikha nag-iingay. Walang nagsasalita sa aming dalawa at tahimik kami parehas na kumakain. Dalawa na rin ang silya ng lamesa niya na dati ay isa lang. “Kumusta ang katawan mo?” tanong sa akin ni Pierre. “Ayos lang naman ako,” sagot ko ng hindi siya tinitignan. Gusto ko ng umalis at ihatid niya ako pabalik kung saan ko naiwan ang hilux ko pero wala pa siyang balak. Gusto niyang kumain muna kami kaya ito ako at nagmamadaling kumain para makaalis na. “Huwag kang magmadali. Hindi naman tatakbo ang pagkain,” saad ni Pierre. Hindi ako sumagot na napansin niya pala ‘yon. Uminom ako ng tubig at napatingin sa pagkain niya. Ang bagal niyang kumain at parang sinasadya niya pa ‘yon para hindi agad k