Drizella Genet’s POV “Whooooa! Happy birthday!” Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kaklase ko noon sa college ng pumutok ang alak na in-order nila. Maingay pero mas maingay sa first-floor ng club. Hindi ko talaga hilig ang club pero rito ginanap ang birthday e. Nagkanya-kanya na sila kaya naglakad kaming tatlong magkakaibigan sa railings ng second floor. “So, kumusta?” nakangiting sambit sa akin ni Aljin. “Anong nangyari?” nakangising sambit naman ni Geriane sa akin. “Anong sinasabi niyo?” naguguluhang tanong ko sa dalawang ‘to na parehas ko pang nasa gilid. Nasa club kami para maki-birthday pero ito at parang may sariling mundo na naman kaming tatlong magkakaibigan. “Kayo ni Pierre. Kumusta kayo? Bigla ka niyang kinuha kanina,” kinikilig na saad ni Geriane