Drizella Genet’s POV “Pierre, ang kamay ko!” Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang nasisita si Pierre tungkol sa kamay kong pilit niyang hinahawakan. Ibinulsa ko sa long coat ko ang mga kamay ko para hindi na niya mahawakan. “Nilalamig ako,” aniya na nangungusap ang mga mata sa akin. Napatingin ako sa bulsa ng long coat niya na bakanteng-bakante naman. Mas sarili siyang coat. Napatingin na lang ako sa elevator habang nakaupo ako sa pang-isahang sofa at at nakatayo naman sa gilid ko si Pierre. Nasa lobby kami ng hotel at inaantay naman ang mga makakasama namin. Sinasadya yata nilang tagalan dahil ayaw nila akong samahan sa museum. Nasa France kami at hindi kami pwedeng umuwi ng hindi nabibisita ang kahit isang museum sa France. “Honey…” “Pierre naman. Umayos