ALMOST 10 p.m. na nang umakyat sila sa room. Ipinagbukas siya ni Dale ng pinto saka iniabot ang key card.
“Good night, baby.” Saka siya hinalikan nito sa labi at sa noo.
“Bye. See you later.”
Pagkatapos mag-shower ni Cathy ay humiga na siya at pumikit pero gising na gising pa rin ang diwa niya. Masarap sa pakiramdam at masaya siya sa ginawa nila ni Dale. She still loves him, pero wala siyang lakas ng loob magtanong kung ano’ng status nila.
Bumigay na naman siya. Papaano kung magbuntis na naman siya? Alam niyang walang ginamit na proteksiyon si Dale at tatlong beses na inangkin siya nito sa dalampasigan kaya posible na mangyari iyon. Pero wala siyang nararamdamang kahit konting pagsisisi. Tanggap naman niya na hanggang gano’n lang sila.
Kung sakali mang mabuntis uli siya ay hinding-hindi niya iyon pagsisisihan. Mahal na mahal niya si Dale at masaya na siya na may mga anak sila. Ipauubaya niya sa Diyos ang lahat. May ngiti sa mga labi na tuluyan siyang nakatulog.
***
KANINA pa nakadungaw si Dale sa terace habang umiinom ng whisky.
‘Cathy, kaya mo ba akong tanggapin sakaling malaman mo ang buong ako?’
Noong hindi niya pa alam na may anak siya kay Rica, ni hindi niya naisip na mararamdaman niya ang ganito. Ang akala niya ay masaya na siyang papalit-palit ng babae. Noong dumating sa buhay niya si Deile, naging masaya siya. Pero no’ng magkasakit ito, doon niya na-realize ang mga pagkakamali niya. Ngayon na may kambal pa pala siyang anak sa babaeng mula noon hanggang ngayon ay walang-sawang nagmamahal sa kanya, he realize kung paano pala maging tunay na masaya lalo na at ang babaeng ina ng kambal ay ang kaisa-isang babaeng minahal niya noon pagkatapos makaligtas sa inaakalang kamatayan.
How will she accept him kung malaman nito na hundreds na ang mga babaeng naikama at pinaiyak niya? Hahayaan na lang ba niya na mawala uli sa kanya si Cathy sakaling malaman nito ang lahat?
“Bahala na.”
Nahiga siya sa tabi ng anak at dahil na rin nangyari buong araw ay mabilis siyang nakatulog.
***
KINABUKASAN ay maagang kinatok ni Dale ang room ni Cathy. Gulo ang buhok at mapula ang mukha ni Cathy nang sumalubong siya kay Dale.
“Let’s eat—Ano’ng nangyari sa ’yo? Bakit ganyan ang itsura mo?” Sinalat ni Dale ang noo nito. “You have a fever.” Mabilis niyang pinangko ito at ibinalik sa kama.
Tumawag sa front desk si Dale para mag-order ng gamot then tinawagan ang kanyang tauhan.
“Bring ice cubes and some breakfast in room 205.” Matapos ibaba ang phone ay binalingan niya si Cathy. “Baby, are you okay? I will bring you to the hospital.” Panic ang makikita sa mukha nito na ikinatawa ni Cathy. “Why are you smilling?” naiinis na tanong niya.
“Kasi po, mister, you are so OA, you know?” Sabay roll eyes ni Cathy. “Simpleng lagnat lang ito. Remember, kahapon lang ako nabangga at pinainom mo ako ng wine, then you want me to swim also and . . .” Napahinto si Cathy at namula ang mukha.
Lumapit si Dale na may pilyong ngiti. “Then what?”
“Ah, eh, w-wala!” Sabay talukbong ni Cathy ng kumot.
Binuksan ni Dale ang nag-doorbell at kinuha ang mga dala nito. “Please take care of my son and tell him I’ll be there in thirty minutes.” Sabay sara ng pinto.
Ibinaba niya ang tray sa table at maingat na umakyat sa kama ni Cathy. Humiga siya at dahan-dahang hinila ang kumot saka niyakap ito at hinalikan sa noo.
“Baby, kain na, then drink your medicine,” malambing na bulong niya rito. Dahan-dahan namang tiningala siya ni Cathy at nagpasalamat.
Habang kumakain ay lakas-loob na nagtanong si Cathy. “Bakit mo ginagawa sa akin ito, Dale?”
Lumapat ang mga labi ni Dale sa labi niya. “Because I want too. That’s it. Eat, and don’t ask.”
Matapos kumain ay iniabot ni Dale ang gamot na ininom naman agad ni Cathy.
“Rest and I will be back later.”
“Thanks, Dale.”
Lumapit sa kanya si Dale at ginawaran siya ng halik sa noo at lumabas na.
After an hour ay binalikan siya ni Dale at dahil dala niya ang key card nito ay hindi na niya kailangang kumatok pa. Tulog na tulog pa rin si Cathy nang madatnan niya ito. Sinalat niya ang noo nito at medyo bumaba na ang lagnat niya. Tumabi siya rito at iniangat ang ulo nito para ipatong sa chest niya.
“Baby, we need to go,” bulong niya sa tainga ni Cathy, pero sa halip na sumagot ay ungol lang ang narinig niya.
Nag-init bigla ang pakiramdam ni Dale. Ramdam niya ang pagkabuhay ng sandata niya. Gusto na niyang angkinin ito pero pinigilan niya ang sarili.
“Baby.” Pero ungol lang uli ang sagot nito kaya hindi na napigilan ni Dale. Siniil niya ito ng halik at hinila ang pagkakabuhol ng roba ni Cathy saka hinubad iyon. Tanging undies lang ang suot ni Cathy kaya lalong tumindi ang pagnanasa ni Dale na maangkin ito. Hinalikan niya ito sa leeg pababa sa dalawang umbok nito na nakatayo na. Sinamba niya iyon nang halinhinan habang ang isang kamay ay ipinasok niya sa loob ng munting saplot nito.
Malakas na ungol ang lumabas sa labi ni Cathy. “Ohh, Dale. Ahh . . .”
Mahigpit siyang hinila pataas ni Cathy kasabay ang pag-iisang katawan nilang dalawa. Patuloy sa pagbaba-taas ang binata habang halos mawalan na siya ng ulirat sa matinding ligaya na ipinalalasap sa kanya.
Halos magiba na ang kama sa lakas ng galaw ni Dale. Sinunod-sunod niya ito, madidiin at sagad na sagad ang sarili niya sa kaloob-looban ng kaibuturan ni Cathy. Hanggang tuluyan nilang narating ang r******************n na tanging silang dalawa lang ang makapagbibigay sa isa’t isa.
Ilang minuto sila sa ganoong posisyon nang dahan-dahang humiwalay ang katawan ni Dale sa dalaga. At kahit ayaw pa sana niyang gawin iyon ay kailangan na. Kapansin-pansin ang namumulang mukha ni Cathy habang nagmamadaling tumakbo sa loob ng banyo sabay sarado ng pinto. Si Dale naman ay nanatiling nakahiga sa kama nang walang-saplot at nakalapat ang mga paa sa carpet.
Nakalabas na ng banyo si Cathy ay nakapikit pa rin si Dale. Hindi naiwasang pagmasdan ni Cathy ang kabuuan nito. “Dale, gising. Bibiyahe pa tayo.”
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at mabilis na niyakap si Cathy. Maya-maya ay binitiwan niya ito at pumasok na rin sa loob ng banyo.
***
SA likod ng kotse umupo ang anak ni Dale at katabi naman niya si Cathy habang nagmamaneho.
“Matulog ka habang nasa biyahe tayo,” bulong ni Dale kay Cathy.
Bigla namang nagsalita si Deile. “Dad, kailan mo ako ipakikilala sa baby brother ko?”
Hindi agad nakasagot si Dale. Hindi nito inaasahan ang tanong ng anak. Sumulyap muna siya kay Cathy na tahimik lang na nakapikit. Sinenyasan niya ang anak na h’wag maingay nag-thumbs up naman agad ito.
Hindi makahuma si Cathy sa narinig. ‘May iba pa palang anak si Dale?’ Wala na talagang pag-asa ang kambal niya na makilala ang ama ng mga ito. Hindi niya isasapalaran ang kaligayahan ng mga bata. Magiging kawawa lang ang mga anak niya kung isasama niya ang mga ito sa mga anak ni Dale. Nanlulumong humugot ng malalim na buntonghininga si Cathy.
“Are you okay, baby?” Sa halip na sumagot ay inihilig ni Cathy ang ulo sa gawi ng bintana.
Buong biyahe ay nakapikit lang si Cathy, kahit ang totoo ay gising na gising siya. Ayaw lang niyang kausapin si Dale. Baka hindi siya makapagpigil at masumbatan niya ito.
***
A few hours later . . .
“BABY, nandito na tayo sa lugar mo. Ano’ng number ng bahay mo?”
Dumilat agad si Cathy at nag-iwas ng tingin na kunwari ay nagpalinga-linga. “Doon sa malaking puting gate,” turo niya kay Dale na hindi pa rin niya magawang sulyapan. Paghinto ng sasakyan ay agad na bumaba at nag-doorbell si Cathy sa bahay niya. Si Dale ay bumaba na rin ngunit nanatiling nakatayo lang sa tabi niya. Maya-maya ay bumukas ang gate at nagkagulatan pa si Dale at ang yaya ng kambal.
“You!” Sabay tingin ni Dale sa dalawang batang akay ng yaya na nagbukas ng gate.
“Mommy!” malakas na sigaw ng kambal sabay yakap kay Cathy.
“Magkakilala kayo?” tanong ni Cathy kay Dale, pero ang yaya ng anak ang sumagot.
“Yes, ma’am, one time lang ho. Doon sa parking, siya ’yong sinasabi ko sa inyo na nakakuha kay Baby.”
Namukhaan siguro si Dale ng isa sa kambal. “Dada!” sigaw ng isa sa dalawa na lumapit pa kay Dale. Bugso ng damdamin bilang isang ama na sabik na mayakap ang mga anak, lumuhod agad siya para yakapin ang dalawang bata.
Mabilis namang nakababa si Deile ng sasakyan. “Dad! Sila ba ang baby brothers ko?”
“Ah, eh, yeah.” Halos ayaw lumabas sa lalamunan ni Dale ang sagot niya sa anak. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Cathy iyon.
Hinila naman agad si Deile ng kambal papasok sa loob. “Kuya, laro tayo!” natutuwang sigaw ng kambal.