Chapter- 8

1604 Words
NAIWANG nakatayo sina Dale at Cathy sa harap ng gate ng bahay. “P-Pasok ka muna, n-nasa loob din si Deile.” Hindi malaman ni Cathy kung paano kikilos sa harap ni Dale ngayong alam na nito na anak niya ang kambal na sina Jayden Dyle at Dhel Jordan. “Please sit down.” Itinuro niya ang mahabang sofa at dumeretso sa kusina para ikuha si Dale ng maiinom. Habang nasa kusina si Cathy ay sumandal lang si Dale at ipinikit ang mga mata. Medyo masakit iyon, dala siguro ng mahabang pagmamaneho. “Dada!” Sabay pakarga ng anak na si Jordan kay Dale na niyakap naman agad niya. “Baby . . .” Hinalik-halikan niya ang buhok ng anak habang nakasubsob ito sa balikat niya. Napapikit si Dale. Ramdam na ramdam niya ang kaligayahan na ang munting angel ay nasa kanyang dibdib. Napatigil sa paghakbang si Cathy nang makita ang tagpong iyon. Napakasarap nilang pagmasdan at kitang-kita niya ang kaligayahan sa mukha ng mga anak na kapiling ng ama nito. “Dada, please stay po. I want to be with you. I missed you. Mommy said you are busy kaya wala ka sa amin po.” Lalo pang humigpit ang yakap nito sa leeg niya. Ramdam niya ang sobrang pangungulila sa anak at gano’n din ang anak sa kanya. “P-Promise, I’ll stay, baby.” Nalaglag ang luha ni Dale. Damang-dama niya ang sobrang pangungulila ng anak sa kanya. “Talaga po, Dada? Yehey!” At nagmamadali itong tumakbo palayo. Nalingunan ni Dale si Cathy na nakatayo sa ’di-kalayuan hawak ang tasa. “Give me my coffee, malamig na siguro ’yan,” pabiro nitong tawag kay Cathy. Mabilis naman itong lumapit at iniabot agad iyon sa kanya. “Please sit. We need to talk.” Nakikiusap ang tinig ni Dale. “O-Okay.” “A month ago, Kuya Dave said na kung alam niyang naging girlfriend kita noon ay iisipin niya na anak ko ang kambal. I ignore what he said, then a week ago, I saw a child at the back of my car in the parking lot na muntik ko pang maatrasan. He was crying so I decide to get down. Nilapitan ko siya and I was surprise. Tinawag niya akong dada at nagpakarga sa akin. Suddenly, naramdaman ko ang init ng yakap ng munting angel na ’yon.” Tahimik lang si Cathy habang nakikinig sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang pagkukuwento. “Do you rememder no’ng sinundo kita sa bahay ng lola mo? Accidentally, narinig ko ang usapan ninyo about sa ama ng bata.” “S-Sorry, Dale . . .” “Hanggang kailan mo itatago sa akin ito? I know hindi ako karapat-dapat na ama because of my bad image, at alam kong hindi lingid sa ’yo kung ano ako at sino talaga ako. At wala naman talaga akong karapatan na sabihin sa ’yo ang mga bagay na ’to.” “Hindi naman gano’n ’yon, eh.” “Cath . . .” Lumapit siya kay Cathy. “. . . please, hayaan mo akong makasama sila at maipadama sa kanila na may ama sila. Ang dami ko nang pagkakamali sa buhay; mga taong sinaktan ko dahil sa inaakala kong revenge ang magiging gamot para makamit ko ang kasiyahan.” “Dale . . .” “Hayaan mong ikuwento ko sa ’yo ang lahat.” “Okay, go ahead.” “That day na na lasing ako, alam kong may nangyari sa atin and I know I’m your first. Kahit marami akong nainom, malinaw sa alaala ko na ako ang nakakuha ng virginity mo. Ang dami kong tanong kung bakit pumayag ka, bakit sa akin mo ibinigay? Gusto kong mag-isip no’ng mga panahong iyon bago kita kausapin pero the next day, Dad want me to go in London. “That day, I’ve met Deile inside the airport. He was crying badly kaya nilapitan ko siya and asked him kung nasaan ang mommy niya. Wala kong nakuhang sagot mula sa bata. I need to go because it’s time for my boarding. Inisip ko kung saan ko iiwan ang batang ’yon. First time in my life, nakaramdam ako ng awa at sa kanya pa. Kinuha ko ang maliit niyang bag na naka-tie sa katawan niya. May laman iyong passport, ticket, boarding pass at isang sulat. Iisang plane ang sasakyan namin at ang nakakagulat, pareho kami ng family name. Magkaiba kami ng seat number dahil nasa VIP ako at sa business class siya. Binasa ko ang nakatuping sulat at laking gulat ko na naka-address sa akin iyon. Nakaplano pala ang lahat at ang mahirap, hindi ko kilala ang ina ng bata. How can I recognize that lady samatalang over hundreds na ang mga babaeng naikama ko at puro one-night stand lang ang mga ’yon? “Dinala ko si Deile sa London at ipina-DNA test. Positive: he is my son. I’m so happy, sobrang hindi ko kayang ipaliwanag ang kaligayahan ko. Mahal na mahal ko siya. Lahat ng free time ko, inilaan ko para sa kanya. Hanggang sa kinailangan ko nang bumalik dito. Dahil hindi ko kayang iwan ang anak ko, hinintay kong matapos ang school break niya at isinama siya. “No’ng magkasakit si Deile at naoperahan, doon ako tuluyang nagising sa mga masasamang gawain ko. I promised to God na pagalingin Niya lang ang anak ko ay magbabago na ako. “Give me a chance na maging ama sa kanila. Alam kong hindi ako karapat-dapat na hingin ito sa ’yo, pero for the sake of the twin, pangako, hindi man ako naging mabuti sa lahat pero sisikapin kong maging mabuting ama.” Hindi namalayan ni Cathy na tumutulo na ang luha niya. Ramdam niya ang pagsusumamo ni Dale. Hindi naman siya maramot, pero bakit nasasaktan siya sa kaalamang ang anak lang nito ang mahalaga? Papaano naman siya? Dahil mahal na mahal niya ito at ang mga anak ay hahayaan niya si Dale na gampanan ang pagiging ama nito gaya ng hiniling sa kanya. “S-Sige, pumapayag na ako. Malaya mong makasama ang mga bata. Sila pala sina Jayden Dyle at Dhel Jordan, l-lahat sila ay nakasunod ang pangalan sa ’yo.” Sinikap niyang ngumiti kahit umiiyak ang puso niya. “Thanks, Cath.” Nagpaalam siya kay Dale na magpapahinga muna siya dahil ang totoo, baka hindi niya makaya at tuluyan na siyang umiyak at hilingin na pati siya ay mahalin din nito gaya ng pagmamahal sa mga anak. Tinawag niya ang maid at sumunod naman ito sa kanya. “Fix the guest room at siguraduhin mong malinis iyon.” Pagkapasok sa kuwarto ay malayang pinakawalan ni Cathy ang kanina pa gustong bumagsak na mga luha. *** HINANAP ni Dale ang mga bata pero hindi niya makita ang mga ito sa paligid. Tinawag niya ang maid at tinanong ito. “Nasa kuwarto po nila, sir, pangalawa sa room ni Ma’am. Sa pinaka-last na kuwarto, sir.” Narinig agad ni Dale ang ingay ng mga anak kaya itinulak niya ang pinto at tumuloy na sa loob ng kuwarto. Napansin agad niya ang naka-frame na mga picture at inisa-isa niyang tingnan iyon. Mga picture iyon ng kambal no’ng sanggol pa sila hanggang sa paglaki nila. Nasa pinakagitna ang picture ni Dale na nakasimpleng T-shirt lang at maong pants. Kinuha niya iyon para tingnan kung anong year ang picture niyang iyon. Maingat na tinanggal niya iyon sa frame at tiningnan ang likod. My only man, the love of my life, Thanks for giving me wonderful memories. Matagal kong pinangarap ang gabing ito. Wala akong pinagsisisihan na ikaw ang pinag-alayan ko ng aking p********e. Akala ko hanggang pangarap lang kita. Ikaw ang reason kung bakit ako nagsumikap na maging doktor dahil alam kong hinding-hindi ko mapapantayan ang mga babaeng nakapalibot sa ’yo. Alam kong suntok sa buwan ang mahalin ka pero hayaan mo na mahalin kita kahit sa malayo lang. Gusto kong malaman mo na ang gabing ’yon ang pinakamasayang regalo na natanggap ko sa birthday ko. I’ll pray na magbunga ang ginawa natin para may maiwan kang alaala sa akin. Hope someday we’ll meet again. I love you so much with all of my heart. I wish you happiness. Hindi makapaniwala si Dale. ‘Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya. She’s a very good person at hindi niya deserve na masaktan.’ Maingat niyang ibinalik ang picture at nilapitan ang mga anak. “Hi, kids.” Lumapit si Dale sa mga bata. “Dada!” sabay na sigaw ng kambal. Kinarga niya ito sa magkabilang bisig at umupo sila sa couch. “How are my babies?” “Dada, sabi ni Kuya, hindi na daw kami baby, big man na daw kami.” Ginulo niya ang buhok ng dalawa. “Of course, malaki na nga kayo. Pero for me, you are my babies.” Halos trenta minuto rin siyang nag-stay sa room ng mga anak hanggang sa makaramdam siya ng antok. Nagpaalam siya sa mga anak na iidlip saglit dahil masakit talaga ang mga mata niya. Sinubukan niyang pihitin ang katabing kuwarto nito at hindi naman iyon naka-lock. Pero mali siya ng pinasok dahil kuwarto pala iyon ni Cathy. Bumaba ang tingin niya rito, kitang-kita niya ang kabuoan nito. Maingat na kinumutan ni Dale si Cathy dahil mukhang giniginaw na ito sa lakas ng air-con. Itinaas ni Dale ang kanyang kamay para haplusin ang buhok nito. “I’m so sorry, baby, sa mga nagawa kong mali sa ’yo.” Ang planong paglabas ni Dale ay nauwi sa pagsi-stay niya sa kuwarto ni Cathy dahil hinawakan nito ang kamay niya. Nahiga si Dale sa tabi ni Cathy at niyakap ito saka ipinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD