Chapter- 10

1954 Words
UMIKOT ang tingin ni Cathy sa mga tao sa airport, nagbabakasakaling makita si Dale pero oras na para mag-check in sila, walang Dale na dumating. Nanlulumong inakay niya ang kambal. Ilang beses pang lumingon si Cathy bago tumuloy sa pila ng Immigration. Isang patak ng luha ang mabilis na pinahid ni Cathy. ‘Tama na ang kabaliwan mo!’ inis na sigaw ng utak niya. Pagdating nila sa UK, unexpected na kailangan nilang mag-stay nang matagal doon dahil sa kalagayan ng lolo niya. Ilang linggo at buwan na ang lumipas pero ni isang tawag ay wala siyang natanggap mula kay Dale. Siguro this time, kailangan na niyang tanggapin na hanggang pangarap lang niya ang isang Montemayor. Tama na ang halos sampung taon na umasa siya. Masakit man tanggapin pero kailangan niyang maka-move on para sa mga anak niya. Umabot sila ng dalawang taon sa UK. Five years old na ang kambal. In-accept na rin ni Cathy ang mga manliligaw niya, at isa na roon si Mathew Andrei Monteverde-Mondragon, isang half-Filipino, half-Spanish. He is a heir of an international airline company na na-meet ni Cathy one year ago in Paris no’ng nag-tour sila kasama ang lola niya after her lolo’s death. Malambing ito, maalalahanin, at mataas ang respeto sa kanya. He’s thirty-two years old, halos pareho kay Dale Montemayor. Halos wala rin itong tulak kabigin kay Dale sa height at body built, magkaiba lang sila sa pag-uugali. Pero siyempre, si Dale ang lalaking minahal niya nang sobra at ama ng mga anak niya kaya lamang pa rin ito sa buhay niya. Three days na lang ay babalik na sila ng Pilipinas kaya pinagbigyan niya si Andrei na isama siya sa isang grandball. Walang kilala roon si Cathy pero hindi naman niya matanggihan ito. He is a very respectable person, ito rin ang bumili ng isusuot niya. 7 p.m. sharp ay nasa bahay na nila si Andrei para sunduin siya. Medyo nakararamdam siya ng pagkailang sa klase ng damit na suot niya. Halos kita na ang buong likod niya at labas na labas ang hubog ng katawan niya. Ang mahabang buhok na kasindilim ng gabi ay hinayaan ni Cathy na nakalugay. Para siyang international model ng shampoo sa ganda ng buhok niya. Isa iyon sa nagustuhan sa kanya nito. “You’re so beautiful, Cathy . . .” “Thanks,” simpleng sagot niya rito. “Shall we?” At iniabot ni Andrei ang kamay niya na magalang naman niyang tinanggap. Nasa entrance pa lang sila ng grandball ay nagkikislapan na ang mga camera. Bakit hindi? He is the heir of Mondragon International Airline Company. Nagulat si Cathy nang ipulupot nito ang braso sa waist niya. Halos manayo ang balahibo niya nang lumapat ang kamay nito sa hubad niyang likod. Sinikap niyang ngumiti para hindi naman mapahiya ang kasama niya lalo at isa itong Mondragon. Kung tutuosin, dapat proud siya, pero bakit may kaba siyang nararamdaman at konting takot? *** SA Pilipinas, napako ang tingin ni Dale sa isang diyaryo na nasa ibabaw ng desk niya. Nang makilala niya ang babaeng laman ng pahayagan ay napatayo siya. “Ms. Cathy Villegas and Mr. Mathew Andrei Monteverde-Mondragon, soon-to-be-married.” Binuksan ni Dale ang built-in TV sa opisina at hinanap sa YouTube ang video ng mga ito. Kitang-kita ni Dale si Cathy. Sumiklab ang kanyang galit nang makita ang klase ng suot na damit nito. Ang lalong nagpakulo ng dugo niya ay ang mahigpit na pagkakapulupot ng braso ng lalaki sa baywang ni Cathy. ‘Bakit ka naggagalaiti d’yan, Dale? Wala ka namang pakialam sa kanya, hindi ba? Hindi sa lahat ng panahon, palagi siyang aasa na mapapansin o mamahalin mo! People change. Baka nakakalimutan mo na ni hindi mo sila inihatid man lang sa airport noon at ni hindi mo sila kinontak man lang!’ singhal ng isipan niya. Para namang napahiya siya sa sarili at nanghihinang napaupo sa swivel chair niya. “Y-Yeah, w-wala akong karapatang makaramdam nito, pero no! She’s mine! Only mine!” *** CATHY and the twins arrived at NAIA. Two years is very fast. Kaya ba niyang harapin si Dale nang normal sakaling magkita sila? Ano kaya’ng magiging reaksiyon nito sakaling nakita nito ang mga tabloid at news sa social media? Ipinilig niya ang kanyang ulo. ‘Huh! Bakit ko ba naiisip ang lalaking ’yon? Siguro nga nag-asawa na ’yon kaya hindi man lang naalala ang mga anak.’ Naisip niya si Andrei. May pagkaloko rin pala ang isang ’yon. Imagine, i-announce ba naman na soon-to-be-married na sila? Ni hindi nga niya ito nobyo. She was planing to move in Makati, at her new house, tutal dito siya sa Makati Medical Center magwo-work. At least, malapit na. Para maiwasan niya rin na magkita pa sila ni Dale ngayon na naka-move on na siya. Ayaw na niyang balikan ang mapapait na alaala. On the way going to Makati si Cathy para tingnan ang bago nilang bahay. Three bedrooms is enough para sa kanilang tatlo at sa kasambahay nila. Fully-furnished na rin iyon. Tinawagan niya ang agent ng real state. Hindi pa niya kilala ang may-ari nito pero hindi naman siya interesadong makilala ito. Ang importante, kompleto ang papeles ng bahay. Dumeretso siya sa Shangri-La Hotel para i-meet si Andrei. Akala niya ay nagbibiro lang ito na susunod sa Pilipinas para mag-open ng bagong branch ng airline. Nasa lobby siya at hinihintay ang pagbaba nito nang mag-ring ang phone niya. “Yes, sweetheart?” Kausap niya sa linya ang kambal. “Mom, can you buy fried chicken, french fries, burger, and jolly hotdog for me, Dhel, and Yaya? Sa Jollibee lang, please.” “Okay, sweetheart. See you. I love you. Bye.” Simpleng skinny jeans, hanging blouse, at four inches heels ang suot ni Cathy while Andrei was wearing jeans and black shirt with navy blue blazer. “Hi, shall we go?” Tumayo agad si Cathy at naglakad na sila ni Andrei palabas ng Shangri-La Hotel. Nakaalalay pa ito sa likod ni Cathy. Lahat ng madaanan nila ay nakasunod ang tingin sa kanila. “Wow, bagay sila.” “Ang guwapo naman.” “Sexy and beautiful ang kasama.” “Yes. I know them. The soon-to-be-married couple.” Imbes na mainis sa mga naririnig ay natawa lang si Andrei. Inalalayan nito si Cathy nang sumakay sila sa isang latest model ng Audi sports car. “Where are we going?” tanong ni Cathy. “I just wanna go to the new building to see it. How’s the kids?” balik-tanong nito sa kanya. “Both fine,” sagot niya rito. “By the way, Andrei. I just want to know kung ano’ng reason mo kung bakit mo sinabi na we are soon-to-be-married?” “Why? Have problem with that?” “No! I mean, we’re not even in a relationship. Ayaw kong nai-involve sa ganyan, Andrei. Please understand . . . Saka ’di ba sinabi ko naman sa ’yo kung sino ang ama ng kambal? Ayaw ko lang na may masabi ang pamilya niya na masama tungkol sa akin.” “Do you still love him?” “Huh? W-What’s that question?” “I just want to know because I can see in your eyes na natatakot kang malaman ng ama ng mga bata ang tungkol sa atin. I’m sorry, Cathy. You know from the very start that I really like you even you had kids.” “Pero alam natin, Andrei, na you are like a brother to me.” “About doon sa kumalat sa news sa tabloid and sa social media, again, I’m sorry. May gusto lang akong iwasan. Wala akong choice, Cathy. Hope you’ll understand. Alam mo naman na hindi kita pipilitin na magustuhan ako but please, kahit iyon man lang. Help me, ayaw kong maikasal sa babaeng hindi ko mahal.” “But, Andrei, sana maunawaan mo rin ako na ayaw kong maiskandalo lalo na at mag-uumpisa pa lang ako sa bago kong work. Alam mo naman na I’m a single parent at kung masisira ang reputation ko, papaano ang mga anak ko? And I don’t want you to have a conflict with the Montemayor. I know them, Andrei. Hindi sila ang tipo na mananahimik lalo at involve ang mga anak ko.” Nakita ni Cathy ang pagguhit ng sakit sa mukha ni Andrei. “Okay lang na magkita tayo; we’re friends at hindi na magbabago ’yon, kaya willing ako na samahan ka sa mga lakad mo. But please, h’wag mo na uulitin na magpa-interview uli na involve ako, ha?” Tango lang ang isinagot nito. Pagkatapos makita ni Andrei ang bagong building, nag-set agad ito ng conference meeting two days from now. “Let’s eat, Cath. Almost 1 p.m. na rin.” Nagpatianod na lang siya sa kahilingan ni Andrei. Isang Italian restaurant ang nadaanan nila. Papasok na sila sa loob nang mabangga si Cathy ng isang teenager. “Hey, watch your step!” naiiling na sigaw ni Andrei na ikinalingon nito. “T-Tita Cathy, is that you? How are you po?” Sabay yakap nito sa nabiglang si Cathy. “How’s my brothers?” “Cath, do you know him?” “A-Ah, yeah.” “Yes, she knows me, and for your information, Mr. . . ?” “Andrei,” mabilis na pakilala nito. “Okay, Mr. Andrei. I am Deile Villaflor-Montemayor and she’s my stepmother.” Bumaling ito kay Cathy. “Tita, my dad is over there.” Tumuro si Deile sa right side. Sobrang kaba ang nararamdaman ni Cathy. Hindi niya alam kung papasok o tatakbo na lang siya palayo. Pero mabilis si Andrei, hinawakan nito nang mahigpit ang kamay niya at iginiya siya papasok sa loob. Halos hindi maihakbang ni Cathy ang kanyang mga paa. Hindi sa takot siyang makaharap ito pero kinakabahan siya na baka gumawa ito ng scene sa loob at baka mag-away pa ang dalawa; baka walang makaawat sa mga ito. Mga six-footer pa naman ang mga ’to at malalaki ang katawan. At ang pinakanakakahiya, kilala ang pangalan ng dalawang ito sa business world. Hindi niya malaman ang gagawin niya. “Tita Cathy, join us,” tawag sa kanya ni Deile na nagpalingon kay Dale. Nagtama agad ang paningin nila. Nagsalubong ang kilay ni Dale nang makitang nakahawak ang kasama niyang lalaki sa kamay niya. ‘Diyos ko, please. Pigilan Mo po ang nakikita kong galit sa mga mata ni Dale. Sana po magpakahinahon siya,’ dalangin ni Cathy. Bigla siyang hinila ni Andrei palapit sa table nina Dale, marahil ay para paunlakan ang imbitasyon ni Deile. “Hi. Andrei Mondragon. Nice to meet you, pare.” Sabay abot ng kamay niya kay Dale pero tiningnan lang iyon nito nang masama. Sa halip ay binalingan nito si Cathy. “Ibigay mo sa akin ang kambal na sina Jordan at Jayden at malaya kang gawin ang kahit ano’ng naisin mo! Even ilang lalaki pa ang i-display mo sa harapan ko, I don’t care! I only care for my children! And you . . .” Bumaling siya kay Andrei. “. . . don’t involve yourself here dahil nandito ka sa teritoryo ko; kayang-kaya kitang patayin! Let’s go, son!” tawag niya kay Deile. Namutla si Cathy. First time niyang makita ang sobrang galit sa mga mata nito. Natawa naman si Andrei sa inasal ni Dale. “Woah! I know he still loves you, Cath. I saw his eyes kung gaano ang selos niya nang makita niya tayong magkahawak-kamay.” “That’s impossible, Andrei. Ni hindi nga niya kami inihatid noon sa airport at ni hindi nga siya kumontak sa amin. Paano mo nasabing mahal niya ako?” “I know, Cathy. Lalaki ako at hindi siya magre-react nang ganyan kung anak n’yo lang ang habol niya sa ’yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD