At nagmamadali naman siyang nagpaalam rito at tumalikod na. Pumasok agad siya sa kanyang kuwarto upang magpalit ng pajama. Nakakahiya tuloy na humarap siya Kay kuya Darius na sobrang iksi ng kanyang suot. Makinis naman at maputi ang kanyang hita subalit Ang nakakahiya ay parang nagmistulang nakahubad na siya sa harap ng ni Kuya Darius. Tinampal pa niya ang kanyang noo. Mula nang dumating siya rito sa mansion ay ngayon pa siya nakita nitong nakasuot Ng maiksing short dahil lagi naman siyang naka pajama at kung minsan ay hilig siya sa mga pambahay na dress. Ngayon lang talaga nakalimutan niyang lumabas na hindi nakapagpalit ng kanyang suot. Hindi naman siya sinaway ng kanyang ate Leah dahil lagi kasing nakasuot ng maiksing short ang ate niya. Pero teka, ang ate Leah niya ba ay sinaway din ni Kuya Darius? siguro hindi, dahil ito lang naman ang lalaki sa loob ng mansion. May guard naman pero nasa labas lang.
Mabilis lumipas ang mga araw at buwan. Hangga't muling pasukan na ng klase. Gusto ni Kuya Darius na sa private school siya ipa enroll. Muli siyang nagbalik sa grade nine dahil di naman niya natapos ang year nito noon nang mag stop siya. Natuwa naman si Sarah nang sa private school talaga siya ipinapa enroll ni Kuya Darius. At sa unang pasok niya ay sobrang excited din niya. Lahat bago ang kanyang mga kagamitan. Bago ang sapatos, uniform, bag at mga mamahalin pa ang mga iyon.
Pagbutihin niya ang kanyang pag-aaral dahil ayaw niyang mapahiya kay kuya Darius na sinusuportahan siya nito ngunit maliliit ang kanyang mga markang makukuha. Pagsisikapan talaga niya para matuwa naman ito at ang kanyang ate Leah.
Sa paglipas ng mga taon ay ganap ng dalaga si Sarah. Siya'y nasa twenty-three na ngayon nasa fourt year college na siya sa kursong nursing. Mas gumaganda pa si Sarah nang siya'y naging dalaga na talaga. Maraming nagkakagusto sa kanya sa paaralan ngunit sinunod lang niya ang ate Leah niya na huwag munang mag boy friend habang di pa tapos sa pag-aaral. Nagkaroon na rin ng dalawang anak sina Leah at Darius. Seven years ang panganay at Five years naman ang pangalawa. Lagi namang nilalaro ni Sarah ang mga pamangkin, kahit may mga Yaya ang mga ito ay tumulong parin siya sa pag-aalaga ng mga pamangkin. Mahal na mahal niya ang kanyang mga pamangkin na sina Athena at Luis. Babae ang panganay at lalaki naman ang pangalawa. Hindi rin siya nagsasawa sa mga ito kaya't gustong-gusto din Siya ng kanyang mga pamangkin. Tuwang- tuwa ang mga ito sa tuwing siya'y darating na mula sa school. Paminsan-minsan na ring dumalaw sa Mansion ang mga magulang ni Kuya Darius mula sa Spain dahil mahal na mahal rin ng mga ito ang mga apo. Tama nga ang kanyang hinala dati na Hindi nagustohan ng mga magulang ni kuya Darius ang kanyang ate Leah kung kaya't hindi ang mga ito dumalo sa kasal noon. Ngayon nalang natanggap ng mga ito ang ate niya nang may mga anak na si Kuya Darius at ang ate Leah niya.
Isang hapon ay pag-uwi niya mula sa paaralan ay nagtaka pa siya kung bakit iba na ang guard ng mansion. Kaninang umaga ay naroon pa ang guard ngunit ngayon ay iba na ang nagbukas sa kanya. Hindi nalang niya pinansin iyon baka nag leave sa trabaho ang guard kung kaya't pinalitan na ito ng bago. Pagpasok niya sa loob ng mansion sinalubong agad siya ni Nanay Perla. Naroon parin ito nagtatrabaho sa mansion at tanging sina Delfa at Manang Gina lamang ang nawala roon. Nawala ang mga ito ngunit may pumalit naman sa mga ito na mga bagong katulong.
" Magandang hapon po, Nanay Perla." Bati niya sa may edad na talagang katulong.
" Magandang hapon din iha, Sarah. Huwag mo munang lapitan at kakausapin ang ate mo, baka masinghalan ka lang, mainit ang ulo ng ate mo at nakita kong umiiyak. Parang galit naman na umalis si Sir Darius. Narinig kong tumaas ang boses ni Sir Darius kanina. Nag-aaway ata sila, Sarah." Ang sabi ni Nanay Perla sa kanya.
Kaya natigilan naman siya. Ano naman kaya ang pinag-aawayan ng ate niya at ng asawa nito?
" S-sige po, Nanay. Magbihis na po muna ako sa kuwarto ko." Aniya at paalam rito.
" Oh Sige, iha." Sabi pa nito.
Sa ilang taon na nilang nakasama si Nanay Perla ay parang anak na ang turing nito sa kanya. Naramdaman niyang malapit ang loob ng matandang katulong sa kanya na siyang naging Mayordoma ng mansion. At maging siya naman ay ganoon din, malapit na rin ang loob niya kay Nanay Perla. Paglabas niyang muli ay sinalubong naman agad Siya ng kanyang pamangking Five years old na si Luis. Yumakap ito sa kanya at agad naman niya itong hinalikan sa pisngi. Napaaga ang dating niya sa hapong iyon dahil wala na siyang klase. At wala pa pala si Athena mula sa school nito. Nag-aaral na rin kasi ng grade one Ang panganay nina Ate Leah at Kuya Darius. May Yaya naman itong tagabantay rito sa school nito.
" Tita, umiiyak po si Mommy." Madaldal na sumbong pa sa kanya ng limang taong gulang na pamangkin.
" Ahh.. hayaan mo lang baby, maging okay din si Mommy. " Sabi naman niya rito.
Hindi talaga niya inuusisa ang kanyang ate at hinihintay lang niya kung ito mismo ang magsabi sa kanya tungkol sa pag-aaway ng mga ito. Subalit lumipas nalang ang mga araw ay hindi talaga nag open topic Ang kanyang ate sa kanya kung ano man ang problema nito at ng asawa nito. Napansin din niya na parang nag iba ang relasyon ngayon ng kanyang ate at ni Kuya Darius. Para bang malamig na iyon, hindi tulad ng dati na makikita niya palagi ang mga ito na magkakatuwaan habang nag-uusap.
Araw iyon ng sabado kaya walang pasok si Sarah sa paaralan. Kung minsan ay may pasok din ang sabado at minsan naman ay nag oonline class lang din sila. Parang sumakit na rin ang ulo niya sa kursong kinuha. Sobrang hirap pala kung papagraduate kana dahil doon mo masusubukan lahat.
Nakita niyang maagang umalis si Kuya Darius at Ang sabi ni Nanay Perla ay bibisita ito sa beach nito sa batangas. Nakita naman niyang pumanhik Ang ate niya sa second floor. At alam na niyang sa balkonahe ito tatambay. Napansin din niyang parang hindi na magkasabay kumain ito at si Kuya Darius. Ano ba kaya talaga ang problema ng mga ito? Siguro'y mga two weeks na ang mga itong ganito. Parang nilihim lang ng mga ito kung ano ba talaga ang problemang dumating sa mga ito. Di na niya napipigilan, sinundan niya ang kanyang ate Leah sa second floor, sa may balkonahe. At natigilan pa siya nang maabutan ito roon na umiiyak.
" Ate?? bakit po? Ano pong nangyari?" Biglang tanong niya buhat sa likuran nito.
Halatang nagulat pa ito saglit sa kanyang presensya.
" Oh, Ikaw pala, Sarah." Sabi nitong madaling kinuha ang panyo at pinunasan agad ang mga mata at ang pisngi nitong nabasa sa luha.
" Ate, ano po bang problema niyo? matagal ko na po kayong napapansin ni Kuya Darius na may problema kayo." Malungkot niyang tanong rito.
" Tama ka, Sarah. May problema nga kami ni Kuya Darius mo. Hindi ko alam kung anong mga pagkukulang ko sa kanya. Ginawa ko naman ang lahat, Minahal ko siya, inaalagaan at binigyan ng mga anak pero parang nag-iba siya ngayon. Hindi tulad ng dati." Sabi naman ni Leah.
" Diba po, nag-aaway daw kayo, ate? Ano po palang pinag-awayan niyo? " Pangungusisa na talaga niya rito.
Parang saglit naman itong natigilan sa kanyang mga tanong.
" Nag-aaway?? sino may Sabi? H-hindi naman kami nag-aaway, Sarah. Siya lang talaga itong bigla nalang nagbago. At hindi ko alam kung bakit. Basta, hindi naman kami nag-aaway." Nauutal pang wika nito sa kanya.
Parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ng kanyang ate Leah. Para bang may itinago ito sa kanya. Sabi kasi ni Nanay Perla ay nag-aaway daw ito at si Kuya Darius ngunit ngayon sabihin naman nitong hindi daw ang mga ito nag-aaway. Pero makikita naman na walang imikan ang mga ito.
Samantala...
Nagulat pa si Darius nang bumisita siya sa kanyang hotel sa Metro Manila. Hindi na muna siya pupunta ng Batangas at nagbago ang kanyang isipan at bukas nalang siya bibisita roon. Nagulat siya nang Makita roon si Martina! si Martina ay Ang kanyang dating kasintahan na ipinagpalit naman siya sa ibang lalaki at dahil sa galit niya rito noon ay agad niya itong hiniwalayan at lumarga dito ng pilipinas. Nagkataon namang namasukan noon si Leah sa mansion bilang katulong at tinanggap niya ito at pagkatapos ay agad na niligawan. Ang gusto ni Darius na ibaling sa ibang babae ang kanyang atensyon upang makalimutan niya agad si Martina.Taga Espanya rin ito dahil tulad niya'y haft Spain din ang dating kasintahan. Iyon ang dahilan kung bakit nagdesisyon Siya agad na pakasalan noon si Leah kahit ang totoo'y hindi naman talaga niya mahal ito. At ngayon naman ay may malaking problema din silang mag-asawa. Kaya't wala na rin siyang ganang tumambay pa sa mansion. At ngayon, muli niyang nakaharap si Martina sa ilang taon na hindi sila nagkita nito. Hindi nakapagsalita si Darius habang nakatitig sa mapang-akit na mga tingin sa kanya ni Martina at sa kaseksihan nito.
" Hello dear, ¿Cómo estás, mi amor?" Malanding tanong nito sa kanya sa salitang Spain na ang ibig Sabihin ay 'kumusta ang mahal ko'
Napapailing si Darius. Hindi niya nagustohan ang presensya ng kanyang dating kasintahan. Wala na siyang gusto pa rito dahil matagal na siyang naka move on at Hindi na niya ito mahal kahit gaano pa ito ka ganda at ka seksi.
"¿Por qué estás aquí, Martina?" Tanong din niya sa salitang Spain na ang ibig sabihin ay bakit nandito ito.
" Because I miss you so much my dear. Nandito ako upang babawiin kita mula sa Asawa mo." Sabi pa nito at nagulat nalang si Darius nang agad siyang hinalikan ni Martina sa labi.