CHAPTER 1
PROLOGUE
Sa edad na 15 years old ni Sarah ay kapwa namatay sa Bus accident ang kanilang mga magulang kaya sila nalang dalawa ang natitira ng kanyang ate Leah. Mabuti nalang at nagka boy friend ang kanyang ate ng mayamang lalaki na si Mr. Darius Enriguez, isang kinilalang mayamang binata sa Lungsod ng San Fernando kung saan sila napadpad ng kanyang ate Leah, at hindi lang sa San Fernando kundi isa sa pinaka mayaman ang pamilya nito sa bansang Espanya. Isang haft Spain ito at pinalad ang ate niya at ito ang piniling pakasalan ni Mr. Enriquez. At siya'y pinapaaral din ng asawa nito. Naranasan nilang magkapatid ang marangyang pamumuhay kasama ang mayamang asawa nito, hangga't nagkaanak ang mga ito.
Akala ng kanyang Ate Leah na ganoon ka faithful rito ang asawa, ngunit isang araw ay nalaman na lang nitong may babae si Kuya Darius. At hindi iyon matanggap ng kanyang ate kaya ito'y nagdesisyong mag suicide.
Di niya halos matanggap Ang nangyari sa ate niya at labis na ikinalungkot niya ang lahat. Sa galit niya ay gusto na rin sana niyang lumayas na rin sa poder ng asawa ng kanyang ate Leah pagkatapos itong mailibing. Subalit naawa naman siya sa dalawang pamangkin na basta nalang niyang iiwan ang mga ito. Naisip niyang nawala na nga ang ina ng mga ito at siya nalang ang natitira para may magmamahal sa mga anak ng ate niya ngunit tatalikuran pa niya ang mga ito. Dahil don ay di niya nakayanang umalis at pilit siyang tumira parin sa poder ni Kuya Darius, kahit lihim niya itong kinasusuklaman dahil sa nangyari sa kanyang ate.
Ngunit habang tumatagal ay parang may kakaiba siyang mga kilos na napapansin kay Kuya Darius, isa na roon ang minsang malalagkit na mga titig nitong ipinukol sa kanya! Sobrang guwapo niito ngunit never siyang papatol sa asawa ng kanyang ate. Lalo na't ito ang dahilan kung bakit nagsuicide ang kapatid.
Isang gabi niyan ay gumawa siya ng project niya sa School, tinapos niya iyon bago siya pumanhik sa kanyang kuwarto. At pagpasok niya sa loob ay ganoon nalang ang gulat niya nang maabutang nasa loob ng kuwarto niya si Kuya Darius!
" K-kuya Darius!?" Gulat niyang sambit.
"Gusto kita, Sarah." Agad na sabi nito sa kanya.
Kaya sa gulat at takot niya rito ay muli siyang mabilis na lumabas ng kuwarto at tumakbo palayo roon!
CHAPTER 1
Kasalukuyang nakatira si Sarah ngayon sa bahay ng kanilang tiyahin sa Mexico Pampanga dahil mga tatlong buwan nang namatay sa Bus accident ang kanilang mga magulang. Kinuha siya ng kanyang ate Leah matapos mailibing ang kanilang mga magulang at dinala siya nito sa bahay ng kanilang tiyahin at doon siya nito pinatira habang patuloy naman ito sa pagtatrabaho nito bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya sa San Fernando. Doon kasi ito pumasok bilang katulong dahil nais itong tumulong sa kahirapan nila sa buhay. Subalit bigla nalang dumating ang trahedya sa kanilang pamilya at iyon ang kapwa pagkamatay ng kanilang mga magulang. Dalawa lamang silang magkapatid ng kanyang ate Leah at siya ay nag-aaral pa ngayon ng grade nine. Hanggang ngayon ay di pa siya nakaka move-on sa nangyari at lihim paring umiiyak sa tuwing maalala ang nangyari. Hindi pa naman niya gusto ang ugali ng bungangera niyang tiyahin kung saan siya ngayon nakatira. Ginawa siyang katulong roon at halos di na siya makapagpahinga sa dami ng mga utos nito sa kanya. Magdadalawang buwan na rin na hindi Siya dinalaw ng kanyang ate Leah at mas Lalo niyang ikinalulungkot iyon. Mahirap lang din ang pamumuhay ng kanyang tiyahin at lagi siyang pinariringgan nito. May tatlong anak din ito na kapwa nag-aaral.
" Hoy! Sarah! anong ginawa mo dito? bakit ka lang nakaupo? kumilos ka rito sa bahay! hindi ka seniorita rito! at ayoko sa mga batang tamad, naiintindihan mo ba!? Yung ate mo nga ay hindi pa naghahatid ng pera dito para sa budget mo! naku, anong ipapakain namin sa'yo rito? naghihirap na nga kami, dumagdag ka pa!" Biglang ratatat ang bibig na wika ng kanyang tiyahin nang maabutan siya nitong nakaupo sa ilalim ng punong kahoy sa tabi ng maliit na bahay ng mga ito. May upuang yari sa kawayan roon na magandang tambayan para sa mga tulad niyang nalulungkot sa buhay.
" N-naku, sorry po tiyang . Opo, kikilos na po ako." Sabi naman niya at tumayo agad.
Ngunit hindi siya agad nakaalis sa kinaroroonan nang makita niyang may paparating na magarang kotse sa kanilang kinaroroonan. Isang mamahaling Bentley car iyon na brand at talagang mga mayayaman lang ang makaka afford nito. Napanganga pa ang kanyang tiyahin at hindi nakakilos nang huminto ang nasabing kotse sa mismong tapat ng munting bahay nito.
Maganda ang kotse at kulay DArk blue iyon at bagong -bago pa. Lumabas mula roon ang guwapong lalaking Moreno at halatang mayaman ito. Matangkad ito at may tamang pangangatawan. Binuksan pa nito ang kabilang pinto ng kotse nito at pumanaog na rin mula roon ang kanyang ate Leah. Namangha siya sa nakita.
" Ate Leah!" Umiiyak na sigaw niya agad at tumakbo palapit rito.
" Sarah! sorry, ngayon lang nakabalik si ate. Pero kukunin na kita ngayon dito." Masayang wika ng kanyang ate Leah sa kanya.
Nanlaki pa ang mga mata ng kanilang tiyahin at nagtataka ito kung sino ang lalaking mayaman na kasama ng pamangking si Leah.
" Magandang tanghali po tiyang Marcia, kukunin na po namin ng magiging asawa ko ang kapatid ko rito." Sabi ni Leah sa tiyahin.
"Magiging asawa??" Kunot-noong ulit pa ng kanyang tiyahin.
" Yes po. Ako nga pala si Mr. Darius Enriquez. Ang amo ni Leah at ngayon ay magiging asawa na niya." Seryosong pakilala ni Mr. Enriquez sa tiyahin ni Leah.
Muling nanlaki ang mga mata ni Aling Marcia na makakapag-asawa na ng mayaman ang pamangkin nitong si Leah.
"Kung ganoon, salamat naman at makakapag-asawa ang pamangkin ko ng tulad po ninyo Sir!" Natuwang wika pa ng kanilang tiyahin.
"D-Darius, ito si Sarah ang kapatid ko." Sabi pa ni Leah sa amo niyang mapapangasawa na niya.
Nakatingin naman si Sarah sa lalaking mayaman na magiging asawa ng kanyang ate. Guwapong lalaki ito na parang katulad sa mga lalaking mayayaman na nakikita niya sa mga palabas sa Tv na mga Hollywood actor. mga pormal magsuot at elegante ang dating. Napatuon ang tingin nito sa kanya at ngumiti lang ito ng kunti. Parang nakadama naman siya ng hiya sa magiging asawa ng kanyang ate. Napaka swerte ng ate niya rito. At kung totoong pakakasalan nito ang ate Leah niya at kukunin siya ngayon ng mga ito ay hindi na sila maghihirap pa ng kanyang ate at hindi na rin siya magtitiis sa bahay ng kanilang tiyang Marcia.
" Naku, ano bang maidudulot ko sa inyong meryenda ng magiging asawa mo Leah? Halika po Sir, maupo muna kayo at ipagtitimpla ko kayo ng Juice.." Nababahalang wika pa ni Aling Marcia sa magiging asawa ni Leah.
"No, thanks, tiyang, Hindi ako mahilig sa Juice. Hindi na kami magtatagal ni Leah dahil may importante pa kasi akong lalakarin. Honey, aalis na tayo." Sabi pa ni Darius.
" Let's go, Sarah." Sabi pa ng ate Leah niya.
"Teka, kukunin ko pa yung mga gamit ko, ate." Sabi pa ni Sarah.
" Bilisan mo na. Baka mainip si Darius." Mahinang wika naman ng ate niya.
Kaya nagmamadali naman siyang pumanhik sa loob ng bahay ng kanilang tiyahin at deretsong binitbit ang kanyang bag na may lamang mga damit niya at ang isa pang bag na may laman na mga gamit niya sa School. Mabilis naman siyang nakabalik sa kinaroroonan ng ate Leah niya at ng mayamang mapapangasawa nito. Naabutan pa ni Sarah na may ibinigay na puting sobre si Mr. Darius Enriquez sa kanilang tiyahin. At sobrang tuwa ng tiyahin nila na tinanggap iyon.
" Naku, salamat talaga, Sir! sana ay babalik pa po kayo ni Leah rito!" Malapad ang ngiting wika ni Aling Marcia.
At naunang sumakay na ng kotse nito ang magiging asawa ng kanyang ate Leah na Hindi na pinapansin pa ang mga sinasabi ng tiyahin nila. Parang nakadama naman si Leah ng hiya sa kanyang mapapangasawa dahil sa kanyang tiyahin.
" Sige, aalis na po kami tiyang, naghihintay na si Darius. At salamat po sa pag-aalaga saglit dito sa kapatid kong si Sarah." Paalam at sabi pa ni Leah sa kanilang tiyahin.
" Ay siyempre! laging busog yang Kapatid mo dito. Inaalagaan ko talaga yan." Sagot pa ng tiyahin nila.
" Oo nga po ate, lagi nga akong busog rito, laging busog sa trabaho." Sabad pa ni Sarah.
Namilog naman ang mga mata ni Aling Marcia.
" Ikaw'ng bata ka, ha." Sabi pa nito sa kanya na pinanlakihan siya ng mga mata.
" Hali kana nga, Sarah. Baka magagalit na si Darius. May importanteng pupuntahan pa iyan." Anang ate niya at hinila na siya.
" Good bye po tiyang!" Paalam pa ni Sarah sa kanyang tiyahin.
Tuloyang pumasok na nga sila sa kotse nito. Nasa back seat siya at ang ate niya ay nasa front seat ito, sa tabi ng mapapangasawa nito. Tahimik lang sila habang nagmamaneho si Mr. Darius Enriquez. At Hindi na narinig ni Sarah na nagkukuwentuhan ang mga ito. Kaya siya naman ay tahimik lang din sa likuran ng mga ito.
Mga twenty minutes din
ang byahe nila mula sa Mexico Pampanga patungong San Fernando. At namangha pa si Sarah sa laki ng bahay na pinasukan ng kotse ni Mr. Darius. Binuksan agad sila ng Guard na nakabantay sa malaking gate nito. Tingin niya'y tatlong palapag iyon at may malawak na bakuran at matataas na pader ng gate sa buong paligid nito.