Chapter 2:

1071 Words
"Ano ba Dhea ang pumasok diyan sa isip mo? At nagpadala ka sa tukso," naiinis kong palo sa ulo ko. Nang maalala ulit ang matitigas nitong mga braso. "Ang yummy naman kasi. Sino ba naman ang hindi maaakit?" sabi ko ulit sa sarili. Sabay palo ulit sa sarili. "Dhea. Dhea. Dhea ang tanga-tanga mo kasi," naiiyak ko sambit sa sarili pero walang luhang lumalabas. "Hoy! Bakla ka," palo sa'kin ng kaibigan nang lumapit ito sa table ko. "Ang baklang 'to," nanggugulat ba naman." "Hoy! Hoy! Babae ka kanina ka pa kasi tulala. Ano bang iniisip mo?" "Wala masakit lang ang ulo ko. May hang over pa yata ako," pagsisinungaling ko. "Ganun! Eh, saan ka naman nagpunta kagabi at bigla ka na lang nawala at hindi ka pa umuwi ng boardinghouse, umalis na lang kami wala ka pa rin?" Hindi ako makatingin rito ng deritso dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin rito. "N-nag-hotel na lang ako hindi na kasi kinaya ng katawan ko ang kalasingan," pagsisinungaling niya. Umiiwas ako ng tingin rito dahil alam akong hindi madaling mapaniwala ang baklang to. "Sure? Eh, sino ang kausap mong lalaki kagabi?" seryosong tanong nito. "Ah! 'Yun ba nakilala ko lang 'yun dun sa bar pero naghiwalay din kami kagad." "Maniwala! Baka siya ang kasama mo sa hotel?" Napalunok ako sa sinabi nito. "Ano'ng pinagsasabi mong baklang ka. Bumalik ka na nga sa table mo," inis kong tulak rito. "Hahaha. Nag-blublush siya, oh!" tukso nito. Sinuko mo na ba si bataan? Masarap ba? Malaki ba?" pang-iinis nito. "Tse! Tumigil ka. Kung ano-ano na ang iniisip mo." Dinig ko pa rin ang malakas na tawa nito. Maghapon kong ibinuhos ang oras sa trabaho dahil gusto ko munang kalimutan ang mga nangyari. Kahit pa minsan-minsan sumasagi pa rin sa isip ko ang mukha ng lalaking nakasama ko kagabi. "Hindi ko man lang maalala ang pangalan niya," mahabang buntonghininga ko. "Hindi na talaga ako iinom, pangako 'yan. Baka ano pa ang magagawa ko sa susunod na malasing ako." Makalipas ang isang linggo. Unti - unti ko na ring nakakalimutan ang mga nangyari. *** "Sandra! Cancel all may appointments for today. May importante akong pupuntahan," utos ni Red sa kanyang secretary. Hawak niya ang Id ko na naiwan ko, nang gabing dinala niya ako sa bahay niya. Pinag-isipan niya itong mabuti. Simula kasi ng araw na makita ako ng anak niyang si Dre ang akala nito nagbalik na ang Mommy niya. Dahil magkamukhang-magkamukha kami nito. Simula ng araw na 'yun naging matamlay na palagi ang anak niya. Kaya ipinako niya rito na gagawin niya ang lahat na bumalik ang Mommy niya. Isa lang naisip niya ang alukin ako na magpanggap na ina ng mga ito. "Halika ka na Dhea sumama ka na," aya ulit sa kanya ng mga katrabaho. "Pass lang muna ako ngayon, sa susunod na lang." "Dhea Santos?” Tawag sa'kin ng isang lalaki. Hinanap ko kung sino ang tumatawag sa pangalan ko. Nang biglang lumapit ito sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makilala ito. "Remember me?" tanong nito. "Kaya pala ayaw sumama may ka-date," masayang sabi ni Fil. Sinusungitan ko ang mga ito. "Bye beshe," singgit ng nga mga ito. "Pakilala mo kami sa susunod ha." "Halina kayo at iwan na natin si Manang para magka-boyfriend na 'yan," ani ni Fil at sabay na nagtawanan ng mga ito. Napakunot ang noo ko sa sinabi ng kaibigan. Nakaramdam kasi ako ng hiya sa kaharap nito. "Excuse me. I don't have more time?" galit na saad nito. Napataas ang kilay ko sa inasal nito. "Well. I don't have more time either," mataray kong sagot, saka tinalikuran ito. "I'm sorry, miss. Look, I'm," habol na tawag nito. Ipinag-cross ko ang mga braso ko at iniharap ito habang nakataas ang mga kilay ko. "Im sorry. Can we talk somewhere?" saad nito. Mas lalong tumaas ang kilay ko. "We will just talk I swear,” mabilis na sabi nito nang maintindihan ang ibig kong sabihin. "For what? Tell me then." "I just want to discuss something with you. Not here, maybe with some coffee?" Napaisip muna ako. "Okey." "So let's go,” aya nito sabay bukas sa pinto ng kotse nito. Dinala naman ako nito sa isang malapit na coffee shop sa pinagtratrabahuan ko. "So, ano ang kailangan mong sabihin sa akin?" putol ko sa katahimikan namin. Kahit na halos sumabog ng dibdib ko sa gaba. "Please pretend as a mother to my children," deritsong sabi nito. "What?" gulat na sabi ko. Halos mabuhusan ako ng kapeng hawak ko. Seryoso pa rin ang itsura nito habang nakatitig sa'kin. "Name your price?" "Hah!" malakas kong buntonghininga sa inis. "Ang kapal rin naman ng mukha mo noh? Sa tingin mo ba mabibili ko ko?" "Bakit? Wala bang hindi nabibili ang pera?" seryoso pa rin ito. Nanigas ang bagang konsa inis. "Sayang ang gwapo mo pa naman. Pero ang pangit ng ugali mo," bulong ko sa sarili. "What did you say?" kunot noong saad nito. Tumaas ang kilay ko ulit. "Ang sabi ko, hindi lahat nabibili ng pera. Kung dinala mo ako rito para insultuhin mo. I'de rather leave, baka mawalan pa ako ng respeto sa sarili ko at mapatulan ko ang isang walang modong katulad mo," sabay talikod rito. "Dhea wait," tawag nito. Pero hindi ko na ito nilingon pa at padabog na iniwan ito. "Hmm! Nakakainis ka, kung hindi ka lang sana gwapo binatukan na kita," inis na inis na saad ko. Habang nasa labas na ako ng Coffee Shop. "Dhea," dinig kong tawag niya sa pangalan ko. Pero hindi na ito nilingon pa. Nasa harap ko na ito ngayon sakay ng sasakyan nito. Pero tumalikod ako at dinedma lang ito. "Please, let's talk again. Okay, I'm sorry," hingi ng tawad nito. "No, thank you, wala akong balak makipagusap sa isang tulad mo." "Please, just here me out this time. Tell me what you want?" sabi nitong nakasunod sa'kin habang sakay ng sasakyan nito. Napasinghap ako sa inis dito. "Sa tingin mo ba talaga mabibili mo ako ng pera mo. Pwes nagkakamali ka dahil hindi ako katulad ng iniisip mo. Dahil kaya kung kumita ng pera na pinaghihirapan ko." "Okay. Okay. I'm sorry, I didn't meant to offent you." "Sorry ka rin, humanap ka na lang ng iba dahil wala akong balak na makipagsundo sayo. Bye." Sabay sakay ko ng taxi nang may mapadaan. Nagbabaga sa inis si Red sa ginawang pagtanggi ni Dhea sa alok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD