Chapter 3:

1350 Words
Isang nagtataasang kilay ng mga kaibigan kobang sumalubong sa'kin nang papaupo na akobng cubicle ko. "Ano ang ganap?" excited na tanong ng kaibigan kong si Fil. "Ano'ng ganap na naman ba ang iniisip mong bakla ka?" naiinis na sagot ko rito dahil ayaw kong maalala ang pangbabastos ng lalaking 'yun kahapon. "Oo nga naman Dhea ang gwapo kaya nang sumundo sa'yo kahapon. Jowa mo?" kinikilig na tanong naman ni Mia. "Isa ka pa, tigilan niyo ako ha! hindi ko boyfriend ang lalaking 'yun." "Weh?" ang sabi ni Fil, dahil hindi ito naniniwala sa sinasabi ko. "Oo nga! Hindi ko boyfriend ang walang mudong lalaking 'yun at never ever akong magkakagusto sa bastos na 'yun." "Weh!" sabay na sabi ng dalawa pagkatapos malakas na nagtawanan ang mga ito. "Maniwala kami sa'yo. Hindi man lang ba nalaglag ang panty mo kapag nakikita siya? Napaka-yummy niya kaya," pagpapatuloy ni Fil. Mahilig talaga akong inisin ng kaibigan kong ito. Napayuko ako bigla nang maalaala ang mga nangyari dahil parang uminit ang pisngi ko.. "No! Hindi ko siya type," pag-dedeny ko. Pero ang totoo para akong natutunaw kapag nakikita ito lalo na kapag naaalala ang mga nangyari sa'min. Nagtaasan ang kilay nang mga ito pagkatapos bumulahak ng tawa. "Hahahaha" "Alam ko na binasted ka na naman," pang-iinis na sabi ni Fil. "Hahaha," malakas na tawanan ulit ng dalawa. "Siguro. Kaya galit na galit baka na disappoint. Grasya na naging bato pa. Hahaha," dugtong pa ni Mia." Naiinis na talaga ako sa mga ito. Hindi kobalam kung bakit ko naging kaibigan ang mga ito. Kung pwede lang sanang ibenta ang kaibigan ebeninta ko na ito. Natigil lang ang pang-aasar ng mga ito nang tawagin ako ng boss namin. "Ms. Santos to my office please," sabi nito. Nagulat kami lahat kasi personal akong tinawag ng boss namin. "Yes sir," mabilis kong sagot. Bago ako umalis dumila ako sa mga ito. "Mainggit kayo dahil masusulo ko si sir Clyde," bulong ko sa mga ito. Sinimangutan naman ako ng mga ito. Napangiti lang ako sa naging reaksyon ng mga ito. Kahit papano nakaganti ako sa mga kaibigan. Ganun lang naman kasi kamibkung magbiruan wala lang personalan. Crush kasi ng buong opisina ang sir Clyde. Masyado kasi itong hot at hindi rin ito suplado. Lihim rin akong humahanga dahil sa kakisigan at syempre plus point na ang kagwapuhan nito. Knock. knock. Katok ko sa opisina ni sir Clyde. "Pasok," dinig kong sabi nito. Kinakabahan man dahil ito ang unang pagkakataon na masusulo ang boss. Linakasan ko ang loob. "Huh!" malakas kong buntonghininga at saka mabilis na pumasok sa loob. "Have a seat Ms. Santos," utos nito nang makita ako. Napadako ang tingin ko sa isang lalaki na nakaharap sa boss ko. Napakalapad ng likod nito at parang ang tigas-tigas. Lumapit ako sa mga ito. Nagulat ako nang makilala kung sino ang bisita ng boss ko. Seryoso lang itong nakatitig sa'kin mukhang hindi nagulat na makita ako doon. "Dhea met Red Villigas. And Red this is Dhea Santos, one of our top employees here in the office." "Ikaw?" gulat na saad ko. Magkahalong kaba at inis ang naramdaman ko nang makita ito ulit. Seryoso lang itong nakatitig sa'kin. "Magkakilala na ba kayo?" takang tanong ni Clyde. "Yes, she's the one I'm talking about,” seryosong sagot nito. "Ano bang kailangan mo at nandito ka? "I just want to talk to you." "Hindi ba't sinabi ko na sa'yong hindi mo 'ko mabibili." "Sigurado ka ba? Baka you want a bigger price. I already told you name your price. Money is not an issue." "Nakakaloka ka talaga. For your information Mr. Villigas. Kahit mahirap lang kami hindi ako pinalaki sa luho kaya marunong akong makuntento kung ano'ng mayroon ako." "Let see," seryosong sagot nito. Gusto ko sanang sugurin at pagsasampalin ito nagpipigil lang ako baka masisante pa ako sa trabaho. "Is this part of your plan Mr. Villigas? Na kumbinsihin ang boss ko para pumayag sa kalokohan mo." "Why not?" seryosong sabi nito. "That's enough you two," saway ni Clyde sa sagutan nila. "Dhea please calm down. Maupo ka muna,” utos ni Clyde. Bigla kong aalala na hindi man lang ako nakaupo dahil sa inis nang makita ito. Kaya padabog akong naupo at ipinag-cross ang mga kamay. "Red, can we talk for a minute?" aya ni Clyde kay Red. Tumayo ang mga ito at parang seryoso ang pinag-uusapan. "She is so stubborn. Ngayon lang may sumagot sa'kin ng ganito at ngayon lang ako nahihirapan na makuha ang gusto ko and that's make me so angry," sabi ni Red. "Red, hindi mo talaga mapapayag kapag ganyan ang ginawa mong pakikipag-usap. As far as I know, Dhea was far different from what you think she is. Just let me do the talking, I will do whatever I can do to help you, so calm down." Napabuntonghininga ito nang malalim. Tumingin sa kinauupuan ko pero, inismiran ko ito. "Okay, pero kung hindi pa rin siya pumayag. I will do my own way para mapapayag siya." "Okey. okey," sabi ni Clyde. "Dhea, Red told me sa alok niya sa'yo." "Sir Clyde naman pati ba naman kayo nagpapauto sa lalaking yan?" "He is a friend of mine, Dhea I know his reasons." "Sir." "Just hear me out this one, please," sabi nito, samantalang seryoso lang na nakikinig si Red sa kanila. Napasimangot ako at napasinghap sa inis. "Fine! But don't think na papayag ako kapag narinig ko ang mga sasabihin niyo." Tumango si Clyde. "Red had 2 kids, Danna 10 and Dre 5. Dre was still in shock after makita ka niya ulit." Napahawak ako sa dibdib at nakaramdam ng guilt. "Ako ba talaga may kasalanan? Bakit?" tanong ng isip ko. "Hindi na ito makausap ulit. Just like what happened 3 years ago when his mom left," patuloy pa nito. "Wait. What?" Tumango lang si Clyde bilang sagot. Napabuntonghininga akk nang malalim. "Bakit? Saan ba nagpunta ang Mommy nila?" curious kong tanong. "You have no rights to ask personal questions," saad ni Red. Tinarayan ko ito. "Teka. teka," sabi ko. Naguguluhan na kasi ako. Bakit naging kasalanan ko ang nangyari sa bata? At bakit naman niya masasabing ako ang Mommy niya?" "That's Dime Villigas, 26 years of age," sabi ni Clyde pagkatapos iabot sa'kin ang isang larawan. Gulat na gulat ako nang makita ang itsura ng nasa larawan. "She looks just like me." Ang mata ang hugis ng ilong ay kuhang -kuha sa itsura ko. Pero mas maputi ito, kulot at blonde ang buhok nito. Samantalang ako maputi naman pero wala sa kalahati ng nasa picture, mahaba at itim naman at straight ang buhok ko. It looks sophisticated. Samantalang ko pantalon lang ang kayang isuot. "Yes Dhea, kaya napagkamalan kang Mommy ni Dre." "Actually, not exactly just like you, "mariing sabi ni Red. "She is more beautiful, sophisticated and well educated than you as." Inismiran ko ito ulit, pero nasaktan ako sa sinabi nito. "Red," saway ni Clyde. Tumayo ito. "I don't have more time to waste," galit ng sabi nito. "Kung hindi siya pumayag tanggalin mo siya in an instant and let other company know na hindi siya tanggapin kapag nag-apply siya," seryosong sabi nito. Sabay talikod sa'min. "At sino ka naman para tanggalin ako ng ganun?" galit ding sabi ko rito. Humarap ito ulit sa'min na magkasalubong na ang kilay. "Dhea, he is also your boss. Our biggest investor and business partner ko sa kompanyang to." Halos mahulog ako sa kinauupuan sa sinabi ni Clyde. "Patay na," sigaw ng utak ko. Pero pinanindigan ko ang desisyon. Naaawa man ako sa bata. Hindi ko naman problema ang problema niya. "Then I'll resign," sabay tanggal sa ID na nakasabit sa leeg ko at inilagay sa mesa ni Clyde." Kumunot ang noo ni Red sa ginawa ko. "Dhea, pag-isipan mo muna ng mabuti," pigil sa kanya nito. "Nakapagdesisyon na po ako. Aalis po ako. Hindi ko po kayang apakan ang dignidad ko para sa pera lang at insultohin ng sino lang," saad ko habang mariin ako nakatitig kay Red na may nangingilig na luha sa mga mata ko. At mabigat ang mga paang iniwan ko ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD