PAGMULAT ng mata ay si Lai kaagad ang hinanap ko. Kung ano ang pwesto namin noong gabi ay ganoon pa rin nang magising ako. Ang magkaiba lang ay nasa loob ng t-shirt ko ang kamay at braso niya. Marahil dahil sa ginaw ay mas naghanap pa siya ng mainit na katawan. I reached for the aircon remote at hininaan na ang lamig nito. Dahil tulog pa si Lai ay hindi ako makagalaw. Ang kalahating katawan niya ay nakadapa pa rin sa’kin. Madilim pa rin sa silid namin kahit nakita ko sa cellphone kong nakapatong sa side table na alas-siete na ng umaga. Ang magkabilang bintana sa silid na iyon ay natatakpan ng makapal na kurtina na iniwan kong nakasara kaya’t madilim pa rin ang silid kahit araw na. I was about to replace the remote on the side table when she stirred and moved her hands inside my