CHAPTER 7

1625 Words
"Tita Ellen!" tili ni Trina patakbo pa itong lumapit at yumakap kay mama. Agad niyakap ni Mama Ellen si Trina na bakas rin ang tuwa sa mukha nang makita sila. "Kumusta ka na? Ang ganda ganda mo na, ah!" ani mama na hinaplos pa ang pisngi nito. "Hay naku! Palabiro ka pa rin hanggang ngayon, tita. But anyway thank you!" natatawang turan pa nito. "Ang mama at papa mo? Kumusta sila?" "Mom and dad are fine, tita. Oh! Hi, Cindy," bati niya sa akin na waring nagulat pa nang makita akong kasama nila mama. "Kilala mo rin pala 'yang si Cindy?" may bahid ng inis na sabi ni Mama Ellen at pairap pang nagbawi ng tingin sa akin. "Opo," magalang na sagot ni Trina dito. "I met her po sa binyag ng anak nila ni Leo," paliwanag nito. "Ate Trina, halika at mag ikot ikot tayo! Ibibili ako ni Kuya Leo ng damit, eh! Big time na ngayon 'yan!" ani Lesly pa at hinila na si Trina palayo sa amin. Tahimik pa rin si Leo nang lingunin ko. Kung kilala si Trina ng pamilya niya ibig sabihin kilala rin niya ito una pa lang. Pero bakit no'ng binyag ni Cherry ang pormal pormal ng pakikitungo ni Leo sa kanya na akala mo ay talagang bago lang silang magkakilala? Handa na sana akong kwestyunin siya ngunit naunahan agad ako ni mama. Hinila na rin nito pasunod si Leo kung saan naroon sina Lesly. Napabuntong hininga na lang ako at wala rin akong nagawa kundi sumunod na lang rin sa kanila "Talaga, ate?! Naku! Thank you!" tuwang tuwang sabi ni Lesly pa. "Wala 'yon! Basta mamili ka ng gusto mo at ako na ang bahala sa pagbabayad," Trina said. "Kasama naman ba ako d'yan?" singit ni Mama Ellen. "Oo naman po! Pili lang kayo ng gusto n'yo!" ani Trina na inakbayan pa si Mama Ellen. Excited na namili ng kani kanilang damit ang mag ina kasama si Tanner. Maging ang ibang mga kapatid ni Leo ay kinuhanan rin nila ng damit para ipasalubong. "Gusto mo bang bumili ng damit?" untag ni Leo sa pananahimik ko. "Hindi na. Marami pa naman akong damit sa bahay na hindi naisusuot," tanggi ko. "Matagal na kayong magkakilala ni Trina?" hindi na nakatiis na tanong ko. Natahimik si Leo na waring hindi alam kung ano ang dapat isagot sa akin. Nilingon pa niya ang gawi nila Lesly na nagkakasiyahan pa sa pagsusukat ng mga damit bago ako tinanguan ng marahan. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" "Kasi-" "Kuya, halika! Halika dali!" tawag ni Lesly kay Leo at hinila ito palayo sa akin. "Naku! Anak! Bagay na bagay 'to sa 'yo, oh!" saad ni Mama Ellen na itinapat pa sa dibdib ni Leo ang isang polo shirt. "Syempre dapat couple shirt sila ni Ate Trina, ma!" tuwang tuwang ani Lesly naman at itinapat rin sa harap ng dibdib ng ngiting ngiting si Trina ang polo shirt na kanyang hawak. Habang tinitingnan ko sila ay kumikirot ang puso ko. Nasasaktan ako dahil para bang invisible ako sa paningin ng ina at kapatid ni Leo. Pakiramdam ko ay pilit nilang pinaglalapit ang asawa ko at si Trina. At wala silang pakialam sa mararamdaman ko sa mga ginagawa nilang ito. Alanganing ngiti ang iginawad ni Trina nang masalubong niya ang aking mga mata. Agad siyang lumapit sa akin at itinabi ako kay Leo. "Get that couple shirt, Leo. It's suits you and to Cindy for sure!" "Pero, Ate Trina-" "Thank you, Trina," tugon ni Leo para hindi na makapagsalita pa si Lesly. Ito ang unang beses na narinig kong tawagin ni Leo sa first name nito si Trina. Naroon muli ang pakiramdam ko na parang may kung anong kakaiba sa pagbigkas ni Leo sa pangalan ng babaeng kaharap. Bago umuwi ay inaya kami ni Trina na kumain muna. Ayaw ko namang lumabas na bastos kaya kahit wala ako sa mood ay sumama pa rin ako. Gaya kanina ay parang may sariling mundo pa rin sina Lesly kasama si Trina. Katulad ko ay tahimik na rin si Leo habang kumakain. "Anak, kain nang kain! Pina order ko talaga ang mga paborito mong pagkain. Hindi talaga nakakalimutan ni Trina ang mga gusto mo!" nasisiyahang ani mama kay Leo. Napatingin ako sa lamesa namin at mga paborito nga ni Leo ang naroon. Iniluluto ko rin naman ang mga iyon sa bahay lalo na kung ganitong araw ng linggo at hindi kami lumalabas para mamasyal. Kasalukuyan kong nililinis ang mga feeding bottles ni Cherry nang yakapin ako ni Leo. "May problema ka ba?" malambing na tanong niya. "Naging kayo ba ni Trina noon?" direktang tanong ko sa kanya. Masama ang loob ko at iyon ang problema ko ngayon. "Kaibigan ko lang si Trina. Kasambahay nila si mama dati kaya madalas rin kami sa bahay nila noon," pahayag ni Leo. "Iba kasi ang nakikita ko. Iba ang nararamdaman ko," pag amin ko. Iniharap ako ni Leo sa kanya at pinaka titigan ng mabuti. "Cindy, mahal kita. Mahal ko kayo ng anak natin. Kayo ang buhay ko 'di ba?" madamdaming pahayag niya. "Magkaibigan lang kami ni Trina, okay. 'Wag ka ngang mag isip ng kung ano, hmm?" Niyakap pa niya ako ng mahigpit. "Dapat una pa lang sinabi mo na sa akin na magkaibigan kayo para hindi ako nabibigla kagaya kanina," nagtatampong sagot ko habang nakasandal sa kanyang dibdib. "Matagal kaming hindi nagkita kaya hindi ko alam kung paano ulit s'ya pakitunguhan," paliwanag niya. Nakaramdam ako ng kapanatagan dahil sa sinabing iyon ni Leo. Wala naman pala akong dapat ipag alala. Saka kilala ko ang asawa ko. Alam kong mahal niya ako, kami ni Cherry katulad ng lagi niyang sinasabi. Nararamdaman ko iyon kaya bahagyang naibsan ang pangamba ko. Takot yata ang tamang pakahulugan sa nararamdaman kong ito, eh! At hindi ko alam kung paraan saan ang takot na iyon. Dalawang linggo lang ang dumaan at narito ulit si Mama Ellen. Ngayon ay silang lahat na. May mga bag pang dala ang mga ito na ipinagtaka ko. "Anong oras ang uwi ni Leo?" matabang na tanong ni Mama Ellen sa akin. "Pauwi na daw po s'ya," ani ko matapos sulyapan ang relo. Nag text kasi si Leo kanina bago sila dumating na pauwi na raw siya kaya nagluto na ako ng maaga para sa hapunan. "Pumili na kayo ng mga kwarto n'yo sa itaas! Bilis bilisan n'yo at kakain na!" utos ni mama sa mga anak. Napatayo ako sa aking narinig. Sabi ko na nga ba at iba ang kutob ko sa mga bag nilang dala. "Ma, alam na po ba ni Leo 'to?" "Sasabihin ko pa lang pagdating n'ya!" mataray na sagot niya sa akin. "Hindi naman ako matatanggihan ng anak ko 'no!" aniya pa sabay irap sa akin at sumunod na sa mga anak sa itaas. Sumakit bigla ang ulo ko. Para akong hilung hilo sa biglaang nangyayari. "Huh!" bulalas ko sabay paypay ko ng aking dalawang palad sa tapat ng aking mukha dahil bigla rin akong pinagpawisan. "Nandito na 'ko!" tawag ni Leo mula sa labas ng bahay. Hindi ako makatayo dahil sa sama ng aking pakiramdam kaya hinintay ko na lang siyang makapasok dito sa loob ng bahay. "Kumusta?" nakangiting tanong niya matapos hagkan ang aking noo. "Masama ba ang pakiramdam mo? Namumutla ka?" "Sina mama kasi-" "Kuya!" sigaw nina Elsa at Arvie habang pababa ng hagdan. "Oh! Anong ginagawa n'yo dito? gulat na tanong niya sa dalawang kapatid nang salubungin niya ng yakap ang mga ito. "Ang ganda ganda po talaga ng bahay n'yo, kuya!" ani Arvie na tuwang tuwang pa. "Kuya, sabi ni mama dito na daw kami titira!" sabi naman ni Elsa na bakas ang pag asa na pumayag ang kanyang kuya. "Nasaan si mama?" tanong niya sa dalawa. "Nasa taas po," si Elsa. "Lesly, bumaba na tayo para makakain na! Gutom na talaga ako!" Napaangat ang tingin naming pareho ni Leo nang marinig ang boses ni Mama Ellen. "Leo! Anak!" Nagmamadaling bumaba si mama ng hagdanan. "Naku! Kanina ka pa ba? Cindy, aba'y asikasuhin mo naman ang anak ko! Galing pa ito sa trabaho, oh! Ano ka ba?!" litanya nito sa akin. "Bakit kayo nandito?" "Dito na kami titira, anak," nakangiting ani mama na hinimas himas pa ang braso ni Leo. "Pwede naman kaming tumira dito 'di ba?" Muli ay nilingon ako ni Leo. At sa paulit ulit na gipit na sitwasyon ay sa akin na naman siya humihingi ng permiso. Nakikita ko sa kanyang mga matang nahihirapan rin siya. "Ano? Si Cindy na naman?!" siring ni Mama Ellen. "Si Cindy na naman ang may say dito?! Hoy! Leo, ikaw ang may karapatan sa bahay na 'to dahil ikaw ang nagtatrabaho at nag aakyat ng pera dito! Kaya karapatan mong magpatira ng kahit na sino lalo na kaming pamilya mo!" "Ma, hindi n'yo kasi naiintindihan," ani Leo kay mama na hindi naman pinakinggan nito. "Hoy, Cindy! 'Wag mong ina-under ang anak ko, ha!" Duro ni Mama Ellen sa akin. "Akala mo kung sino ka! Hoy! Palamunin ka lang rin ng anak ko kaya 'wag mong mahawak hawakan sa leeg 'to!" "Hindi ko naman po-" "Hindi! Talaga? Hindi!" nandidilat na sigaw nito. "Eh, bawat kibot sa 'yo nakatingin na para bang ikaw ang may ari ng bahay! Ng pera! Sa ayaw at sa gusto mo! Dito kami titira ng mga kapatid n'ya! Wala kang karapatan dahil kami pa rin ang pamilya at sampid ka lang!" Tumulo isa isa ang mga luha ko. Hindi dahil sa inaaway ako ng mama ni Leo kundi dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Ganoon rin ang sinabi ni Tiyo Bart sa akin noon. Ang step father kong mainit ang dugo palagi sa akin. Wala akong karapatan dahil sampid lang ako sa pamilyang binubuo nila ni mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD