Bago pa man mawala sa sarili si Alken ay kaagad na siyang lumabas ng silid ni Priya. Uminit ang katawan niya at nababahala siya na baka hindi na nga niya magawang pigilan ang sarili kung magtatagal pa siya roon. Aktibo ang s*x life niya noong mga panahon na kasama niya pa ang asawa. At matagal na niyang hindi nagagawa ang mga bagay na iyon simula ng mamatay ang asawa niya. Maraming babaeng lumalapit at inaaakit siya pero hindi iyon tumalab sa kaniya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ang lakas ng epekto ni Priya sa kaniya kahit wala naman itong ginagawa. Alam ni Alken na namumula na ang magkabila niyang mga pisngi at lihim siyang nagpapasalamat dahilhindi 'yon napansin ni Priya dahil nakatuon ito sa galit sa kaniya. Napapailing na lamang siya dahil para siyang harap-h