"Bingi ka ba?! Sino'ng nagsabi sa 'yong pumasok ka rito ng hindi ko sinasabi?" tanong nitong ulit sa akin at mas diniinan pa ang pagkakasabi ng hindi ako kaagad nakasagot sa kaniya. "Kumatok ako… kanina pa. Pero wala kasing sumasagot kaya naisipan ko na lang na pumasok… ilalagay ko sana sa mesa kaya lang…" natataranta nitong paliwanag at hindi matapos-tapos ang kaniyang sasabihin. Lalo pa at sobrang sama nang tingin nito sa kaniya ngayon. Inayos ni Priya ang tayo niya at pilit na pinapakalma ang sarili kahit ang totoo ay nanginginig na ang kaniyang mga tuhod sa takot. Lakas loob siyang nagtanong sa binata at pilit na tinatago ang takot. "Bakit ka ba nagagalit? Akala ko ba ikaw ang nag-utos kay Ante Nancy na paakyatin ako. Ginawa ko lang naman ang inutos mo sa akin," sabi niya at