Encounter

1562 Words
IRIS: EXCITED AKONG nag-book ng flight palipad ng US kung saan nakatira si Liam Johnson. Ang fiancee ko. Kahit arrange-marriage lang ang magaganap sa amin dahil sa business connection ng aming pamilya ay natuunan ko naman na itong mahalin kahit na ba LDR ang relasyon namin sa loob ng apat na taon! Sixteen kami pareho nang ma-engaged kami at hindi na tumutol dahil unang kita pa lang namin sa isa't-isa ay ramdam namin ang connection sa aming dalawa. Graduating na rin ito kaya naman napaka-busy ng schedule nitong halos hindi na ako magawang i-message. Bagay na hindi naman niya gawain dati. Na ultimo ang anniversary namin ngayong araw ay hindi na nito naalala. Napapabuga ako ng hangin para maibsan ang kabang naghahari sa puso ko habang nakatayo dito sa labas ng penthouse nito sa Hera Palace. Magkatabi lang ang penthouse namin dito at may access naman ako sa kanya kaya malaya akong maglabas pasok dito sa kanyang penthouse. Mariin kong nakagat ang ibabang labi at binuksan ang pinto gamit ang access card ko. Napangiti akong nag-click agad ito hudyat na bukas na ang pinto. Maingat bawat hakbang kong pumasok na nagtungo sa kusina nito para ihanda ang dala kong chocolate cake at sunflower bouquet pero natuod nang malingunan ito sa sala.....na may ibang babaeng kasama at kasalukuyang binabayo!? "Ahhhh! Ahhhh! More, baby! More please!" halinghing ng babaeng nakatuwad dito! Nakasubsob ang mukha sa sofa habang mabilis namang binabayo ni Liam ito mula sa likuran! Wala sa sariling nabitawan ko ang dala ko kasabay ng pagtulo ng luha kong nakamata sa mga itong natigilan sa kanilang ginagawa at namilog ang mga matang napatitig sa akin! "Fvck! Honey?! What are you doing here!?" gimbal na bulalas nitong kaagad hinugot ang kanya sa babaeng napapairap pa sa akin. Dinampot nito ang boxer na nagkalat sa sahig at agad sinuot bago lumapit sa akin! Napailing ako ditong panay ang pagtulo ng luhang ikinalamlam ng kanyang mga mata. "Iris," mahinang sambit nitong akmang papahirin ang luha kong agad kong tinabig ang kamay. Natigilan itong bakas ang guilt sa mukha na naiiyak na ring nakipagtitigan sa aking napapailing dito. "How. Dare. You." madiing asik ko dito na magkasunod na ginawaran ng sampal! Nanginginig ang katawan ko sa sobrang galit sa mga oras na 'to para dito! Kaagad din namang lumabas ang babaeng katalik lang nito kanina matapos magbihis. "I'm sorry." "Your sorry?" sarkastikong ulit ko. Namula ito na pinangilidan ng luha. Mapakla akong natawa na pinahid ang luha. "Wow. I came here to surprise you, Liam Johnson but.....I was the who surprised!?" bulalas ko na pinalakpakan ito. Yong palakpak na hindi natutuwa kundi, nang-uuyam. "I'm sorry. I'm still a man, Iris." Napangisi akong tinignan ito mula ulo hanggang paa na napapailing. "You're a man? Are you sure, Liam?" pang-uuyam ko. "Ang tunay na lalake, hindi nababase sa dami ng babaeng pinapaligaya niya, Liam. Kundi kayang manindigan sa kanyang salita at mga pangako sa iisang babae lang!" bulyaw kong naduro-duro ito! Napaatras akong napailing dito na nabahalang napasunod din sa akin. "Mabuti na rin na ngayon pa lang ay nagloko ka na, Liam. Kung kailan, malapit na ang kasal natin. Atlis binigyan mo ako ng sapat na rason," saad ko na nang-uuyam ang tono. Napalunok ito ng iniangat ko ang kanang kamay na dahan-dahang hinubad ang diamond engagement ring kong ikinatanga at bagsak ng luha nito. "Para hindi na ituloy ang kasal natin. I. Quit" tuloy ko na basta na lang inihulog ang singsing na naglikha pa ng tunog sa sahig! "Iris. Please, honey. Don't do this. Hwag ka namang mag-backout sa kasal natin," pagsusumamo nitong napaluhod at niyakap ako sa baywang. Napatakip ako ng palad sa bibig na napahagulhol. "I'm sorry, honey. Nadala lang ako ng init ng katawan. I'm sorry. I'm sorry," napailing akong pilit binaklas ang mga braso nitong nakapulupot sa baywang ko. "It's too late, Liam. Hindi mo na mababago ang isip ko," pinal kong saad na pabalang binitawan ang mga kamay nito. "Iris," pakiusap nitong sambit sa pangalan ko. Napairap akong napailing dito na ginawaran ng nakakadiri at insultong tingin bago pumihit patalikod ditong tinungo ang pinto. Bawat hakbang ko palayo dito ay siya namang pagtulo ng aking luha. Para akong dinudurog sa mga sandaling ito na mapag-alamang nambababae pala ito dito kahit malapit na kaming ikasal! Matagal na pala niya akong ginagawang tanga ng hindi ko manlang nalalaman dahil sa aming pagkaka-LDR! Napatakip ko ng palad sa bibig na humahagulhol habang nakasandal ng elevator pababa ng lobby nitong building. Hindi niya manlang ako sinundan. Ang sama niya! Patakbo akong lumabas ng building at basta na lang pinaharurot ng kotse ko. Mabilis ang patakbo kong para akong nakasalang sa isang karerahan! Panay pa rin ng pagtulo ng luha kong hindi maubos-ubos lalo na't paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang senaryo na naabutan ko sa loob ng penthouse ng fiancee ko. Hindi ko lubos akalaing mangyayari ito sa amin ni Liam. Ni sa panaginip ay hindi ko ma-imagine na magagawa niyang magloko sa relationship namin. Napakataas ng tingin ko sa kanya. Napakalaki ng tiwalang ipinagkaloob ko dito. Dahil kahit naman dahil sa negosyo ng aming mga pamilya kami ikakasal ay natutunan ko pa rin naman itong mhalin kahit pa long distance relationship ang meron kami. Ni minsan ay hindi ako nakipaglandian sa iba. Dahil nirerespeto ko ang relationship naming dalawa. Pero lahat pala ng efforts at sacrifices ko ay mapupunta lang sa wala. Dahil ang inaakala kong matino at mapagkakatiwalaang lalakeng pag-aalayan ko pa lang ng katawan at pangakong panghabang-buhay na pagmamahal ay isa pa lang manloloko at katulad ng ibang lalake na hayok na hayok sa katawan! Mapait akong napangiti na napailing sa sarili habang nasa kahabaan ng highway at hindi alam kung saan patungo. Napabawas ako ng speed ng mapansing hindi na masyadong matao ang kalsadang tinatahak ko. Mukhang nakalabas ako ng city na hindi ko napapansin sa bilis ng pagmamaneho ko at pagkalutang ko sa mga nangyari ngayong araw! Napatigil ako sa isang resto bar na makitang bukas ito kahit tanghali pa lang at may mangilan-ngilan ring costumer na nag-iinuman. Pumarada ako sa harapan at inayos ang sarili bago lumabas ng kotse kong pumasok dito. Sanay naman ako sa mga resto sa tabi-tabi lang dahil kahit galing ako sa kilalang pamilya ay lagi kaming pinapaalalahanan ni daddy na manatili sa lupa nakatapak ang aming paa. Kaya mas nakasanayan ko pa ang simpleng buhay. Pumwesto ako sa pinakadulong bahagi ng bar at tinawag ang waiter. Nakangiti naman itong lumapit na may dalang menu. "Good day, Ma'am. Can I get your order, please?" anito na inabot sa akin ang menu at ni-ready ang note at ballpen nito. "Uhmm... vodka green apple flavor, please?" paglalambing ko. Ngumiti itong tumangong nagtungo sa may counter. Napanguso akong pasimpleng napalinga sa kabuoan nitong resto na pinasukan ko. Kita namang maayos ang lugar. May kaliitan pero nagkalat ang camera sa bawat sulok. Napapatango-tango tuloy ako. "Not bad." Maya pa'y lumapit na ang waiter dala ang order kong vodka. "Thank you for waiting, Ma'am. Here's your order," anito. Maingat nitong nilapag ang dalang isang boteng vodka, shoting glass at icecube na nakalagay sa bowl. "Thank you," tumango itong ngumiti na iniwanan na ako. Napanguso akong naglagay ng alak at ice sa baso ko. Napalingon naman ako sa harapan kung saan naka-set-up ang stage nila at mukhang may bandang kakanta pa para sa mga costumers. Nagkahiyawan tuloy ang lahat ng nandidito na pinalakpakan pa nila ang banda. Napasandal ako ng upuan ko na sumimsim sa alak kong nakamata sa singer na may nakasabit pang acoustic guitar sa kanyang balikat. Napailing akong napangisi na makilalang english love song pa ang tutugtugin ng mga itong halata namang mga kababayan ko. HOW COULD YOU SAY YOU LOVE ME by SARAH G. Nakamata lang ako sa mga ito na 'di namalayang tumutulo na pala ang luha ko habang nakikinig sa kanta. Pakiramdam ko kasi ay pinapatamaan ako sa mga sandaling ito lalo na't napakalamig at lambing ng boses ng lalakeng kumakanta sa harapan na akala mo nama'y may malaki ring pinaghuhugutan sa buhay! Napalunok akong napatitig sa mga mata nito nang aksidenteng magsalubong ang mga mata namin at parang nagka-magnet-an na tuloy na hindi maalis ang paningin sa isa't-isa! Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko na hindi ko maipaliwanag habang nakamata dito. Kaagad na akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy na lamang sa pag-inom. Napapangiti na lamang ako na nakikinig sa kanilang kanta na kay lulungkot pa talaga. Pakiramdam ko tuloy ay nananadya na ang mga ito sa pinagdadaanan kong pagkadurog ngayong araw na 'to! Napailing akong mapaklang natawa na sumagi na naman si Liam sa isip ko. Dahil sa nakita ko ay naglahong parang bula ang pagmamahal, tiwala at respeto ko dito. "Tissue, Miss?" napaangat ako ng tingin sa baritonong boses na nagsalita sa tabi ko. Napalunok akong napatitig dito at sa inaabot nitong tissue sa akin na agad kong dinampot at pinunasan ang sarili. Napataas ako ng kilay dito nang naupo na lang basta sa kaharap kong silya. "Ahem! Thank you." "Hiro Salongga," anito na naglahad ng palad. "Ang magiging hero ng buhay mo," kindat nito na may matamis na ngiti. Napataaskilay ako dito sa pagtatagalog nitong napangiwing kakamot-kamot sa batok. Akmang babawiin na sana nito ang kamay na agad kong tinanggap. Kapawa kami natigilan at sabay napalunok na napatitig sa magkahawak naming kamay na tila may kuryenteng gumagapang mula doon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD