CHAPTER 9

1435 Words
KNIGHT I cursed under my breath nang maalala ang nangyari kanina sa kwarto, nakapasok siya sa kwarto ko at nilinis ang higaan ko. Nakalimutan ko na naman atang ilock ang pinto ngunit kahit na ganun ay di naman siya pumapasok, napakahigpit ang hawak ko sa manibela ng maalala ang kanyang mga mata, mga matang kakagaling lang sa iyak. Pinagbuhatan ko na naman siya ng kamay, hindi ko nama iyong gustong gawin sa kanya pero tila hindi ko napipigilan ang aking galit dahil sa kanyang ginawa. Siya ang dahilan kung bakit hindi kami nagkatuluyan ng babaeng dapat ay nasa posisyon niya. Napabilis ang takbo ng aking sasakyan dahil sa galit na gusto ko ng isigaw kanina pa. Bakit ba ganito na lang ang poot ko sa kanya. Agad naman akong napapreno ng wala sa oras nang makita kong nag red light. “Dammit!” I cursed under my breath at bahagyang napa suntok sa manibela. Bahagya muna akong naghanap ng paparkingan para makapagrelax kahit konti lang, wala naman talaga akong meeting ngayon, rason ko lamang iyon kina nanang at Alana nang makaalis ako agad sa bahay na iyon. Hindi naman mahirap mahalin si Alana kung tutuusin pero bakit hindi ko ito magawa-gawa? I was about to start the engine when my phone rang and I look at the caller’s ID, it was an unknown number but I answered it anyway, baka isa ito sa mga importanteng tao sa kompanya. “Hello?” I answered, and I heard a voice of a woman and if I am not mistaken it’s Celestia. “Oh, hi sweetheart, are you busy today?” she purred in the other line. Alam ko kung saan na naman ito patungo. Isa nga siya sa mga kasosyo namin sa kompanya ngunit isa lamang siyang secretary ng isang kilalang CEO sa ibang bansa, I need to court her para makapirma at makakuha kami ng stocks at shares nila. “Hindi naman Celestia,” matipid kong sagot. “That’s great, so nandito ako ngayon sa isang coffee shop sa harap ng isang grocery store called SM yes, I don’t know what the name of this coffee shop, I didn’t bother kasi to check,” maarte niyang sagot sa phone. “Okay, I know that place. I’ll be there,” sagot ko at di na siya hinintay pang sumagot at pinatayan ko na agad siya ng tawag. *** Pagdating ng pagdating ko agad sa coffee shop ay agad ko siyang makita. At may nakaorder na pala sa aking kape, but I don’t bother to drink it anyway mas masarap parin ang timpla ni Alana ng kape kahit na sa anong coffee shop. ‘What the heck I am thinking,’ mura ko sa aking isipan bakit napunta na naman ako sa kanya. Nasa kalagitnaan na kami ng pag-uusap tungkol sa shares and stocks na makukuha namin nang may narinig akong malakas na busina. Agad namang napako ang aking mga mata kung saan galing iyon at nakita ko ang isang maliit na babae na para bang natatakot na palakad paalis sa harap ng sasakyang bumusina sa kanya at nang masilayan ko ang kanyang mukha ay kumabog ang aking dibdib. “Alana,” mahinang sambit ko at napangiwi nang biglang tumili ang babaeng nasa harapan ko. “Ahhh! look these makeups are on sale now, please would you mind samahan mo naman ako diyan sa SM para bilhin ito? I would die to get those!” tiling saad niya at naririndi na ako sa kakatili niya. ‘Is she okay? Bakit ba kasi tatanga tanga siya? Ano bang ginagawa niya? Ngayon lang siya nakalabas ng bahay tsk,” isip isip ko, bakit ba iniisip ko siya? What’s happening to me? Nang makapasok kami sa SM ay nagpalinga linga muna ako ng mga tingin dahil marahil ay nasa paligid lamag si Alana at di alam ang ginagawa, bakit ba kasi ang liit liit niya at ang hirap hanapin. Kasalukuyan na kaming nasa mag refreshments at tila gusto ko namang tanungin si Celestia kung ano ang ginagawa namin dito dahil akala ko ay makeup ang kanyang bibilhin ni hindi man lang siya nagsabi na mag go-grocery na lamang siya ginawa pa akong bodyguard and I hope this is all worth it para makuha ang pirma nila, darn kung di lang malaki ang makukuhang kompanya nila ay kanina niya pa ito tinapon sa basurahan. “Knight?” isang malamyos na boses ang biglang tumawag sa kanyang pangalan na agad naman niyang ikinalingon. “Oh sweetheart you know her?” tanong ni Celestia sa akin ngunit nakatingin parin kay Alana, gusto kong dukutin ang kanyang mga mata dahil tila ba natatakot si Alana sa kanya. Seriously bakit ako ganito ngayon. “Yes, that’s my maid,” mahinang sagot ko pero alam kong rinig ito ni Alana at kitang-kita sa kanyang mga mata ang sakit, mga matang lagi niyang nakikita kapag sila lamang ang nasa bahay ni minsan ay di niya na ito nakitang tumawa o ngumiti. Gusto kong magsisi sa sinabi ko o bawiin iyon agad but it’s too late. “Ah Sir Knight, naririto po pala kayo,” ngiting saad niya ngunit di abot sa kanyang mga mata. Tila ba kinakain ako ng konsensya ko dahil sa sinabi ko. “Yes, we were just going to get something, so if you may excuse us,” pagdadahilan ko dahil gusto ko ng umalis si Celestia sa kanyang harapan. “Ah sige po Sir, mag-ingat po kayo,” mahinang sambit niya at di ko na tinutugunan, ngunit agad namang nagpumiglas si celestia mula aking pagkakahawak sa kanya at nilingon si Alana. “Parang nakita na kita I don’t know where pero-,” agad naman akong kinabahan sa sinabi niya kaya agad din akong nakapag-isip ng rason. Napatingin ako kay Alana at alam kong kinakabahan din siya. “She’s the daughter of our maid, she’s not literally the one that I hired pero dahil narin sa tinutulungan niya ang kanyang ina sa bahay ay masasabi kong maid narin siya. Kaya baka nakikita mo siya noon kung saan saan,” pagpapaliwanag ko at tila naman naniniwala agad si Celestia na tumatango tango at yun narin and tamang timing para igiya siyang umalis. Ni hindi ko ng nagawan glingunin pa si Alana dahil baka magtaka si Celestia, I don’t know why but I suddenly wanted to approach and tell her I’m sorry but why the heck would I do that? Sinasaktan ko na nga siya tapos ganun makokonsensya ako? Ano bang nagyayari sa akin? Ilang oras rin kaming nagpaikot ikot sa mall at tila ba di napapagod si Celestia sa kakabili ng mga gamit na halos pare-pareho lang naman. Bigla kong naalala si Alana, she was used to be like this ngunit nung maikasal kami ay ni piso wala siya naigasta sa account ko. “Uhm Celestia I need to go, I have this urgent meeting and as much as I wanted to be with you-” “It’s okay sweetheart I can manage you;re such a sweetie, you care for me after all naman pala. And don’t worry about the contract, I will make sure that she will sign it and besides alam naman namin kung gaano kalaki ang inyong reputasyon,” saad niya at nilakbay ang kanyang mga kamay sa aking braso na agad ko naman iwinaksi at napatawa naman siya ng bahagya. “Nakakakuryente ba?” tawang dagdag niya at nginitian ko na lamang bilang sagot. *** Napagpasyahan kong umuwi na lamang ng bahay para i’check kung nakauwi ba siya ng maayos at nang pagbukasan ako ni nanang ng gate ay agad kong nakita ang isang blue ford na nakaparada sa harap. Ginamit niya pala ang kanyang sasakyan, ngayon lamang siya lumabas ng bahay at gumamit agad siya nito paano kung mabangga siya sa daan malaking problema na naman sa pamilya namin. Maybe I’ll get her a driver. “Oh iho ang aga mo naman ata,” bati ni nanang nang maisara na niya ang gate. “Ah opo maaga kasing natapos ang meeting, andiyan na po ba si Ash?” tanong ko, gusto ko sanang itanong si Alana ngunit baka magtaka naman si nanang. “Ah oo nasa loob na siya kasama si Alana sa kusina, masaya nga silang nagkukwentuha, magkakilala na pala sila noon pa. Hayun sila parang mga bata,” saad niya at di ko naman mapigilang di matahimik, agad ko naman siyang iniwan na walang imik-imik at agad na nagtungo sa kusina. Nakita ko siyang panay ang tawa sa kanilang usapan, napakaganda at kumikinang ang kanyang mga tawa at ngiti, expressions that I don’t see on her when she’s with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD