ALANA
Mag-aalas quatro palang ng umaga nang magising ako, hindi ko parin maialis sa isip ko ang mga sinabi niya kahapon. Concern ba siya sa akin o ayaw niya lang akong paalisin dito sa bahay? Mahal na ba niya ako?
“Stop it Alana pinapaasa mo na naman ang sarili mo,” usap ko sa aking sarili at napabuntong hininga na lamang. Kinuha ko ang isang maliit na remote sa lamesa at pinindot ito, gusto kong makita ang labas. Dahan dahang gumalaw ang kurtina at iniluwa nun ang madilim pa na kalangitan.
FLASHBACK
“Who said you’ll be working?” isang baritonong boses ang nagpakabog ng aking puso, kahit na hindi ko pa nililingon kung sino ang nagsalita ay alam ko kung kanina ito nanggaling.
“Hey bro,” bungad sa kanya ni Ash at kumaway. Naglakad naman siya papunta sa aming direksyong at humila ng upuan at umupo malapit sa akin. I don’t know if this is a part of pretending, mag pe-pretend na naman ba kami?
Ewan ko ba pero habang tumatagal ang pagpapanggap namin ay mas lalo akong nasasaktan but this is after all my choice, ako naman ang may kagustuhan nito nung una palang. Siguro nung una ay okay lang sa akin na magpanggap dahil kahit dun lang ay ramdam kong asawa ko siya at asawa niya ako pero habang tumatagal ay ayaw ko na. Katulad nalang ng nangyari sa grocery store, ipinakilala niya ako bilang isang katulong niya sa harap ng babae at sa publikong lugar, oo nasanay na ako kahit pa mismo dito sa loob ng bahay pero napatanong narin ako sa sarili ko, ikinahihiya niya ba ako? Hindi ba ako kasing ganda ng babaeng kasama niya? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko at ni minsan ay wala pang nangyayari sa amin? Ilang taon na kaming magkasama sa isang bubong at ni minsan ay di niya ako hinawakan sa kahit anong parte ng katawan ko. Siguro nga napaka unfair ko sa kanya dahil inilayo ko sya sa babaeng mahal niya noon.
“Andito ka na pala di ka man lang nagtext para nasundo kita,” bati niya na walang kahit na anumang emosyon sa kanyang mukha.
“I didn’t bother dahil alam kong busy ka kaya di na ako tumawag pa,” ngiting sagot niya bago nagsubo ng pagkain sa kanyang bibig.
“Gusto mo bang kumain? I’ll get you a plate,” saad ko at akma ng bababa sa aking upuan nang bigla niya akong pigilan.
“Ako na,” saad niya at umalis sa kanyang upuan at kumuha ng kanyang sariling plato, kutsara at tinidor.
“How’s your flight?” tanong ni Knight habang kumukuha ng pagkain sa mesa.
“Well, as always nakakapagod kahit na nasa first class ako. Panay balik kasi nung mga flight attendants sa akin,” biro niya at di ko naman mapigilang di matawa at di ko mapiglang di mapatingin kay Knight dahil nakakunot noo na naman ito.
“Swerte mo kaya Ash kasi magaganda ang mga flight attendants ayaw mo nun,” tawang saad ko at napatawa naman din siya at tila ba si Knight lang ang di natawa at ang buong atensyon niya ay nasa kanyang pagkain lang ngunit di naman niya ito ginagalaw.
“No way mas maganda ka pa kaysa sa kanila,” ngiting saad niya at tila ba namula naman ako sa kanyang sinabi, kahit kailan kasi hindi pa ako nasabihan na maganda ako, oo siguro mga kaibigan ko sinasabihan ako pero iba parin pala pag lalaki na ang nagsabi sayo.
“So who said you’ll be working?” pag-iibang topic ni Knight at tila naman natigilan kaming dalawa ni Ash sa kakatawa.
Dahan dahan ko namang ibinaba ang aking kutsara at bahagyang hinarap siya.
“Gusto ko sanang magtrabaho sa kompanya natin since wala naman akong ginagawa dito sa bahay Knight. Uhm sasabihin ko naman sana sayo mamaya pero sinabihan ko naman si dad about dito and he is okay with it,” gusto kong maging proud sa sarili ko dahil hindi man lang ako nautal kahit isang salita ngunit nasa tono ko parin ang kaba.
“Wala naman siguro akong magagawa kung nasabi mo na sa daddy mo, I’ll expect a call from him. Okay, magiging bukal sa kalooban ko ang desisyon mo kapag ang trabaho mo sa kompanya ay ang maging sekretarya ko,” saad niya at dahan-dahang tinitigan ako sa mga mata pagkasabi niya ng huling salita.
“Magiging secretary niya ako, magtatrabaho ako sa kompanya namin, magiging secretary niya ako, magtatrabaho ako sa kompanya namin” paulit ulit kong saad na para bang baliw na nakatanaw sa kawalan. indi parin kasi maproseso ng utak ko ang mga katagang yun. Kilala ako ng mga empleyado namin sa kompanya by picture at ilang aton narin yun marami ng nagbago ngunit di nila alam na asawa ko si Knight. Walang nakakaalam nun dahil narin sa kagustuhan ni Knight, labag yun sa kalooban ng aking mga magulang at pati narin mga magulang ni Knight ay walang patid ang paumanhin ngunit sa kagustuhan kung maikasal sa kanya ay pumayag ako sa kanyang kondisyon.
Papasok ako sa kompanya bilang isang secretary niya. Hindi kaya magtatanong ang empleyado dun dahil hindi man alng ako dumaan sa HR office para mag-apply? Kausapin ko kaya muna si Knight tungkol dito? o hindi nalang.
***
Dahan dahan akong bumangon sa higaan at inayos ito. Magluluto na lamang ako ng agahan o magbake ng tinapay para sa almusal at gumawa ng leche flan. Oo yun analang muna ang mas maigi kong gagawin, sa susunod pa naman na araw ako magsisimula kaya no stress na muna ako ngayon. Wala si Ash kagabi kaya malaya akong natulog sa kabilang kwarto, medyo nanlumo ako konti dahil yun na sana ang pagkakataon upang magkasama kaming muli ni Knight sa iisang kwarto. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kung ano-ano nalang ang pinag-iisip ko, hindi naman hahayaan ni Knight namagkasama kamming muli sa iisang kwarto. Nasa kusina na pala ako ng di ko namamalayan, occupied na occupied talaga ang isipan ko kaya mas mabuti pag magba-bake na lamang ako.
Napatalon ako sa takot at napatili nang may makitang lalaking nakatalikod sa harapan ng ref agad naman itong humarap at tila nagulat din. Agad ko namang kinapa ang switch ng ilaw at ini-on ito.
“Ash?!”
“Alana sorry natakot ba kita?’ tila nag-aalalang tanong niya at lumapit agad sa aking direksyon.
“Oo natakot mo akong ng bongga di naman tayo nagtiitpid sa kuryente Ash bat hindi mo man lang ini-on ang ilaw, lalabas ang puso ko sayo,” saad ko at tila naman natawa siya sa sinabi ko at nahawa naman ako sa kanya, napahampas tuloy ako sa kanyang braso.
“Edi kukunin ko, sa akin na puso mo,” tawang saad niya at tila naman natigilan ako.
“Ito naman joke lang,” dagdag niya at agad na tumalikod.