ALANA
"I've been there sa kinatatayuan mo iha, that is why I want to help you. Look at me, I'm getting old and I'm not happy dahil sinunod ko ang puso ko kasi mahal ko 'yong tao. Hanggang sa tumanda na lang ako 'di ko naramdaman ang mahalin. Pero kahit na ganoon hindi na rin ako nagsisisi kasi choice ko ito at lalo akong magsisisi kapag hindi kita ginabayan. I know how much you love Knight kitang-kita naman sa mga mata mo but please love yourself more. Ibang-iba na ang hitsura mo ngayon kaysa sa dati mahalin mo ang sarili mo. Paano na lang kung makikita ka ng papa mo? Gusto mo ba 'yon? Kung hindi mo pa gustong mapahiwalay kay Knight fix yourself pero kapag hindi mo na kaya you know to reach me iha," malumanay na saad niya.
Naririto na kami ngayon nakaupo sa sa hardin at humihigop ng kape. Panay naman ang hila ko pababa ng aking long sleeve na siya namang hindi maiwasang tingnan ng matanda.
Tiningnan ko naman si Momsy na parang nagungusap ang aking mga mata. "Mahal ko po si Knight, Momsy kaya nga po ako ang gumawa ng paraan para maikasal lamang kami," ngumiti ako at alam kong 'di iyon abot sa aking mga mata.
May gumuhit na ngiti sa kaniyang mga labi. "I know that love," saad niya at kinuha ang aking kamay gusto ko sanang bawiin ito ngunit huli na nang itaas niya ang damit dahilan upang makita niya ang mga sariwa ko pang mga pasa.
"My god! Where is he?" sigaw ng matanda at akma nang tatayo mula sa kan'yang kinauupuan nang bigla ko naman siyang pinigilan.
Halos mabingi ako sa kabog ng dibdib ko.
"Please Momsy, don't just please don't hihilom din naman 'to. I can manage myself pa naman po," mahinahong saad ko ngunit ang mata ng matanda ay halos nag-aapoy na sa galit ngunit nang makita niya na akong umiiyak ay agad din naman itong huminahon at napaupo na lang muli.
"Hindi ko alam na umaabot na pala kayo sa sakitan. Dito ka na ba mamamatay? I mean dito mo na ba ililibing ang sarili mo dahil sa lintik na pag-ibig mong 'yan? Naririto ako Alana, please buksan mo naman ang mga mata mo tingnan mo naman ako gusto mo bang magaya sa akin na hanggang sa pagtanda ay hindi mo man lang nalasap kung paano maging masaya?"
"Pag-iisipan ko po muna marahil po ngayon ay 'di ko pa naa-absorb ang mga sinasabi ninyo pero huwag po kayong mag-alala sa akin," saad ko at hinila niya naman ako upang yapusin ng yakap. Napahigpit ang yakap ko sa kan'ya dahil ngayon lang ulit ako nayakap ng isang tao. Simula kasi noong ikasal kami ni Knight ay hindi na nakadalaw sa akin ang aking mga magulang.
Kumabog ang dibdib ko nang biglang may nagsalita mula sa aking likuran.
"What are you doing?" a deep husky voice asked at agad naman akong napabitaw mula sa pagkakayakap kay Momsy.
Mabuti na lang at wala ng mga luha ang aking mga mata ayokong mag-isip siya ng kung ano-ano.
'My god Alana, as if naman may pakialam siya sa,yo." isip-isip ko.
"Nothing iho, gusto ko lang na kumustahin kayong dalawa and especially Alana," sagot niya na may mga makahulugang titig patapon kay Knight ngunit agad naman iyong napalitan ng pagkalola niya.
Tumango-tango naman si Knight. "Bakit ka nga pala andito Mamay ni hindi ka man lang nagpasabi na darating ka para makapaghanda kami rito," saad niya habang nakatingin sa akin sa mga tingin niya ni hindi ko magawang makahinga ng normal at ang t***k ng puso ko ay mas lalong bumibilis na agad namang hinawakan ni Momsy ang nanlalamig kong mga kamay.
"Tara iha, may dala akong pagkain nasa kusina na siguro at naiprepare na ni Nanang. I bake delicious cookies, leche flan, butterscotch, uhm a carbonara of course your favorite iha, how could I forget that and I also cook adobong manok just how you like it," saad niya at tila naman kumislap ang aking mga mata sa pagkakabanggit niya ng mga pagkaing dala-dala niya halos lahat ata ng kan'yang binanggit ay ang siyang mga paborito ko.
"Talaga Momsy? Kung ganoon naman pala bakit 'di ninyo sinabi agad para lapangin ko iyon lahat?" tawang saad ko at tila ba nakalimutan kong nasa harapan pa pala namin si Knight.
"Looks like you're the one whose most need it," sarkastikong saad ni Knight at agad na naglakad paalis at tila papunta sa kusina.
"And you don't need it kasi hindi naman para sa'yo." Binelatan siya ni Momsy dahilan upang matawa ako ng palihim. Hindi ko rin mapigilang hindi mapaisip na sa ganitong edad niya ay para bang marami pa siyang hindi nagawa noong kabataan niya.
Magiging ganito rin ba ako sa susunod?
"Tara Momsy, kainin na natin 'yong mga dinala mo tamang-tama may binake pala akong pandesal kagabi masarap 'yon kapag pinalamanan ng leche flan," saad ko at tumango-tango naman siya at inakay na ako patungong kusina.
Nakaupo na pala si Knight doon at nagsisimula nang kumain di na rin siguro nakahintay dahil kung titingnan ay napaksarap ng mga nakahain sa lamesa kahit na puro dessert ang iba.
"Masarap ba, Knight?" tila may panunuya ang tono ni Momsy sa pagtatanong ngunit 'di naman siya sinagot nito at halatang ang buong atensyon ay nasa pagkain niya.
Nagsimula na kaming kumain at 'di ko napigilang kainin ang isang tub ng leche flan at agad na naubos ito sa isang upuan lamang na agad naman akong tinitigan ni Momsy na para bang gulat na gulat.
Napatingin naman siya sa kaing gawin. "Iha, ginugutom ka ba dito at para kang 'di nakakain ng ilang buwan?" komento niya dahilan upang mapatingin si Knight sa aking gawi na para bang nag-aalala o baka guni-guni ko na naman iyon ulit.
Umiling-iling naman ako at ngumiti bago sumagot. "Masarap po kasi Momsy, sorry naubos ko na po," paliwanag ko at tumawa lamang siya.
Lumiwanag naman ang kaniyang mukha at napangiti na kita na rin ang kaniyang magagndang mga ngipin. "Specialty ko ata 'yan iha, and speaking of bago ko malimutan darating pala ang kapatid mo ngayon, Knight. Wala siyang matutuluyan dahil under construction pa ang bahay niya dito so I suggest na dito na muna siya manunuluyan sa inyo since napakalaki naman nitong bahay ninyo di'ba? Why not let him here para naman magkatao?" anunsiyo niya at tila napasimangot naman si Knight sa balitang inihayag ni Momsy.
Kunot noo siyang tumitig kay Momsy na para bang mapait ang kaniyang kinakain. "Bakit 'di na lang siya mag-apartment o condo riyan marami naman diyan." Labas sa ilong niyang mungkahi na inismiran naman ni Momsy.
Napabuntong hininga naman si Momsy bago siya tuluyang nagsalita. "You know naman what happened before Knight di'ba? Nag-apartment siya pero sinugod naman siya ng sandamakmak na mga lintang babae kilala si Ash kahit saan at kung sa condo naman ay pinagpi-pyestahan siya ginagawa pang negosyo ng iba para lang makita ang kapatid mo," saad niya at tila ba nauubos na ang kanyang pasensya dito.
"Okay naman sa iyo di'ba iha?" baling niyang tanong sa akin at agad naman akong napatango sa kanyang tanong.
"Okay naman po sa akin pero si Knight pa rin po 'yong magde-desisyon kaya siya na lang po ulit 'yong tanungin niyo Momsy," mahinang saad ko at tinitigan si Knight na sa ngayon ay para bang may iniisip.
"Iho?" tawag sa kan'ya ni Momsy.
"Okay, isang buwan lang siya titira dito," saad niya at dahan-dahang tumayo at pinunasan ang kanyang bibig. "Maraming salamat sa pagkain Mamay kailangan ko ng umalis at maaga pa ako sa kompanya," saad niya at agad na umalis at 'di man lang nag-abalang tapunan ako ng tingin. Ano pa nga ba ang inaasahan ko dapat nga ay masanay na ako at 'di na umaasang may magbabago pa.
Kaming dalawa na lamang ni Momsy ang naiwan sa kusina at tila nawalan agad ako ng ganang kumain kahit na masasarap ang nakahain sa aking harapan.
Narinig kong bumuntong-hininga naman si Momsy dahilan upang tingnan ko siya. "Don't look at the food like that dear, para kang patay na cellphone nang umalis siya para bang siya 'yong charger mo," mapanuksong saad niya habang tumatawa-tawa.
Huminga siya ng malalim at ipinilig ang ulo. "Alam mo ba iha, ngayon lang ako nakakatawa ng ganito 'pag kasama ka,para rin kasing kinakausap ko 'yong sarili ko sa'yo," ngiting saad niya at dahan-dahan ding tumayo at inayos ang kan'yang sarili.
"Aalis na po kayo agad?" malungkot na tanong ko dahil para bang gusto ko muna siyang manatili rito.
Kinuha naman niya ang aking kamay at marahang pinisil iyon. "Kailangan iha, pero huwag kang mag-alala dadalaw-dalawin din kita dito at hindi ka n arin mabo-bored kasi nandito na mamaya-maya si Ash. Alam kong magkakasundo kayo no'ng batang 'yon. Hindi ka talaga mabo-bored sa kan'ya unlike sa asawa mong nakakapanis ng laway. Hay nako! Hala sige aalis na ako ha mag-iingat ka dito at huwag mo namang pabyaan ang sarili mo."
Tumango-tango naman ako. "Opo tatandaan ko po 'yang bilin ninyo mag-iingat po kayo pauwi," paalam ko at hinalikan siya sa kan'yang pisngi.
"Nobody learns from their mistakes by doing everything the right way. Just make sure you're learning from them rather than repeating them. Sana 'yon ang tandaan mo iha," wika niya at tuluyan nang nagpaalam na may mga ngiti sa kan'yang mga labi at naiwan na lang akong tulala sa kawalan.